Sabado, Oktubre 14, 2023

October 14, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Nabigyang-buhay ng pananampalataya at katapangan ni Maria, dalhin natin ang ating mga pangangailangan sa Diyos Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, maganap nawa sa amin ang iyong kalooban.

Sa paggabay ni Maria, ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y akayin ang Bayan ng Diyos para higit na mapalapit kay Kristo sa pamamagitan ng kanilang pagpapahayag at halimbawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Maria, nawa’y tanggapin natin ang Salita ng Diyos sa ating puso at tumugon dito nang may buong kabukasan ng kalooban, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pagsunod sa mga halimbawa ni Maria, nawa’y magawa ng mga ina ang kanilang tahanan na maging pook na puno ng pagmamahal at kabanalan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa tulong ni Maria nawa’y tingnan ng Diyos nang may habag ang mga maysakit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magsaya sa walang hanggang kaligayahan na kasama si Maria at ang mga banal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinili mo si Maria upang maging ina ng iyong Anak. Tulungan mo kami sa pamamagitan ng kanyang pananalangin na mapahalagahan namin ang mga alaala ng Kamatayan at Muling Pagkabuhay ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 8, 2021 at 8:33 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang isang pangitain ni Joel ukol sa Araw ng Panginoon, na sinasabing magaganap sa tinatawag na Kapatagan ng Jerusalem. Dito maghuhukom ang Diyos na ang Sion ay ang kanyang banal na tahanan, kaya’t magiging isang Banal na Lungsod ang Jerusalem. At magiging mapagpala ang gatas na aagos sa batis ng Juda at Kapatagan ng Sitim. Ngunit ang Edom at Egipto ay magiging isang ilang dahil sa kanilang marahas na pang-aapi sa bayan ng Diyos.

Kaya’t makikita sa propesiyang ito ang banal na pananahan ng Diyos sa bagong Jerusalem, ang kanyang Kaharian sa kalangitan. Nang si Kristo ay dumating, bago pa man sumapit ang kahuli-huliang panandalian ng kanyang Misteryong Paskwal, ipinahayag na niya sa mga alagad na siya’y aalis mula sa lupa at babalik sa kanyang Ama upang ipaghanda sa mga sumasampalataya sa kanya at gumagawa ng kabutihan ng isang tahanan sa langit na inilaan niya para sa atin. Kaya sa muling pagpaparito niya sa daigdig na magaganap sa huling araw, matatanggap natin ang matuwid na paghuhukom ayon sa pag-ibig na ipinadama natin dito sa daigdig.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isa sa mga pinakaiksing teksto na binabasa ng Simbahan, ngunit mayroong mahalagang mensahe. Nang si Hesus ay nangangaral, may isang babaeng biglang napasabing kung paanong naging mapalad ang nagdalang-tao sa Panginoon. Kaya ang naging tugon naman ni Kristo ay mas mapalad ang mga taong nakikinig sa mensahe ng Diyos at tumutupad nito.

Kaya itong Ebanghelyo ay isang pagpaparangal sa ating Mahal na Ina: si Birheng Maria. Tunay nga siyang mapalad dahil sa kanyang pananampalataya, pagkamasunurin, at kababang-loob na tuparin ang dakilang kalooban ng Diyos Ama. Kahit nakita niya ang kanyang Anak na nagdurusa at nabayubay sa Krus, patuloy siyang tumalima sa plano ng Panginoon. Alam ni Maria na lahat ay mangyayari ayon sa mensahe ng Diyos para sa kaligtasan ng buong sangkatauhan laban sa kasamaang umiiral sa maling pag-iisip at huwad na pagkilos ng tao. Kaya nga itinagubilin ni Kristong nakapako sa Krus ang kanyang Ina bilang ating Mahal na Ina upang mayroon tayong pagmamahal at katamis-tamis na pag-aaruga upang masundan natin ang Panginoong Diyos araw-araw sa ating buhay. Nawa’y maging huwaran sa atin ang ating Mahal na Inang Maria sa pananamapalataya, pagkamasunurin, at kababang-loob tungo sa mga bagay na ibinibigay sa atin ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus.

Reply

Ferdy Baetiong Parino October 9, 2021 at 8:33 am

Ang unang pagbasa ay pagpapaalala sa atin na darating si Hesus subalit walang nakakaalam maging ang mga anghel ss langit kung kailan at anong oras. Kaya nararapat na tayo ay maging handa. Paano nman maging handa sa pagdating ng Panginoon? Upang hindi mapasama sa mga lilipulin at liligisin na parang ubas ay umpisahan mo ngayon ang pagsisi sa gawain nating makamundo, ihingi ng kapatawaran ang mga pagsuway sa sampung utos, at sikaping makapamuhay ng may takot sa Diyos at tuluyan ng talikuran ang gawang masama.

Sa atin nmang ebanghelyo ay nais ipabatid ni Hesus na hindi lamang si Maria ang mapalad, sya ang nagdala kay Hesus sa sinapupunan at nagpasuso pero hindi nangangahulugan na tayong mga tao ay walang pag asang maging mapalad at maging kalugod lugod sa mata ng Diyos. Sinabi nga ni Hesus mas higit pa tayong mapalad kung isasaisip at isasapuso lamang natin ang mga Mabuting Balita. Ugaliin nating manuod ng online mass kung hindi makakadalo sa banal na misa, namnamin natin ang mga ebanghelyo at homiliya ng mga kaparian, at ito ang gawin nating gabay sa pakikisalamuha sa kapwa. Oo hindi madali magpakabanal pero kaya natin kung gugustuhin natin, bago mo gawin ang isang bagay pakaisipin mo muna na ito ba ay naayon sa kagustuhan ni Hesus, ito ba ay hindi makakasakit ng kapwa, ito ba ay walang nilalabag sa sampung utos o di kaya naman ay ito ay nagpapakita ng pagpapakababa. Hindi madali pero kaya! At kakaibang ligaya ang ibibigay nito sa pakiramdam natin at magkakaroon tayo ng peaceof mind dahil alam nating panig tayo ni Hesus. Gumawa ka lang mabuti at Diyos na ang bahala sayo,… Magtiwala ka lang kapatid.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: