Biyernes, Oktubre 20, 2023

October 20, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Manalangin tayo sa Ama sa Langit nang may ganap na tiwala, upang maging malaya sa lahat ng nakapaparalisang takot at magkaroon tayo ng tapang na itatag ang kanyang Kaharian.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagmahal na Ama, tanggalin mo ang aming mga takot.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y hindi panghinaan ng loob sa mga hamon ng pagbabago at maging lalong masigasig at maalab sa paghahatid ng pagbabago at pagbabalik-loob sa lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga inuusig dahil sa kanilang paniniwala kay Jesu-Kristo nawa’y mapalakas at mapanatili sa kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong mga Kristiyano nawa’y makatagpo ng kasiyahan sa ating pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok at pagkabahala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa buhay na ito, lalo na ang mga maysakit, nawa’y makaranas ng mapagpagaling na kalinga ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y umani ng gantimpala sa kanilang pagpapagal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat ng oras at panahon, bigyan mo kami ng tapang at lakas upang magsumikap kami sa paggawa ng mabuti. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 14, 2021 at 3:04 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang mahalagang paalala ni San Pablo ukol sa pananampalataya sa Panginoon. Ginamit niya na halimbawa ay si Abraham, ang ama ng pananampalataya, nang dahil sa pagtitiwala nito sa Diyos ay nagkaroon ng pangako ang mga lahi nito ay magiging kasingdami ng mga bituin sa langit. Binanggit rin niya ang pahayag ni Haring David sa Salmo ngayon, na mapalad ang taong pinapatawad ang mga kasalanan, at mapalad ang taong hindi kailanma’y nagkakasala.

Parang naniniwala si Pablo na ang tao kahit ito ay gumawa ng mga mabuting bagay o hindi ay maibabalik nang masagana dahil sa matatag na pananampalataya. Marahil ito ang pangatwiran ng mga Protestante sa ‘Sola Fidei,’ na tanging pananampalataya lamang sa Panginoon ang makakapagligtas. Pero kung titignan natin mabuti ang Kasulatan, wala namang kontradiksyon sa mga pahayag ni San Pablo at Santiago ukol sa pananampalataya at mabubuting gawain. Mula sa pagbasa kanina, ang mga gawa na hindi makakapagligtas ay mga ritwal ng mga Hudyo, kung wala talaga tayong matatag na relasyon sa ating Panginoon. Kaya pinapahalagaan pa rin ni San Pablo ang mga mabubuting gawain ng pag-ibig, katulad ng ipinapahayag ni Santiago [San. 2]. At tandaan natin na ang ating mga Tradisyon at Debosyon ay mahalaga sa pagpapahahayag ng ating pananampalataya bilang mga Katoliko. Subalit mas magiging makabuluhan pa ang ating pananampalataya kung mayroon ring mga konkretong gawain na nakakabuti at hindi nakakasama sa kapwa.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang paalaa ni Hesus tungkol sa katapatan sa Diyos. Unang sinabi ni Kristo na mag-ingat laban sa lebandura ng mga Pariseo at eskriba. Sa ibang salita, ito ay ang kanilang kapaimbabawan, na ating narinig sa mga Ebanghelyo ng mga nakalipas na araw. Kaya kahit sila ay banal at mataas sa labas, sa loob ay puno ng maitim budhi ang kanilang pag-uugali. Ikalawa naman ay ang paninigurado ni Kristo na hindi dapat tayo kumakalag sa buhay, kundi patuloy na kumapit sa kanya. Ito’y isang paalala na para sa Panginoon, ang ating buhay ay mahalaga sa kanyang mga mata. Kaya sinasabi niya na tuwing minamasdan natin ang mga maya na naghahanap ng mga pangangailangan nila, tayo ay pinagpala na makapagbigay ng mga ating kinakailangan sa buhay. Kaya tuwing dumadating ang mga paghihirap at pagsubok sa buhay, hindi dapat tayo matakot. Huwag din tayo matakot sa mga taong nagbabanta na pumatay, sapagkat sabi ng Panginoon na matakot tayo sa mga pumapatay ng kaluluwa. Sa madaling salita, ang kawalan ng pananampalataya ang naghihiwalay sa ating pakikipagrelasyon sa Diyos, kapwa, at sa ating sarili.

Ang dapat bigyan-pansin sa ating buhay ay ang matapat na pananamplataya sa kanya, na hindi dapat tayo mangamba sa anumang sitwasyong ating kinalalagyan ngayon. At sa ating pananmaplataya, nawa tayo ay gumawa ng kabutihan nang may kababaang-loob.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 15, 2021 at 9:36 am

Kanino o saan kayo natatakot?
Sa kasalukuyang panahon, napaka-ingat ng tao, may face shield may facemask, alcohol ng alcohol at iba pang health protocols, dahil natatakot sa covid19, natatakot magkasakit, natatakot sa malaking gastusin sa ospital at natatakot mamatay. Subalit hindi natatakot sa Diyos sa pagawa ng kasalanan katulad ng pagiging mkasarili, madamot, tsismosa, palamura, nangangalunya, nakikiapid, hindi pinapatawad ang kapatid at hindi tumutulong sa kapwa.
Hindi mo kailangang matakot kung ano man ang dulot ng narito sa lupa lung ikaw ay pananalig sa Diyos, sapagkat hindi tayo pababayaan ng Diyos, sinabi nga sa ebanghelyo na kung ay mga maya nga ay hindi nya pinababayaan ay tayo pa kaya na mas higit sa ibon. Ang sinasabi ni Hesus dito ay gumawa ka lamang ng mabuti at wag ka ng mangamba, dumating man ang kahit anong unos ay hindi ka iiwanan ni Hesus kung hindi mo rin sya iiwan o mananatili ang iyong matinding pananalig sa Kanya. Huwag matakot, gumawa ng mabuti, magsisi, humingi ng tawad at ang Diyos sa langit na ang bahala. Ang katakutan ay walang iba kundi si Hesus lamang.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: