Miyerkules, Oktubre 11, 2023

October 11, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Manalangin tayo sa Amang nasa Langit na mayroong ganap na pananalig sa kanya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, bigyan mo kami ng makakakain sa araw-araw.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y magpahayag ng malalim na pananalig sa pagdating ng Kaharian ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan ng Ama, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa gitna ng mga pagsubok sa buhay, nawa’y patuloy tayong nagdarasal at hindi magpadaig sa anumang tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na makakain sa araw-araw na pangangailangan at magkaroon ng dakilang puso upang patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at ang mga nakararanas ng paghihirap sa buhay nawa’y matulungan ng kanilang kapwa sa pagpapasan ng kanilang krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makita ang Panginoon nang harapan sa kanyang walang hanggang tahanan sa paraiso, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, pinasasalamatan ka namin sa iyong pakikinig sa aming mga panalangin. Tulungan ninyo kaming manalig palagi sa iyong pagmamahal at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 7, 2019 at 10:39 pm

Pagninilay: Ang Ebanghelyo natin ngayon ay ang pagtuturo ni Hesus ng isang panalanging pamilyar sa ating lahat kapag tayo’y dumadalo sa Misa, nagdadasal ng Santo Rosaryo, at iba pang paraan ng pananalangin. Ito yung “Pater Noster” na tinaguriang “Panalangin ng Panginoon”. Mas kilala ito bilang “Ama Namin”. Ito yung dasal na kung saan tinuruan tayo ni Hesus na tawagin ang Diyos bilang “Ama”. Noong dati, “Panginoon” lamang ang pinayagang titulo ng Diyos na ito sapagkat ang kanyang pangalan ay tinuturing ng mga Hudyo na banal at hindi dapat lapastangin ito. Ngunit binigyang-diin ni Kristo na karapat-dapat na tawagin natin itong Diyos na “Ama” sapagkat katulad siya ng bawat tatay na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang pamilya. Higit siya sa kanilang lahat sapagkat siya ang naghahangad sa kanyang dakilang kalooban ang ikabubuti ng tao dito sa lupa para nang sa langit. Kapag dinadasal natin ito, tayo ay humihingi hindi lang sa mga pisikal na bagay, kundi sa mga espirituwal din katulad ng kakainin hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi kasama na diyan ang pampalusog mula sa Salita at Eukaristiya. Hinihiling din natin sa kanya na patawarin ang ating mga nagawang pagkakasala at pagkukulang upang tayo rin ay matutong magpatawad ng ibang nagkasala at nagkulang sa atin. At sa huli, hinihiling natin na tayo’y iadya sa lahat ng tuksong maaring magdulot sa kasamaan. Ito yung buod ng Ama Namin na binubuo ng 7 petisyon, 3 para sa pagpaparangal sa ating Diyos, at yung natitirang 4 para sa pagtutugon ng ating mga esporituwal na pangangailangan sa buhay. Higit sa lahat, tayo rin ay may misyong tawagin ang ating Ama sapagkat tayo ay kanyang mga anak. Nangyari ito dahil kay Hesus na inialay ang kanyang buhay upang tayo’y magkaroon pa ng pananampalataya sa Panginoon ng ating mga buhay. Makikita natin sa Unang Pagbasa ang pagtatampo ni Propeta Jonas nang hindi tinuloy ang Panginoon ang planong pagwasak sa lungsod ng Nineve. Ito’y sapagkat nakita ng Panginoon ang tunay na pagbabagong-loob ng mga tao sa lungsod na iyon. Kaya nagtanim ang Diyos ng isang halaman para magsilbing lilim upang si Jonas ay hindi mainitan. Subalit nang mamatay ang halaman, biglang naglabas ulit si Jonas ng sama ng loob. Kaya ang Panginoong Diyos na mismo ang nagpaamo sa galit ng propeta upang ipakilala niya kay Jonas na ang Diyos ay Diyos ng awa at pag-ibig. Kaya makikita natin sa Ama Namin ang ating Panginoon na palaging nagpapatawad sa ating mga kasalanan upang mapatawad din natin balang araw ang mga taong nagkasala sa atin. Tayong lahat ay mga saksi ng kanyang pag-ibig dahil siya ang Amang patuloy na nagmamahal sa lahat.

Reply

Reynald Perez October 5, 2021 at 2:53 pm

PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo natin ngayon ay ang pagtuturo ni Hesus ng isang panalanging pamilyar sa ating lahat kapag tayo’y dumadalo sa Misa, nagdadasal ng Santo Rosaryo, at iba pang paraan ng pananalangin. Ito yung “Pater Noster” na tinaguriang “Panalangin ng Panginoon”. Mas kilala ito bilang “Ama Namin”. Ito yung dasal na kung saan tinuruan tayo ni Hesus na tawagin ang Diyos bilang “Ama”. Noong dati, “Panginoon” lamang ang pinayagang titulo ng Diyos na ito sapagkat ang kanyang pangalan ay tinuturing ng mga Hudyo na banal at hindi dapat lapastangin ito. Ngunit binigyang-diin ni Kristo na karapat-dapat na tawagin natin itong Diyos na “Ama” sapagkat katulad siya ng bawat tatay na tumutugon sa mga pangangailangan ng isang pamilya.

Higit siya sa kanilang lahat sapagkat siya ang naghahangad sa kanyang dakilang kalooban ang ikabubuti ng tao dito sa lupa para nang sa langit. Kapag dinadasal natin ito, tayo ay humihingi hindi lang sa mga pisikal na bagay, kundi sa mga espirituwal din katulad ng kakainin hindi lang sa pisikal na aspeto, kundi kasama na diyan ang pampalusog mula sa Salita at Eukaristiya. Hinihiling din natin sa kanya na patawarin ang ating mga nagawang pagkakasala at pagkukulang upang tayo rin ay matutong magpatawad ng ibang nagkasala at nagkulang sa atin. At sa huli, hinihiling natin na tayo’y iadya sa lahat ng tuksong maaring magdulot sa kasamaan.

Ito yung buod ng Ama Namin na binubuo ng 7 petisyon, 3 para sa pagpaparangal sa ating Diyos, at yung natitirang 4 para sa pagtutugon ng ating mga esporituwal na pangangailangan sa buhay. Higit sa lahat, tayo rin ay may misyong tawagin ang ating Ama sapagkat tayo ay kanyang mga anak. Nangyari ito dahil kay Hesus na inialay ang kanyang buhay upang tayo’y magkaroon pa ng pananampalataya sa Panginoon ng ating mga buhay.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang pagtatampo ni Propeta Jonas nang hindi tinuloy ang Panginoon ang planong pagwasak sa lungsod ng Nineve. Ito’y sapagkat nakita ng Panginoon ang tunay na pagbabagong-loob ng mga tao sa lungsod na iyon. Kaya nagtanim ang Diyos ng isang halaman para magsilbing lilim upang si Jonas ay hindi mainitan. Subalit nang mamatay ang halaman, biglang naglabas ulit si Jonas ng sama ng loob. Kaya ang Panginoong Diyos na mismo ang nagpaamo sa galit ng propeta upang ipakilala niya kay Jonas na ang Diyos ay Diyos ng awa at pag-ibig. Kaya makikita natin sa Ama Namin ang ating Panginoon na palaging nagpapatawad sa ating mga kasalanan upang mapatawad din natin balang araw ang mga taong nagkasala sa atin. Tayong lahat ay mga saksi ng kanyang pag-ibig dahil siya ang Amang patuloy na nagmamahal sa lahat.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 6, 2021 at 9:55 am

Ang dasal na Ama Namin ay itinuro mismo ni Hesus, ito ay kumpleto na kung iyong pagninilayan. Ito ay kabisado ng mga bata at mga matatamda sa wikang ingles man o tagalog. Pero ang karamihan ay basta na lang dinadasal ito mg hindi ninanamnam ang nilalaman. Binabanggit mo na patawarin ka ng Ama sa iyong nagawang kasalan pero pinatawad mo na ba ang iyong kaaway? Ang kapatid na nakaalitan, ang kinaiinisan sa trabaho, ang mga kapitbahay mong kinapootan? Binabanggit mo din sa Ama Namin na Sundin ang loob mo” Sinusunod mo ba ang mga kautusan? Wlaa ka bang sinusuway sa sampung utos? Hindi ka ba nagnanasa sa hindi mo asawa? Hindi ka ba nagsasalita ng kasinungalingan laban sa isang tao? Iniibig mo ba ang Diyos, ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal sa iyong sarili? Binabanggit ko din sa Ama Namin na wag tayong pahintulot sa tukso, kapag lumalapit ba ang tukso ay nilalabanan mo at magpapatianod ka sa alok ni Satanas? Ilan lamang yan sa mga nakapaloob sa dasal na Ama Namin, ngayon kapatid ay suriin mo ang iyong sarili kung ginagawa mong gabay ang aral ng panalangin na itinuro sa atin ni Kristo.

Reply

Jefferson Serrano October 11, 2023 at 10:46 am

Kahapon, inilalatag sa atin na kailangan ang pagninilay, pagdarasal sa ating paggawa. Ang hingin ang patnubay at kalooban ng Diyos.

Ngayon ay nagpapatuloy ito sa ating mga pagbasa.

UNANG PAGBASA
Sa aklat ni Jonas, matapos na siya’y utusan ng Diyos para pagsabihan ang Ninive. Sa kwento ating narinig, sumunod hari, sumunod ang bayan ng Ninive, sila ay NAGDASAL kasama ang hari na bumaba sa kanyang trono.

Sa kabila nito, hindi ganon ang dasal ni Jonas, GALIT AT POOT ang kanyang panalangin, dahil sa pag-aakala niya na hindi siya pinakinggan ni Yawe.

EBANGHELYO
Tinuruan ng Panginoong Hesukristo ang mga apostol kung paano manalangin, at alam naman po natin ang panalanging ito. Ang AMAN NAMIN!

Ano nga ba itong dasal na ito, ano ba ang nilalaman nito, at ano halag nito sa ating buhay?

Ang dasal na ito ay turo ni Kristo,
1. Isang buod ng ating pananampalataya.
2. Pag-uugnay natin sa ating Ama na siyang lumika ng langit at lupa.
3. Sa kabuuan ito po ay ‘buod-pag-uugnay’ ng tao at ng lumikha (Ang Diyos) parang katawan at kaluluwa – buod (kabuuan) na may pag-uugnay.

Kaya nga sa pagdarasal na ito ng Ama namin may buod-at pag-uugnay, kung i-sa summarize natin ang dasal na ito at nahahati sa apat:

– Laman ng panalanging ito ay papuri (adoration), paghingi ng kapatawaran (contrition), pasasalamat (thanksgiving), at paghingi ng patnubay (supplication) sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

– Ang layunin niya ay upang mapadali ang pakikipag-usap sa Diyos sa simpleng paraan.

Kaya nga, hindi tayo maaaring humiwalay sa Diyos, dahil ang buhay natin ay nag-uugnay parati sa kanya at sa maraming bagay at paraan.

Kailangan natin nito dahil, hindi natin kakayanin ang ibang bagay na ang Diyos lamang ang may kakayanang magkaloob at iyon po ay ang PATNUBAY ang ikaapat na bahagi sa Ama Namin.

Kaya nga po, bakit tayo kailangang pumunta ng simbahan, bakit kailangan natin na makiisa sa mga gawain ng simbahan? Bakit natin darasalin ang Ama Namin?

Ang sagot: Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito’y napalitan na ng bago. 2 Corinto 5:17.

Kaya nga po, sa kabuuan, ang pagdarasal ng Ama Namin ay ang kabuuan ng ating pagkatao, kabuuan ng ating buod ng pananampalataya at pag-uugnay nating makasalanan tungo sa ating kabanalan. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: