Miyerkules, Setyembre 20, 2023

September 20, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Ipinahayag ng mga Propeta ang pagdating ng ating mananakop. Sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pagsisisi sa mga kasalanan, ipinahayag ni Juan Bautista ang kanyang pagdating. Sa diwa ng pagsisisi, manalangin tayo sa tulong ng Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Kaibigan ng mga makasalanan, tipunin mo kami sa iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y patuloy pang umunlad at higit pang humikayat sa mga sumasampalataya sa maluwalhating Hapag ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mayayaman at ang dukha nawa’y hindi umiwas sa hamon ng Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Lahat tayo nawa’y tumugon nang may katapatan sa tawag ng pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mabuhay sa tahanan ng Panginoon at magbunyi sa Hapag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, inaanyayahan mo kami upang makapiling ka sa iyong Kaharian. Ngayong nananalangin kami para sa iba, tulungan mo kaming maisama sila sa Hapag na inihanda ng iyong Anak na si Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 15, 2019 at 11:13 pm

Pagninilay: Ang pagkakilanlan sa ating mga Kristiyano ay dahil sa pag-ibig. Ito ang ipinamalas ng Panginoong Diyos nang naparito ang Panginoong Hesukristo na kanyang Anak upang magkaroon tayo ng kaligtasan at bagong buhay na patuloy na ipahayag ang kanyang dakilang pag-ibig. Sa Unang Pagbasa (1 Timoteo 3:14-16), ipinaalala sa atin ni San Pablo ang tamang pamumuhay ayon bilang mga miyembro ng Sambayanan ng Diyos, ang kanyang pamayanang nanalig sa kanya. Tayo ay inaanyayahan maging mabuti sa ating kapwa at mamuhay nang marapat at naayon sa kagustuhan ng Diyos para sa ikabubuti ng ating kapwa. Sa ating Ebanghelyo (Lucas 7:31-35), makikita natin ang isang pahayag ng Hesus tungkol sa henerasyon ng kanyang kapanahunan. Ito’y katulad daw ng mga batang nakikisayaw at tumutugtog ng plauta, at sinabi nila sa mga hindi sumasabay sa kanila na parang ayaw nilang makisabay sa takbo ng panahon. At idinugtong ni Hesus ang pagdating ng kanyang pinsan na si San Juan Bautista na parang ang tingin sa kanya ng mga Pariseo at eskriba na demonyo raw dahil nag-aayuno at hindi nag-iinom. Ngayon nabatid nila si Hesus nang makita nila siya’y nakikisalo at nakikikain kasama ang mga makasalanan, at siya’y itinuring na lasenggero at matakaw. Ngunit ang karunungang mula sa Panginoong Diyos ang nagpapatibay sa kanyang misyon at mga gawain. TIla nga bang dalawang magkatunggaling sitwasyon ang ipinakilala ni Hesus sa Ebanghelyo. May mga taong nakikisaya at ang ibang ayaw ay parang tinuturing na mainip na buhay. May mga taong tumitingin sa ibang nakikisalamuha sa mga kapwang tinataguriang “walang kwenta” o “walang silbi” na ang mga ito ay nagsasayang lang daw ng oras at ng mga mapagkunan na yaman. Hindi ba minsan kapag nakikiusap tayo sa mga taong niyuyurakan o kaya tinatawag na salot at binansagang makasalanan, marami ang magkokomento ng mga masasamang hinala laban sa atin? Ito’y natural sapagkat kadalasa’y mataas ang paningin ng tao sa kanyang sariling “karangalan”. Ngunit ang pahiwatig ni Kristo na ang ating misyon ng awa at malasakit ay matuwid ayon sa karunungan ng Diyos. Kung tayo’y sisiraan ng mga matalas na nagmamasdan sa atin dahil lang sa pagtulong natin sa mga nangangailangan ng pisikal at espirituwal na tulong, laging alalahanin natin na ang Diyos ang makakasabi mula sa ating mga konsensiya kung ang mga desisyon natin ay tama o mali. Mahal niya tayong lahat, kaya ang ninanais niya na gumawa tayo ng matuwid at mabuting bagay sa lahat ng aspeto ng buhay. Huwag tayong mawalan ng gana kung sasabihin ng iba na parang tayo’y nag-aaksaya ng oras sa paggawa ng kabutihan sa mga nangangailangan. Patuloy tayo sa pagtupad ng misyong itinkada sa atin ng Panginoon para sa pagpaparangal ng Mabuting Balita tungkol sa kanyang paghahari.

Reply

Bobby Javier September 18, 2019 at 3:50 am

Salamat panginoon saiyong mga banal na salita at pangalan, nagabay namin sa araw-araw,,,, Pinupuri at pisasalamatan kanamin Panginoon,,,AMEN

Reply

Jose M. Javier September 18, 2019 at 5:21 am

Yes Lord ilayu mo PO kami sa anumang mga pagkakasala tulad Ng pagka mahusga sa kapwa at turuan m po Ang among puso na maging magpakumbaba sa lahat Ng bagay na among ginagawa. Amen

Reply

Mylene Farinas September 18, 2019 at 7:44 am

Dear God, forgive me if there were times that I had despised the sinners, the poor, the lowly. Help me to love them as you do. This as I ask in Jesus’ name. Amen.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: