Lunes, Oktubre 16, 2023

October 16, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-28 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Bumabaling tayo sa pananalangin sa Diyos Ama para sa biyaya ng pagbabagumbuhay at makatugon nang may katatagan sa panawagan ni Kristo sa pagbabalik-loob.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng mga simbolo at mga himala, basbasan mo kami.

Ang mga puso ng lahat ng lalaki at babae nawa’y mapanumbalik sa Panginoon na tumatawag sa daigdig sa pagsisisi, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang tanggapin ang buong mensahe ng Ebanghelyo pati na ang mga salitang bumibigkas ng pagsubok at krus sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ng mga mamamayan ng Nineve, nawa’y itakwil natin ang mga masamang pamumuhay at bumaling tayo sa Diyos nang buong pagpapakumbaba at nagsisising espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at matatanda nawa’y makatagpo ng kasiguruhan at pagmamahal mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y tumanggap ng kapayapaan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat, ibinigay mo sa amin ang tanda ni Jonas upang pangunahang ipahayag ang pagdating ng iyong Anak. Mula sa walang hanggan, niloob mo ang kanyang Muling Pagkabuhay. Isama mo nawa kami sa kanya sa magpakailanman. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 10, 2021 at 11:55 pm

PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagsusubok ng mga Pariseo at eskriba ng isang tanda mula sa Panginoong Hesus. Kaya’t tinawag ni Hesus ang henerasyong iyon bilang napakasama sapagkat ito’y naghahanap ng isang palatandaan, at sinabi niya na walang tanda ang ibibigay kundi ang tungkol kay Propetang Jonas. Alam po natin na si Jonas ay nagtakbo palayo sa Diyos papuntang Tarsish sapagkat ayaw niya dati na magpropesiya tungkol sa kasamaan ng Nineve. Kaya’t nagkaroon ng bagyo sa dagat, at inamin sa mga manlalakbay na siya ang puno’t dulo ng bagyo, at nais siyang itaboy sa dagat. Kaya ang nangyari ay kinain siya ng isang malalaking isda, at doon siya’y nanatili sa bituka ng isda sa loob ng tatlong araw at talong gabi. Makalipas ang mga araw na iyon, siya’y pinalaya at tinawag muli ng Diyos na magpahayag sa mga taga-Nineve, isang bayang makasalanan, at dito sinabi ni Jonas ang magiging parusa ng siyudad sa loob ng 40 araw. Kaya agad nagsisi ang mga tao, pati ang hari ay nagtawag ng araw ng pag-aayuno bilang pagsisi sa Panginoong Diyos, at hindi natuloy ang plano ng pagwasak ng Nineve.

Makikita dito na inihantulad ni Jesus ang pananatili ni Jonas sa kanyang magiging nakatakdang plano ng Diyos, ngunit ang mangyayari sa kanya ay higit pa sa nangyari sa propeta. Katulad ng pananatili ni Jonas sa loob ng isda ng 3 araw at 3 gabi, si Hesus ay ililibing matapos ang kanyang kamatayan sa Krus, ngunit siya’y muling mabubuhay makalipas ang 3 araw at 3 gabi. Kaya inilalarawan ni Hesus ang magiging kanyang Misteryong Paskwal upang tuparin ang plano ng Diyos na tayo’y mailigtas at gawing mga anak ng Diyos Ama.

Sabi ni San Pablo sa Unang Pagbasa na tayo’y mga anak ng kalayaan, hindi alipin nito. Ito ang biyaya ng “free will” kung saan tayo ay nabubuhay nang marapat sa paninigin ng Diyos na gumagawa ng mabuti at tinatalikdan ang masasama. Kaya tayo’y tinatawagan na mamuhay nang marapat sa mundong ito habang hinihintay natin ang Araw ng Paghuhukom upang katulad ng Reyna ng Timog na dulaw upang makinig sa karunungan ni Haring Solomon, tayo rin ay matatagpuang handang panagutin ni Hesukristo sa kanyang muling pagpapario sa daigdig ayon sa ating pagpapamalas ng pag-ibig ng Diyos sa ating kapwa.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 11, 2021 at 8:51 am

Minsan nakadebate ko ang aking tiyuhin na galing Amerika tungkol sa Diyos, sapgkat sya ay hindi naniniwala dito. Dumating sa punto na sinabi nya sa akin “sige sabihin mo sa Hesus mo na pagalawin ang basong ito upang ako ay maniwala.”
Huwag nating subukin ang Diyos, o hingian ng mga palatandaan o signs, sinabi sa ebanghelyo na walang ipakikitang palatandaan maliban sa nangyari kay Jonas.
Sino tayong mga tao para magsalita mg ganun o hamunin ang Panginoon tungkol sa ganun. Hindi pa ba sapat ang nakikitang mong lahat sa paligid mo? Ang dagat at ang milyon milyong klaseng isda na naroon, ang lupa na hindi mabilang ang klase ng hayop at halaman, ang araw, buwan, mga bituin, tubig, at ikaw! Ikaw mismo na mayroong pag iisip at damdamin. Hindi natin kailangang makakita ng himala upang tayo ay maniwala at manalig sa Diyos. Sapat na ang lahat ng iyong nakikita ata nararamdaman.
Sinasabi din nating Mahal natin ang Diyos, subalit hindi mayin makuhang mahalin at patawarin ang kapatid natin na nakikita natin? Ang Diyos pa kaya na hindi mo nakikita ay sasabihin mong mahal mo!?!
Ang nabuhay lamang tayo at nagigising tuwing umaga ay isa ng himala at biyayang galing sa Diyos, kaya nararapat na ipagpasalamat natin ito at suklian ng kabutihang asala at pagtulong sa kapwa.

Reply

Mel Mendoza October 16, 2023 at 10:00 am

Ang Mabuting Balita ayon kay San Lucas na ating natunghayan ay pwedeng mabuod ito sa mga salitang na ang himala o tanda ng ating Panginoong Hesus ito ay nasa ating mga puso na at hindi na tayo dapat manghingi pa ng mga ibang tanda sapat na ang Salita ng Diyos. Wala tayong himala o tanda na mararanasan hanggang hindi napapanibago nito ang mga puso at kung hindi tumitimo sa ating mga puso at naisasabuhay ang ipinangangaral ng Mabuting Balita na ating napapakinggan at ito ay mga Salita tungkol sa kaligtasan. Ang Salita ng Diyos ay ibinabahagi ito sa lahat ng tao, mabuti man ito o masama.

Kaya tinawag ni Hesus na mga masasamang lahi ang mga taong nangangailan pa ng tanda sapagkat sa kabila ng mga ipinahayag Niyang mga Salita at gawa’t himala at sa isang taong pagmiministeryo ng mga sinugo nyang mga alagad na ipangaral ang Mabuting Balita at pagpapakita din ng himala upang maniwala sa kaligtasan inihain sa kanila ay patuloy pa din silang humihingi ng tanda. Kaya nga sa Misteryo ng Paskal na kung saan ipinakita doon ang kanyang pagpapakahirap, pagpapakasakit, at pagkamatay, at sa muli Niyang pagkabuhay pagkatapos ng tatlong araw upang ito magbigay ng pag-asa sa lahat na maniwala at ipagpapatuloy ang mabubuting gawa sa tagpong kanilang nasaksihan. Hindi tumimo sa mga puso ng mga tao ang kahalagahan nito sa konteksto ng kasaysayan ng kaligtasan sa halip humihingi pa sila ng tanda.

Ang pagpapakita ng tanda o ng isang himala minsan lang ito dumadaan at hindi ito mananatiling makikita o kaya magiging ordinaryong karanasan lang ng isang tao. Nawa, ang tanda na dapat natin asamin sa araw araw ng ating mga pagiral ay ang salita ng kaligtasan ng Panginoong Hesus na naipangangaral sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan na ating napapakingan na ito ay hindi lang dadaan o maglalaho kundi manatili nawa sa ating buhay magpakailanman. Amen?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: