Lunes, Setyembre 18, 2023

September 18, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

May pananampalatayang kasingtatag ng sa senturyon, lumapit tayo sa Panginoon at manalangin para sa pangangailangan ng Simbahan at ng sandaigdigan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan mo kaming mga hindi karapat-dapat.

Ang Simbahan nawa’y hindi ituring ang sinuman saanman bilang banyaga o waring hindi kasapi, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga namumuno sa ating buhay sibil nawa’y ituring ang bawat tao nang may katarungan at pagkakapantay-pantay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong kakaiba sa atin sa paniniwala, lahi o pinaglakhan nawa’y matutuhan nating unawain at tanggapin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga matatanda, mga nalulumbay, at mga maysakit nawa’y tumanggap ng kasiyahan ng pag-ibig ng Diyos sa kanilang paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kapatid nawa’y tanggapin sa Kaharian ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng lahat ng tao, tinanggap ng iyong Anak ang pananampalataya ng senturyon na lumapit sa kanya nang may pagtitiwala at pagpapakumbaba. Ipakita mo sa amin ang iyong kagandahang-loob ngayong nananalangin kami sa iyo sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 12, 2019 at 2:45 pm

Pagninilay: Sa ating Ebanghelyo (Lucas 7:1-10), narinig natin ang kwento ng patatagpo ni Hesus sa pinuno ng kawal ng mga sundalong Romano (“centurion” sa wikang Ingles). Siya’y isang Hentil na tinaguriang mga nasa labas ng Judaismo na hindi makakamtan ang kaligtasan ng Diyos. Subalit ayon sa mga kaibigan, itong kapitan ay naging mabuti sa kanyang komunidad sa Capernaum. Siya ang nagtayo ng sinagoga sa bayang iyon. Ngayon ay mayroon siyang lingkod na nasa bingit ng kamatayan mula sa pagkasakit at nais niyang ipatong ni Hesus ang kamay nito upang gumaling. Nang sinabi ni Hesus na pupunta siya sa bahay, makikita natin sa mga wika ng kapitan ang dinadasal natin sa bawat Misa: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.” Tuwing tinataas ng Pari ang Katawan ay Dugo ni Kristo, tayo’y inaanyayahan na masdan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. At ang tugon natin na si Hesus nawa ay magpatuloy sa ating mga buhay bagamat tayo’y mga makasalanan. Subalit katulad ng kapitan, malaki rin ang ating pananalig sa Panginoon lalung-lalo na tuwing tayo’y dumadalo sa Eukaristiya. Katulad ng paggaling ng lingkod ng hepeng sundalo mula sa pagkasakit, tayo rin ay paggaling ni Hesus hindi lang sa mga pisikal na karamdaman, kundi pati na rin sa mga espirituwal na sakit na nagpapahina sa atin ng loob na sumampalataya sa Diyos. At nawa’y sa pagtanggap natin kay Hesus sa Banal na Pakikinabang, tayo nawa ay makinabang sa ipinamalas na pagmamahal ng Ama para sa ating kaligtasan. Busugin tayo nawa ni Hesus upang isabuhay natin ang pananampalataya sa pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos.

Reply

Purisima Dellomas September 18, 2023 at 7:42 am

Amen…amen..Pinupuri kita Panginoong Hesukristo.Salamat sa lahat ng biyaya na patuloy mong ipinagkakaloob sa amin.
Nananalig po ako na sa isang salita mo lamang at gagaling na si Samsam at Precious.Amen amen.

Reply

Reynald Perez September 12, 2021 at 7:05 pm

PAGNINILAY: Sa ating Unang Pagbasa (1 Timoteo 2:1-8), hiniling ni San Pablo kay San Timoteo at ng pamayanang Kristiyano ng Efeso na ang bawat panalangin, kahilingan, at pasasalamat ay ialay para sa lahat, lalung-lalo na ang mga nasa kapangyarihan at awtoridad. Sa kabila ng antas o kalalagyan sa buhay, tayong lahat ay bahagi ng iisang pamilya ng Diyos, na humahangad sa kaligtasan ng lahat. Kaya siya ang ating iisang Diyos, at si Hesus na kanyang Anak ay ang iisang Tagapamagitan natin. Si Kristo ang namamagitan sa atin patungo sa Diyos Ama, upang tayong lahat ay mailigtas at maihatid balang araw patungo sa kaliwanagan ng buhay na walang hanggan. Kaya ang mga panalangin, paghiling, at pasasalamat ay iaalay sa Panginoon nang may tapat at tunay na puso.

Sa ating Ebanghelyo (Lucas 7:1-10), narinig natin ang kwento ng patatagpo ni Hesus sa pinuno ng kawal ng mga sundalong Romano (“centurion” sa wikang Ingles). Siya’y isang Hentil na tinaguriang mga nasa labas ng Judaismo na hindi makakamtan ang kaligtasan ng Diyos. Subalit ayon sa mga kaibigan, itong kapitan ay naging mabuti sa kanyang komunidad sa Capernaum. Siya ang nagtayo ng sinagoga sa bayang iyon. Ngayon ay mayroon siyang lingkod na nasa bingit ng kamatayan mula sa pagkasakit at nais niyang ipatong ni Hesus ang kamay nito upang gumaling. Nang sinabi ni Hesus na pupunta siya sa bahay, makikita natin sa mga wika ng kapitan ang dinadasal natin sa bawat Misa: “Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo, ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.”

Tuwing tinataas ng Pari ang Katawan ay Dugo ni Kristo, tayo’y inaanyayahan na masdan ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. At ang tugon natin na si Hesus nawa ay magpatuloy sa ating mga buhay bagamat tayo’y mga makasalanan. Subalit katulad ng kapitan, malaki rin ang ating pananalig sa Panginoon lalung-lalo na tuwing tayo’y dumadalo sa Eukaristiya. Katulad ng paggaling ng lingkod ng hepeng sundalo mula sa pagkasakit, tayo rin ay paggaling ni Hesus hindi lang sa mga pisikal na karamdaman, kundi pati na rin sa mga espirituwal na sakit na nagpapahina sa atin ng loob na sumampalataya sa Diyos.

At nawa’y sa pagtanggap natin kay Hesus sa Banal na Pakikinabang, tayo nawa ay makinabang sa ipinamalas na pagmamahal ng Ama para sa ating kaligtasan. Busugin tayo nawa ni Hesus upang isabuhay natin ang pananampalataya sa pagsunod sa dakilang kalooban ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: