Huwebes, Setyembre 28, 2023

September 28, 2023

Paggunita kay San Lorenzo Ruiz at mga Kasama, mga martir

Ageo 1, 1-8
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Lucas 9, 7-9


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Memorial of St. Lorenzo Ruiz and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Ageo 1, 1-8

Ang simula ng aklat ni Propeta Ageo

Ikalawang taon noon ng pamamahala ni Haring Dario sa Persia. Nang unang araw ng ikaanim na buwan, tinawag ng Panginoon si Propeta Ageo. Ipinasabi niya kay Zorobabel na gobernandor ng Juda at anak ni Sealtiel at sa punong saserdoteng si Josue na anak naman ni Josadac, “Ganito ang sinabi ng Panginoon: Ipinamamalita ng bansang ito na hindi pa panahon upang muling itayo ang templo.”

Sinabi nga ng Panginoon sa mga Israelita sa pamamagitan ni Propeta Ageo, “Magaganda’t maaayos ang inyo mga tahanan ngunit pinababayaan ninyong wasak ang aking bahay. Isipin ninyo ang inyong kalagayan. Marami ang inyong inihahasik ngunit kakaunti ang inaani. Kumakain nga kayo ngunit hindi nabubusog. Umiinom kayo ngunit hindi nasisiyahan. Kumikita nga ang mga manggagawa ngunit ang kita nila’y parang nahuhulog sa buslong butas. May damit nga kayo ngunit hindi makaalis ng ginaw. Isipin ninyo ang nangyayari sa inyo. Kumuha kayo ng kahoy sa bundok. Gawin ninyo uli ang templo at doon ko ihahayag ang aking kaningningan. Sa gayun, ako’y masisiyahan.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 149, 1-2. 3-4. 5 at 6a at 9b

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

o kaya: Aleluya.

Ang Panginoo’y purihin, awitan ng bagong awit,
purihin sa pagtitipon ng tapat sa pananalig.
Magalak ka, O Israel, dahilan sa Manlilikha;
dahilan sa iyong hari, ikaw Sion ay matuwa.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Purihin sa pagsasayaw, purihin ang kanyang ngalan;
alpa’t tambol ay tugtugin at siya ay papurihan.
Panginoo’y nagagalak sa kanyang mga hirang.
Sa nangagpapakumbaba’y tagumpay ang ibibigay.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

Sa tagumpay na natamo, magalak ang mga hirang.
Sa kanilang pagpipista ay magsaya’t mag-awitan.
Sa pagpuri sa Panginoon, ay bayaang magsigawan.
Ang tatanggap ng tagumpay, ay ang kanyang mga hirang.

Panginoo’y nagagalak
sa hirang n’yang mga anak.

ALELUYA
Juan 14, 6

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, O Kristo, ang Daan,
ang Katotohana’t Buhay
patungo sa Amang mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 7-9

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, nabalitaan ni Herodes na tetraka ng Galilea ang lahat ng ginagawa ni Hesus. Nagulo ang kanyang isip, sapagkat may nagsasabing muling binuhay si Juan Bautista. May nagasasabi namang lumitaw si Elias, at may nagsasabi pang muling nabuhay ang isa sa mga propeta noong una. Kaya’t ang sinabi ni Herodes, “Pinapugutan ko si Juan; ngunit sino ang nababalitang ito? Marami akong naririnig tungkol sa kanya.” At pinagsikapan niyang makita si Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 16, 2021 at 11:04 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang simula ng pagmiministeryo ni Ageo bilang propeta. Si Propeta Ageo ay namuhay higit na limang-daang taong bago dumating si Kristo. Katulad ng saserdoteng si Esdras at ordinaryong taong si Nehemias, namuhay rin si Ageo sa panahon ng pagbabalik ng bayan ng Juda sa Jerusalem mula sa pagkaalipin sa Babilonia. Ang mga hari at gobernador ng Juda, Zorobabel, at Sealtiel ay sabik sa pagtatayo muli ng templo ng Diyos sa Jerusalem. Ngunit inabiso sila ni Ageo na huwag muna nilang gawin ito sapagkat maliit pa lang ang kanilang ginawang kabutihan, kahit marami na silang inaani na kagandahang-loob. Kahit ang mga natutugon ng Diyos na pangangailangan ng tao ay parang hindi pa sapat sa mga tao. Kaya’t iniutos ng propeta na pumunto sila sa burol at dalhin nila ang mga kahoy na ihahandog sa Diyos na tatanggpin ito ng kalugud-lugod.

Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagkakaduda ni Haring Herodes Antipas tungkol kay Hesus. Matapos niyang pinugutan ng ulo si San Juan Bautista, marami siyang nababalitaang kababalaghang nagawa ng isang lalaking nangangalang Hesus. Isang usapan din ang kanyang narinig na binuhay niya raw ito ang kanyang pinsan na si Juan. Kaya biglang nagkaroon ng interes ang hari kay Hesus, matapos niyang pinahintulot ang pagpapatay kay Juan. Kaya’t tinawag siya ng Panginoon na “soro” dahil sa ugali niyang mapilyo. At nang siya’y ibinigay ni Pilato sa hari para sa hatol nito dahil narinig na si Hesus na kinondena ng Sanhedrin ay taga-Galilea, pinagtawanan lamang ni Herodes ang Panginoon at sinuotan ng isang lilang damit na panghari. Kaya’t nagkabati sina Herodes at Pilato sapagkat nagkasundo sila na walang salang mahanap sa Panginoon, ngunit ang mga sumusunod na pangyayari ay bahagi na ng kasaysayan.

Makikita natin ang plastik na ugali ng Haring Herodes Antipas. Magkaiba siya sa kanyang tatay na si Haring Herodes Magnus na ipinaslang nito ang napakaraming sanggol sa Bethlehem, maliban kay Hesus (Cf. Mateo 2:16-18). Kaya itong si Herodes ay parang naaliw sa pangangaral ni San Juan Bautistang nakakulong sa selda ng palasyo, kahit pinagsabihan siya ni Juan na nakikiapid kay Reynang Herodias, ang dating asawa ng kanyang kapatid na si Felipe. Subalit nang hilingin ng kanyang balaeng si Salome ang ulo ni San Juan Bautista, dito siya’y napagbigay kahit alam niya ang katuwiran ng Diyos na mayroon ang propetang iyan, at pinugutan ito ng ulo. Tapos nang iniharap sa kanya ng mga punong saserdote, Pariseo, at esrikba si Hesus, ibinalik ito kay Pilato na isakdal nito ang kaso sapagkat wala siyang nakikitang kasalanan sa inaakusa.

Mayroong kontradiksyon sa pang-uugali ni Herodes na minsan nagiging plastik ang pagpapakita ng kabutihan sa ibang tao. Kaya itong hamon sa atin na isabuhay natin nang husto ang ating pananampalataya sa Panginoon sa isip, salita, at gawa. Huwag nating tularan ang mga Herodes na akalaing mayaman ang kabanalan, ngunit nagpapakataas laban sa ibang tao.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 23, 2021 at 9:18 am

Isa sa mga maigsing ebenghelyo ang nabasa natin ngayon, dahil sa kanyang mga naririnig ay nais ni Herodes na makita si Hesus.
Ano ang nais mong makita, sino ang nais mong makita?
Karamihan sa mga tao ay may mga hinahangagang artista, mang aawit, manlalaro at nais nila itong makita. Kapag nakita ay napapatalon sa tuwa, lubos ang kaligayahan at kung minsa’y naiiyak pa. Hindi mo ba hahangaan ang may gawa ng lahat ng nakikita mo? Ang milyong urin ng isda, halaman, hayop, ang hangin, araw, buwan at mga bituin, at higit sa lahat ang may lalang ng tao. Hindi mo ba sya ninanais na makita? O dahil alam mong wala nmang makakakita sa Diyos habang nabubuhay pa. Si Hesus ay ang minsang lumapit sayo para humingi ng makakain, ang minsang nanghingi ng limos sapagkat nauuhaw, Si Hesus ay ang kaibigan mong nakabilanggo at naghihintay ng iyong pagdalaw, Si Hesus ay ang kapatid mong hindi mo mapatawad, Si Hesus ay ang kaibigang mong may mabigat na karamdaman na naghihintay sa iyong pagdamay. Si Hesus ay ang pinagmumura mo at pinagtabuyan dahil sa pangit at marumi nyang anyo, Si Hesus ang kapwa natin na araw araw nating nakakasalamuha sa buhay. Ano man ang iyong ginagawa sa iyong kapatid lalo na ang mga aba ay sya mong ginagawa kay Hesus.
Tularan natin si Herodes hindi sa kanyang masamang gawi kundi sa pagnanais nyang makita si Hesus.

Reply

Rosalinda M. Jubilado September 28, 2023 at 4:52 pm

marami ang nagsasabi:
i am healthy,
i have well paid job,
i have my own house and lot, cars,
i can buy what i want
i have financial freedom
so i shall live and be merry all days of my life..
Hangal! sabi ng Diyos: ngsyon din kukunin ko na ang buhay mo.
know, that our body ay mabubulok.
know that we have a soul na need nating pakainin spiritualy..
sa ating soul nananahan ang Holy Spirit. kaya ang ating katawan ay templo ng Holy Spirit.
bakit sinabi ng Panginoon;
marami tayong inihahasik, kakaunti ang inaani,
marami tayong kinakain ngunit hindi nabubusog;
umiinom ngunit walang kasiyahan,
kumikita ngunit nahuhulog sa buslong butas,
may damit ngunit hindi makaalis ng ginaw.
sabi ng Diyos tayo ang nagtatanim ngnit ang Diyos ang nagpapatubo at nagpapabunga, kung kayat sa bawat gagawin, plano, natin isama natin ang Diyos.
marami tayong kinakain ngunit walang kabusugan.
sapagkat sa Diyos nagmumula ang grace of contentment.
umiinom na pero wala pa rin tayong kasiyahan sapagkat hindi ang Diyos ang ating sinusunod kundi ang makamundong pamumuhay. pag namumuhay tayo ayon sa batas, tuntunin ng Diyos tiyak lagi taying nasisiyahan at laging grateful at nagpapasalamat sapagkat alam natin ang lahat ay mula sa Diyos.
kumikita tayo ngunit nahuhulog sa buslong butas. bakit? kasi inaari natin ang kinikita natin ay mula sa ating sariling galing, samantalang ang buhay natin, galing, lakas, talino etc ay mula sa Diyos. Ni hindi man lang nating mapasalamatan ang Diyos sa pamamagitan ng ating love offering mula sa ating kinikita at 10% tithes sa ating mga kinikita. Mal 3: 6-12
ang hindi pagbabalik ng tithes at LO ang sanhi ng mga pagkakasakit, kakulangan sa kaalaman at talino at pang-unawa etc. gawin mo ito tiyak ang buhay mo ay punong puno ng kapanatagan bec Jesus Himself is our Riches.
may damit ngunit hindi makaalis ng ginaw. tunay na kahit gaano kaganda, kamahal ang ating mga suot balewala ito sa ating Panginoon. di baling gulanit ang aking kasuotan ngunit ang puso ko naman ay humahalimuyak sa kagandahang loob na nakapag papagaan sa pasanin na hirap, sakit,na tinitiis niJesus magpahangga ngayon dahil sa kasamaan ng mundo.
nakakalungkot mabasa na si Haring Heroses Antipas ay walang pagsisising sinabi niya na pinapatay niya si St John the Baptist. huag na nating hintaying patigasin ang puso natin ng ating Diyos katulad ni Haring Herodes.
Kaya sa Salmo magalak kayong lahat na pinagkalooban ng Pang-unawa tungkol sa Banal na Santatlo, Karunungan, Kaalaman, Counsel, Fortitude, Piety and Fear of God.
sumayaw, humiyaw, sumamba ng may kagalakan tayong pinagpalA ng ating Diyos.
Alleluia! Alleluia!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: