Lunes, Disyembre 25, 2023

December 25, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Nagagalak ang ating mga puso ngayong Araw ng Pasko habang ginugunita natin ang Kapan-ganakan ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesukristo. Buong pananalig nating ipabatid sa Diyos Ama, na nagbigay sa atin ng Kanyang Bugtong na Anak, ang ating mga kahilingan:

Amang mapagmahal manatili ka sa aming piling!

Para sa Simbahang tahanan ng lahat ng mananampalataya: Nawa’y magtamo siya ng kapayapaan at lumagong sagana ang kabanalan sa lahat ng kanyang mga kasapi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari sa ating parokya, at sa lahat ng mga tumutulong sa kanila: Nawa’y magdulot ang araw na ito ng kaligayahan sa kanilang mga puso at ng kinakailangang lakas sa paglilingkod sa Diyos. Manalangin tayo!

Para sa mga namumuno sa bayan at lahat ng may hawak ng kapalaran ng napakaraming tao: Nawa’y patnubayan silang lagi ng kapayapaan, pagkakapatiran, at pakikipagkasundong dulot ng Pasko sa kanilang mga pagpapa- siya. Manalangin tayo!

Para sa mga maysakit, matatanda, walang trabaho o tahanan, at lahat ng tila napapabayaan ng lipunan: Nawa’y malasap nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaisa at kabukasang-palad ng lahat ng mananampalataya. Manalangin tayo!

Para sa ating mga mag-anak, lalo na ang may mahigpit ngayong pinagdaraanan: Nawa’y makatulong ang diwa ng Pasko upang matuklasan nilang muli ang ugat ng kanilang pag-ibig at tulutan silang makaraos sa lahat nilang kahirapan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: nawa’y gaming sentro sila ng atenshon at kalinga ng lipunan at maitatag ang mga institusyong nakalaan sa kanilang kapakanan. Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, bukal ng aming kagalakan at kaligtasan, Ikaw ang dahilan ng aming pag-asa. Magdulot nawa ang Paskong ito sa aming mga puso ng pang-matagalang galak at kapayapaan hanggang sa ipagdiwang namin ito sa langit. Isinasamo namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 23, 2021 at 3:35 pm

PAGMIMISA SA ARAW NG PASKO NG PAGSILANG

PAGNINILAY: Kamakailan lang, nakabihis ako upang mag-Simbang Gabi. Binigyan ako ng isang P1,000 at tatlong P20 para sa koleksyon ng Pag-aalay at pagkatapos ng Misa ay makabili ng Burger King. Malapit lang ang simbahan kaya’t isang lakad lang siya. Nang palabas na ako ng bahay, biglang nakita ako ng mga batang nangagaroling, at kumanta sila habang namamasko. Kaya binigyan ko sila ng isang P20, pero may isa pang batang umawit habang nagmamasko, kaya binigay ko sa kanya ang isa pang P20. Pagkatapos nito, naglakad na ako papuntang simbahan. At habang lumalakad, may isang grupo ng mga bata ang biglang nagmasko sa akin. Kaya ibinigay ko sila ang huling P20 mayroon ako. Yung mga batang binigyan ko ay nagpasalamat. Hindi ko nang akalain na P1000 na lang ang perang natitira, at tinitipid ko iyan para sa Burger King sapagkat humihingi din ang aking mga kapatid. Kaya nang umabot na Paghahanda ng mga Alay, inilibas ko ang P2 sa aking bulsa at iniligay sa koleksyon. Pagkatapos ng misa, naglakad ako at kumain muna sa Burger King. Sa labas ng kainang iyon, may isa pang nagmamaskong grupo ng batang aking nakasalubong. Dahil P1,000 na lang ang pera ko, ginamit ko ito muna upang bilihin ang aking mga order (dine in) at ang order ng aking mga kapatid (take out). At pagkatapos kong kumain, hawak ko ang order ng aking mga kapatid at pati ang isang ekstrang order para sa mga bata kasama ang donasyon para sa kanila, at sila’y nagpasalamat. Eto pa: hawak ko rin ang mga imahe ni Santa Teresa ng Kolkata at San Martin de Porres. Muntik ko na silang iwanan sa Burger King, pero mabuti namang bumalik ako at kinuha ko sila. Dinala ko sila upang ibasbas ng Pari, at parang silang gumabay sa akin sa araw na iyon sapagkat ayon sa kanilang talambuhay, naglingkod sila sa mga dukha, mahihirap, niyuyurakan, at mga ulila. Parang naisip kong iyan ang pinakamagandang regalo ko ngayong Kapaskuhan. At ngayong araw na ito, mayroong akong mga canned goods na nangangahalang P500 para ibigay ko mamaya ilang mga mahihirap na nakatulog sa mga kalye.

Ayon sa ating pananampalataya, naniniwala tayo na ang Panginoong Hesukristo ay tunay na Diyos (100%) at tunay na tao (100%). Ito’y dahil sa sinabi ni San Juan nang simulan niya ang kanyang Ebanghelyo sapagkat ang pokus ng Apostol ay tungkol sa hypostatic union. Si Hesus ay ang Walang-hanggang Salita na nagkatawang-tao upang tayo’y iligtas mula sa kasalanan, turuan na tayo’y magmahalan katulad ng patuloy na pagmamahal sa atin ng Ama, at marapatin tayong tawaging mga anak ng Kataas-taasan. Kaya nga ang kanyang imahe ngayong Pasko ay isang munting sanggol. Sa panahong kanyang kinasasakupan, ang mga bata at babae ay tinuturingan ng lipunan bilang mga mahihina dahil nakadepende sila sa kanilang mga tatay. Pero mismong si Kristo ang tuturo sa atin na sinumang mababang-loob na tatanggap sa Kaharian ng Diyos katulad ng isang bata ay papasok rito.

Kaya ang turo sa atin ay maging katulad ng isang bata (childlike), hindi yung isip-bata (childish). Si Hesus nga ay naging magpakumbaba at masunurin sa kalooban ng Ama hanggang sa punto na siya’y namatay sa Krus upang tayo’y mailigtas mula sa kasalanan. At kahit tayo’y makasalanan o mabuti, ang dahilan kung bakit siya’y nagkatawang-tao ay sapagkat mahal tayo ng Diyos at tayo’y kanyang mga anak sa liwanag at buhay.

Sa ating paglalakbay sa daan ng Pasko ng Pagsilang, nawa’y manahan si Hesus sa duyan ng ating mga puso, tanggapin natin siya bilang Panginoon ng ating buhay, at mahalin at paglingkuran natin ang ating mga kapwa sa pamamagitan ng pagiging mabuting ehemplo at paggawa ng mga mabubuti at kawang gawa.

Reply

Malou Castaneda December 24, 2023 at 8:47 pm

PAGNINILAY
Nararamdaman ba natin na mahal tayo sa espesyal na panahon na ito? Nakatatanggap ba tayo ng mga palatandaan ng pagmamahal mula sa mga mahal natin? Nais ng Diyos na malaman natin ang Kanyang banal na pag-ibig. Ngunit, bilang tao, minsan mahirap malaman kung ano ang pag-ibig. Kailangan natin ng nakikita, nadarama na mga palatandaan ng pag-ibig. Ito ay para sa mismong kadahilanan na ang Diyos ay nagkatawang tao at namuhay kasama natin sa katauhan ni HesuKristo – tunay na Diyos at tunay na Tao. Nakibahagi si Hesus sa ating buhay bilang tao upang matanggap natin ang pinakadakilang regalo sa lahat – isang bahagi sa banal na buhay ng Diyos, hindi lamang ngayon kundi para sa walang hanggan. Sa pagpapalitan natin ng mga regalo sa mga mahal natin, nawa’y tandaan natin na ang mga regalo ay mga paalala lamang ng pag-ibig na umiiral sa pagitan natin at ng pag-ibig ng Diyos para sa bawat isa sa atin. Nawa’y tumugon tayo sa kagalakan ng Pasko sa pamamagitan ng pagtiyak na kahit pagkatapos ng pagdiriwang, ang ating mga salita, iniisip at kilos ay palaging magpapakita ng katotohanan na ang Panginoon ay nasa sa atin.

Panginoon, bigyan Mo kami ng diwa ng Pasko na ang Salita ay nagkatawang-tao, at nananahan sa piling namin, ay laging magtuturo sa aming mga iniisip, salita at kilos. Amen.
***

Reply

Jess C. Gregorio December 25, 2023 at 7:20 am

Pagninilay ni Jess C. Gregorio sa Mabuting Balita:

Sabi ng isang ama, “Gagawin ko ang lahat para hindi maranasan ng mga anak ko ang mga hirap na pinagdaanan ko sa buhay. Ibibigay ko ang lahat na di ko nakamtan. Hindi siya magiging katulad ko. Hindi siya magiging katulad ng iba na kapos at nangangailangan.” Kakaiba ang Ama sa Langit. Sa Paskong ito. Tulad ng iba pang pasko na parati nating ipinagdidiwang, iba ang ninais niya at pinangarap sa kanyang Bugtong na Anak. Kanyang sinugo na magpakasakit at mag alay ng kanyang mismong buhay. At sa isang sakripisyo ay ipamana ang pagiging eredero at pagiging Anak ng Diyos sa lahat ng tao maging sino man sila. At ito ay ninais niya. Tunay na wala tayong alam sa mga gawi ng Diyos kung hindi natin maintindihan ang katotohanang hindi natin hiniling bagkus ay ibinigay ang ating kaligtasan. Ang
Itanging paraan na iwaksi ang takot sa maaring magdulot ng lumbay sa atin at sa ating mga minamahal sa buhay. At dahil nagparaya ang Ama sa pagbibigay ng kanyang Bugtong na Anak sa unang Pasko, tayo ngayon ay eredero at tagapagmana ng langit bilang mga anak niya habang panahon. Hindi na niya tayo itataboy at parurusahan kung matigas ang puso at isipan natin. Ang tanging paraan lang ay humingi ng tawad at gamitin ang Pangalan ng sanggol na isinilang. Pansinin… hindi sa magarbo at marangyang kapaligiran. Sa isang sabsaban. Payak at salat, isang gabing tahimik sa lupa ngunit puno ng celebration at papuri ng lahat ng anghel sa langit. Magalak tayo kahit walang-wala tayo, mahina, o may dinaramdam. Ang pasko ay sadyang para sa lahat anuman ang ating katayuan. Eredero tayo. May yaman at mga mansyon sa langit na tirahan. Maligayang Pasko sa iyo KAPATID.

Reply

Joshua S. Valdoz December 25, 2023 at 8:31 am

PAGMIMISA SA ARAW NG PASKO NG PAGSILANG

PAGNINILAY: Kamakailan lang, nakabihis ako upang mag-Simbang Gabi. Binigyan ako ng isang P1,000 at tatlong P20 para sa koleksyon ng Pag-aalay at pagkatapos ng Misa ay makabili ng Burger King. Malapit lang ang simbahan kaya’t isang lakad lang siya. Nang palabas na ako ng bahay, biglang nakita ako ng mga batang nangagaroling, at kumanta sila habang namamasko. Kaya binigyan ko sila ng isang P20, pero may isa pang batang umawit habang nagmamasko, kaya binigay ko sa kanya ang isa pang P20. Pagkatapos nito, naglakad na ako papuntang simbahan. At habang lumalakad, may isang grupo ng mga bata ang biglang nagmasko sa akin. Kaya ibinigay ko sila ang huling P20 mayroon ako. Yung mga batang binigyan ko ay nagpasalamat. Hindi ko nang akalain na P1000 na lang ang perang natitira, at tinitipid ko iyan para sa Burger King sapagkat humihingi din ang aking mga kapatid. Kaya nang umabot na Paghahanda ng mga Alay, inilibas ko ang P2 sa aking bulsa at iniligay sa koleksyon. Pagkatapos ng misa, naglakad ako at kumain muna sa Burger King. Sa labas ng kainang iyon, may isa pang nagmamaskong grupo ng batang aking nakasalubong. Dahil P1,000 na lang ang pera ko, ginamit ko ito muna upang bilihin ang aking mga order (dine in) at ang order ng aking mga kapatid (take out). At pagkatapos kong kumain, hawak ko ang order ng aking mga kapatid at pati ang isang ekstrang order para sa mga bata kasama ang donasyon para sa kanila, at sila’y nagpasalamat. Eto pa: hawak ko rin ang mga imahe ni Santa Teresa ng Kolkata at San Martin de Porres. Muntik ko na silang iwanan sa Burger King, pero mabuti namang bumalik ako at kinuha ko sila. Dinala ko sila upang ibasbas ng Pari, at parang silang gumabay sa akin sa araw na iyon sapagkat ayon sa kanilang talambuhay, naglingkod sila sa mga dukha, mahihirap, niyuyurakan, at mga ulila. Parang naisip kong iyan ang pinakamagandang regalo ko ngayong Kapaskuhan. At ngayong araw na ito, mayroong akong mga canned goods na nangangahalang P500 para ibigay ko mamaya ilang mga mahihirap na nakatulog sa mga kalye.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: