Biyernes, Oktubre 13, 2023

October 13, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Natitipon kay Kristong lumulupig sa lahat ng kasamaan, lumapit tayo sa Ama nang may pananalig dala ang ating idinadalanging mithiin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Mapagtagumapayan nawa namin ang lahat kay Kristo, O Ama.

Ang Simbahan nawa’y mapanibago at magbigay ng tapat na pagsaksi sa mga tamang pinahahalagahan sa buhay upang makatulong na ibangon ang nalugmok na sandaigdigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga Kristiyanong sumasampalataya nawa’y magkaroon ng tapang na magsalita nang hayagan sa ngalan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang hindi hayagang impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos mula sa mga taong nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga namayapa, nawa’y tanggapin sa kaganapan ng Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, habang itinataas namin ang aming mga panalangin, pinasasalamatan ka namin sa iyong Anak na lumupig sa kasalanan at kamatayan, siya na nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 4, 2021 at 2:38 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang babala ni Propet Joel tungkol sa pagkawasak ng Lungsod ng Jerusalem. Bagamat itong propesiya ay kinatatakutan, gayunpaman ito’y nagdadala ng pag-asa na ang Panginoon ang kaganapan ng ating buhay. Ito’y hindi dapat manginig sa atin sa takot, kundi umasa na sa bandang katapusan ng panahon ay tayo’y magiging kabilang niya sa kaharian ng langit. Kaya’t ang pag-asa natin sa lupa ay kaakibat ng patuloy nating pagtangkilik sa kabutihan.

Ang Ebanghelyo ay isang pagtatagpo ni Hesus sa isang lalaking sinasapian ng masasamang espiritu, kaya nga pinalayas niya ito mula sa lalaki. Ngunit siya’y pinagbintangan ng mga Pariseo at eskriba na kasabwat ni Beelzebul, ang Prinsipe ng mga demonyo, sa paggawa ng ganyang kababalaghan. Sinubukan naman siya ng ibang tao upang patunayan na ang kanyang gawain ay mula sa Diyos Ama. Ngunit sila’y hinarapan ni Hesus, at sinabi niya na ang isang pundasyon ng bahay na nag-iisang nakatayo ay hindi tatagal sa ganyang estado. At ganun rin kay Beelzebul na mas kilala si Satanas na mahilig magwatak ay hindi laging magtatagumpay. Ganun rin sa isang kahariang nahahati, at ito rin ay magkakawatak-watak. Kaya hinamon ni Hesus ang mga nagbibintang sa kanya na sa kaninong pangalan naipapalayas nila ang mga masasamang espiritu. At sinabi rin niya na ang mga naghahati-hati ay hindi pumapanig sa kanya, sapagkat sila ang nagkakalat sa mga taong pinag-iisahan ng Diyos.

Ang sinasabi dito ni Kristo ay ang mga pagkawatak at pagkahati sa mga komunidad ay hindi kailaman makakamit ng kapayapaan at pagkakaisa. Paano naman magkakaisa ang isang sirang pamayanan na nahahati dahil sa mga matinding paglalaban tungkol sa kaibahan ng bawat miyembro? Maraming pagkahati at pagkawatak ang nangyayari hindi lang sa relasyon ng tao sa pamilya at angkan, kundi pati na rin sa Simbahan, Pamahalaan, negosyo, trabaho, paaralan, atbp. Ngunit kung nais nating makamit ang pagkakaisa sa bawat isa, tayo ay inaanyayahan na patuloy na ipalaganap ang pag-ibig ng Diyos na naghahari sa buong mundo. Kung tayo’y magmahahalan katulad ng pagmamahal sa atin ni Hesus, magaganap ang mga mabubuting asal at pagpapahalaga sa bawat isa sa atin. Huwag po tayong magsawa sa paglilingkod sa isa’t isa at pagtuturo ng kabutihan at katuwiran upang sila’y maengayong sumunod sa mga yapak ng Panginoon. Sa mga ganitong gawain bilang mga Kristiyano, patuloy na maghahari ang pag-ibig ng Diyos at ang mga magagandang bagay hindi lang sa ating kapakanan, kundi pati na rin sa ibang tao.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 8, 2021 at 9:26 am

Ang unang pagbasa ay nagpapaalala na dapat tayong maging handa sa sa pagdating ng Panginoon, ihanda ang kalooban, ang isip atvnagbmga puso, sapagkat ito aya darating na parang magnanakaw, hundi natin nalalaman kung kailan at anong oras, magsimulang magsisi at humingi ng kapatawaran at sikaping talikuran na ang masasamang gawain.

Ang ating ebanghelyo ay tungkol sa demonyo, sa demonyo na patuloy na tumutukso sa atin na gumawa ng masama sa anyo ng panandaliang masasarap para sa tao, kasarapan na siguradong pagsisishan sapagkat magdudulot sa iyo ng lagim at kadilimana ng buhay. Ang bahay na malinis ng nais pasukin ng mga demonyo, inig sabihi’y ang mga taong nagpapakabuti at nagnanais maging magpakabanal o magbalik loob sa Diyos ang tinutukso ng demonyo. Ipanalangin natin na bumaba sa atin ang espiritu santo upang gabayan ang ating iisipin, sasabihin at gagawin. Ipanalangin din natin na wag tayong ipahintulot sa tukso at kayanin ang mga pagsubok.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: