Sabado, Setyembre 30, 2023

September 30, 2023

Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan

Zacarias 2, 5-9. 14-15a
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Lucas 9, 43b-45


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Memorial of St. Jerome, Priest and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Zacarias 2, 5-9. 14-15a

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Zacarias

Muli akong tumingin at may nakita akong isang lalaking may dalang panukat. Tinanong ko ito, “Saan kayo pupunta?”

“Susukatin ko ang luwang at haba ng Jerusalem,” sagot niya.

Walang anu-ano, lumakad ang anghel na kausap ko at sinalubong siya ng isa pang anghel. Sinabi nito sa kanya, “Dali ka! Sabihin mo sa binatang may dalang panukat na ang Jerusalem ay titirhan ng maraming tao at hayop. Hindi na ito papaderan pagkat ang Panginoon ang magiging bakod na apoy ng Jerusalem, at ang kaningningan niya’y lulukob sa buong lungsod.”

Sinabi pa ng Panginoon, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan na ako sa piling mo.”

Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri sa Panginoon at pasasakop sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng Poon,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
“Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila’y muli kong
titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol
sa kanyang mga tupa.”

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng Poon si Jacob,
at pinalaya sa kapangyarihan ng
kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa
patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng Poon.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binata’t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging
tuwa, papalitan ko ng kagalakan
ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 43b-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez September 18, 2021 at 2:10 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay mula sa isa namang propeta sa Kasulatan: si Zacarias (hindi yung aswa ni Elisabet & ama ni San Juan Bautista). Nakakita siya ng isang pangitain ng isang anghel na may dalang panukat para sukatin ang Jerusalem. Ganun din ay may mga anghel na sumunod. Nakita nila na walang bakod ang ipapader dahil ang Panginoon ang magiging bakod mismo ng Jerusalem. Kaya sinabi ng Panginoong Diyos na naninirahan siya sa Banal na Lungsod, kaya hinikayat niya magalak ang Israel sa kanyang pagpapadama ng banal na presensiya. At sa huli, sinabi ni Zacarias na maraming bansa ang magsasama-sama, at pagbubuklurin sila ng Diyos. Ang propesiyang ito ay natupad sa pagdating ng Panginoong Hesukristo, na siya ang isinugong Mesiyas upang pag-isahin tayo sa iisang diwa at pananampalataya. Higit pa rito, naparito si Kristo upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang ikalawang pagpapahayag ng Panginoong Hesukristo ukol sa kanyang nalalapit na Misteryong Paskwal sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay. Ang reaksyon ng mga alagad ay parang hindi nila nauunawaan, subalit ayaw din nilang kwestiyonin ang sinabi ng Panginoon. Makikita natin ang pagpapaubaya ng mga Apostol tungkol sa anumang magiging kilos o desisyon ni Kristo. Subalit itong pangyayaring magaganap sa Jerusalem ay siyang magiging tanda ng kanilang pagbibigay-saksi sa Mabuting Balita. Pagkatapos bumaba ang Espiritu Santo sa kanila, sila rin ay magpapahayag tungkol sa dinanas ni Hesukristo para tayo ay maligtas. Dumanas din sila ng mga dusa alang-alang sa pananampalataya, ngunit hindi sila bumitaw kailanman. Ganun din sana tayo bilang mga Kristiyano, na huwag tayong matakot harapin ang mga sitwasyon ng buhay dahil kaisa natin ang Krus ni Hesus na magdadala sa atin tungo sa tunay na kaligayahan: ang buhay na walang hanggan.

Reply

Mel Mendoza September 27, 2023 at 9:14 am

Ang mga pagbasa ngayon ay ipinapakita na ang sambayan ng Diyos ay nasa ilalim ng kanyang pagiingat, pangangalaga at proteksyon at hindi na kailangan ng anupamang pader para ito ay mailigtas sa lahat ng kapahamakan. Ang Panginoong Diyos mismo ay sapat na. Ang sabi nga Salmong tugunan “Ang Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukukop”. Ang tangi nating gagawin ay magtiwala, panampalaya, at magpuri sa ating Dakilang Tagapaligtas.

Sa Mabuting Balita bagamat hindi maunawaan ng mga alagad ni Hesus ang tungkol sa kanyang babatahing pagpapakasakit,at pagkamatay, at kanyang muling pagkabuhay ay buong puso naman sila naniniwala at iniaasa ang lahat sa Kanya. Ito ang isang napaka-unang magandang katangian ng mga tagasunod ni Hesus na dapat natin asamin lahat sapagkat walang hindi makapangyayari sa Diyos. Ito din ang panukat sa ating lahat kung hanggang saan ba tayo dadalhin ng ating mga pananampalaya kung dumating man sa atin ang matitinding pagsubok sa buhay bilang mga tagasunod ni Kristo Hesus. Ang lagi nating sambitin at itaas sa Diyos ay “Mangyari nawa sa amin ang naayon sa Iyong kalooban”. Amen?

Reply

Jesus Gregorio September 30, 2023 at 5:40 am

Walang wagas na pag-ibig sa mundong ibabaw maliban sa pag-ibig ng Diyos. Ang pag-ibig na ito ang nagbibigay sa atin ng kakayahang ibigay ang buhay natin sa ibang tao. Ang basihan ng ating tiwala kahit kanino ay naka sandal sa matapat na pagmamahal ng taong iyun sa Panginoon. Gagalaw siya sa pagmamahal na ito at ang Panginoon ay nasa kanya. Kailanman ay hindi ka niya ipagkakanulo o pababayaan. Kung kayo ay nasa Panginoon, mauunawaan niyo ito. Hindi na kayo mangangamba.

Reply

Rosalinda Marzan. Jubilado October 1, 2023 at 3:55 pm

ang lahat ay magsaya, magalak, papurihan, sambahin ang ating Diyos sapagkat niloob ng Diyos na Siya ay mananahan sa bawat isa sa atin.
TRULY GREAT IS THE LOVE OF GOD TO HIS CREATION FOR EVEN WE ARE SINNERS HE MADE HIMSELF BE ONE WITH US UP TO OUR GENERATION, TO ALL GENERATIONS.

GLORY TO GOD, GLORY TO CHRIST.JESUS! GLORY TO THE HOLY SPIRIT! HOLY TRINITY GLORY TO YOU!

He made Himself one with us from generation to generation by giving His only Begotten Son Jesus Chirst, He suffered, died on the Cross and muling.nabuhay upang makasama Niya tayo sa Kanyang Kaharian.

salamat Panginoon ko sa mga Banal na Sacramentong itinatag mo upang magoahangga ngayon ay tunay na makaisa Ka namin sa KATAWAN, KALULUWA AT ISPIRITU. TRULY WE ARE ONE UNITED THROUGH YOUR HOLY BODY THAT WE ARE RECIEVING IN THE HOLY EUCHARIST.

KAMI DIN PO AY NAGSUSUMAMO NA BUKSAN MO DIN.PO ANG PANDINIG, PANG-UNAWA AT MGA PUSO NG MGA KAPATID NAMIN NA HINDI NANINIWSLA NA IKAW AY KASA-KASAMA KA NAMIN SA PAMAMAGITAN NG IYONG SACRAMENTO NG BANAL NA EUCHARISTIYA.
OH HALLELUJAH!
TUNAY NA ANG ATING Panginoong sumasaatin ay Pader na kailanman ay di matitibag sa mga taong tunay na nananalig, sumasanpalataya at sumusunod sa Kanyang Banal na Kalooban.
Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: