Podcast: Download (Duration: 4:47 — 3.6MB)
PANALANGIN NG BAYAN
San Miguel, San Gabriel, at San Rafael
Ang ating mga panalangin sa araw na ito ay inilalapit natin sa Ama sa pamamagitan ng pagkilos ng mga banal na Arkanghel, ang mga ganap na espiritu na walang tigil na naglilingkod sa Diyos at sa kanyang bayan.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anghel, pagpalain mo kami, O Panginoon.
Ang mga Kristiyanong nagdurusa dahil sa pag-uusig nawa’y ipagtanggol at palakasin ni San Miguel, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nagpapahayag ng katotohanan nawa’y mabuhayan ng loob sa pangangalaga ni San Gabriel, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang ating mga kapatid na maysakit at nagdurusa nawa’y aliwin ni San Rafael, manalangin tayo sa Panginoon.
Tayo nawa’y magkaroon ng kababaan ng loob sa harap ng hiwaga ng paglikha na hindi natin nakikita, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang laging mamalayan ang pagkilos ng ating mga anghel na tagatanod, manalangin tayo sa Panginoon.
Diyos na Maylikha sa amin, tanggapin mo ang aming mga panalangin at kahilingan habang nagdiriwang kami dahil sa tulong ng mga anghel sa kalangitan na natitipon sa paligid ng dambanang ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Setyembre 28, 2023
Sabado, Setyembre 30, 2023 »
{ 3 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ipinagdiriwang tuwing Ika-29 ng Setyembre ang Kapistahan ng 3 Banal na Arkanghel na sina San Miguel, San Gabriel, at San Rafael.
Si San Miguel (“Ang Katulad ng Diyos”) ay kilala bilant Tagapagtanggol ng Langit. Siya’y Prinsipe ng mga anghel at nagsisilbing sandata laban sa kasamaang dulot ng itinalsik na Arkanghel na si Lucifero o mas kilala bilang si Satanas. Makikita sa ikalawang opsyon ng Unang Pagbasa ang Digmaan sa pagitan ng kalangitan at impiyerno, at kasabay ng Panginoong Hesus ay si San Miguel na namumuno sa mga kawal ng anghel upang hindi maghari ang kasamaan sa lupa.
Si San Gabriel (Lakas ng Diyos) ay kilala bilang Mensahero ng Panginoon. Siya’y mismong nagbalita tungkol sa katuparan ng kaligtasan ng Amang Diyos nang nagpakita siya kina Zacarias at Birheng Maria. Sinasabi rin na siya yung anghel na nag-alo sa Panginoon nang ipinaghahanda nito ang Misteryong Paskawal sa Hardin ng Getsemani.
Si San Rafael (Tagagamot ng Diyos) ay kilala bilang anghel na nagpapagaling. Makikita natin sa Aklat ni Tobit kung paano niyang pinaggaling si Tobias mula sa pagkabulag nito. Maraming himala tungkol sa pagapagaling ay iniaalay sa kanyang karangalan.
Ang mga 3 Arkanghel ay nagsisilbing gabay sa atin upang sundin ang kalooban ng Panginoon. Makikita sa Ebanghelyo ang pagtawag ni Hesus kay Natanael/San Bartolome sa ilalim ng puno ng igos. Matapos ipinahayag ng Apostol tungkol sa kanya bilang Anak ng Diyos, sinigurado ni Hesus na makikita niya balang araw na magbubukas ang langit at ang mga anghel ay kapiling ang Anak ng Tao. Kaya’t pinaghahandaan tayo ng Kapistahan ito sa Muling Pagpaparito ng Panginoon sa katapusan ng panahon.
Ipinaalala sa atin ng mga anghel na nawa’t patuloy tayo sa pagsunod sa plano at kagustuhan ng Diyos at sa pagpapalaganap ng kanyang pagmamahal sa ibang tao.
Sumiklab ang digmaan sa langit! Naglaban si Arkanghel Miguel, kasama ang kanyang mga anghel, at ang dragon, kasama naman ng kanyang mga kampon. Natalo ang dragon at ang kanyang mga kampon, at pinalayas sila sa langit. Itinapon ang dambuhalang dragon – ang matandang ahas na ang pangala’y Diyablo o Satanas, na dumaya sa buong sanlibutan. Itinapon siya sa lupa, pati ang kanyang mga kampon.
At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na ng Mesiyas ang kanyang karapatan! Pagkat pinalayas na sa langit ang umuusig araw at gabi sa mga kapatid natin. Nagtagumpay sila laban sa Diyablo sa pamamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang pagsaksi sa katotohanan; hindi sila nanghihinayang sa kanilang buhay. Kaya’t magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan!” (DITO PO SA SALITA NG ATING PANGINOONG DIYOS NASASABI NA ANG DRAGON AY KUMAKATAWAN SA DEMONYO KAYA SANA ANG MGA NANINIWALA SA FENG SHUI AT IBA PANG GAWAING TSINO AY IWASAN DAHIL SA SUMASAMBA SILA SA DRAGON NAWAY MAIMULAT NA NATIN ANG ATING ISIPAN NA IISA LAMANG ANG MAY LIKHA NG MUNDO AT NG ATING PANANALIG AT PANANAMPALATAYA ANG ATING PANGINOONG DIYOS NA HINDI NATIN NAKIKITA KAILANMAN.)
Tularan natin ang mga anghel na nakipaglaban sa demonyo.
Tuwing may darating na tukso lalong lalo na kung ito ay may kinalaman sa kahinaan mo, pano mo ito nilalabanan? Nakapakahirap lalo na kung ito ay may kinalaman sa tawag ng laman, kamunduhan, materyal na bagay at iba pang bawala na masarap para sa tao. Ang sikreto ay magdasal ng Ama Namin, kung andyan pa din ang demonyo dagdagan mo ng sampung Aba Ginoong Maria. At umpisahang isipin ang mga biyayang ibinigay ng Diyos sa iyo pagkatapos ay isipin mo ang kahahantungan kung kakagat ka sa tukso ni Satanas, ano ang mangyayari bukas o sa makalawa, isipin mo ang pangmatagalan sapagkat ang tukso ng demonyo ay panandaliang sarap ngunit habang buhay na paghihirap. Siguradong sigurado na pagsisisihan mo kung bakit ka nagpatihulog sa magandang alok ni Satanas. Ang mga nabilanggo, ang mga nasira ang pamilya, ang mga nagkasakit, ang mga nawalan ng mahal sa buhay, ang mga namatay, amg mga naghirap, ay dahil kumagat tayo sa mapulang mansanas na inalok ni Satanas.