Linggo, Hulyo 2, 2023

July 2, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Malugod tayong tinanggap ng Panginoon sa Piging ng Kanyang Anak, ngunit marami pa Siyang ibang regalong nakalaan para sa atin. Buong pananalig at kababaang-loob tayong manalangin:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Simbahang Katolika, ang mag-anak ng Diyos dito sa lupa: Nawa lagi niyang tanggapin nang maluwag ang mga tao ng iba’t ibang kultura, lahi, at lipunan nang walang pagtatangi o paghamak. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, mga pari, at iba pang pinunong relihiyoso: Nawa sila’y laging maging inspirasyon natin sa kanilang mabuting halimbawa ng pagiging bukas-palad at handang tumulong sa nangangailangan. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan: Nawa tanggapin nila ang mga dayuhan at mga refugees at tulungan nila ang mga itong makibagay sa kanilang bagong kapaligiran at sa gayon, sila’y maging kapaki-pakinabang na mamamayan. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan sa parokya at mga kapisanan dito: Nawa bukas-palad nating tanggapin bilang mga kapatid ang mga bagong kaanib at dulutan sila ng pakikipagkaisa at tiwalang kailangan nila. Manalangin tayo!

Para sa mahihirap sa ating pamayanan: Nawa makita nila si Hesus sa pag-ibig at kabaitan ng kanilang kapwa. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating sariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoon ng lahat ng kabaitan, itulad Mo kami sa Iyo sa lahat ng aming makakatagpo sa araw na ito. Tulutan Mong kami man ay tanggapin Mo sa Kaharian ng kaligayahang walang hanggan kung saan ka nabubuhay at naghahari magpakailanman. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 8 comments… read them below or add one }

Jocielyn Otani Fernandez June 27, 2017 at 10:24 am

Paano ko tinatanggap ang aking kapwa? Sa unang pagbasa inilahad na si Eliseo ay pinaglingkuran ng isang ginang dahil sa siya ay lingkod ng Diyos at sya’y ginantimpalaan. Sa ebanghelyo naman ay sinabi ni Hesus na ang sinumang tumanggap sa Kanya, kanyang alagad, o sa maliit na tao dahil sa ito ay alagad nya. Ngunit sino ang mga taong ito? Ito ang mga taong namatay na kasama ni Hesus at muling nabuhay sa dahilang ang mga taong ito ay nagsisikap upang makasunod sa Kalooban ng Dyos.

Reply

Reynald Perez June 23, 2020 at 12:56 pm

Pagninilay: Paano tayo tumugon sa paanyaya ng pagiging mga alagad ni Kristo? Ang pinakauna diyan ay ang ating pagtanggap sa kanya bilang una at sentro ng ating buhay. Ang pagtanggap ng biyuda kay Eliseo ay yung katumbas ng pagkatagpo ng Diyos sa pamamagitan ni Elias sa isang babaeng balo sa Sarepta. Sa kasaysayan ng Israel, ang balo ay itinuturing na hindi na maitutulong sapagkat hindi raw siya mabubuhay nang matagal kung wala siyang lalaking kasama (asawa man ito o anak). Subalit makikita natin ang Panginoong Diyos bilang mapagpala sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa mga mahihirap katulad ng mga biyuda at ulila. Binuhay niya sa pamamagitan ni Eliseo ang anak ng balong ito, at nakilala ng babae ang kadakilaan ng Diyos ng Israel. Matapos iyon, narinig natin sa Unang Pagbasa kung paano nakatagpo ng isang babae ng Sunem ang propeta ng Diyos na si Eliseo. Tinanggap niya nito nang buong kalooban sa kanyang pamamahay, at pinaglingkuran niya ang pangangailangan ni Eliseo. At bilang kapalit, ipinangako ng Diyos sa babae na siya’y magkakaroon ng anak. Makikita natin ang kaligayahan ng babae na tinanggap na niya ang Diyos sa kanyang buhay, at lalo pa niyang tinanggap ang Diyos nang mabiyayaan siya ng isang anak. Matapos itong pagbasa na ito, ang nangyari ay namatay ang anak ng babae, kaya dinala niya rito kay Eliseo, at muli nitong binuhay. Patuloy na gagawa ang Panginoon ng mga magagandang bagay, lalung-lalo sa mga taong lubos na tumatanggap sa kanya nang buong pananalig at katapatan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay nasa loob pa rin ng konteksto ng pagsusugo ng ating Panginoong Hesukristo sa kanyang 12 Apostol. Ang kanilang misyon ay ipahayag ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos sa mga nayon at bayan ng Israel at gumawa ng mga kababalaghan. Subalit sila ay isinusugo niya bilang mga tupa sa gitna ng mga lobo. Kaya narinig natin noong nakaraang Linggo ang mga banta ng pang-uusig sa kanila dahil sa kanilang misyon para kay Kristo. Ngunit ipinaalala ni Kristo sa kanila na hindi dapat sila matakot, sapagkat kapiling nila ang Diyos sa kanilang banal na tungkulin. Ngayon ay narinig natin ang paanyaya ni Hesus na gawin siyang sentro ng ating buhay. Tila bagang nais ng Panginoon na tanggihan natin ang ating mga pamilya at piliin siya. Subalit hindi iyon ang nais iparating niya sa atin. Ayon sa mga eksperto ng Bibliya, ang orihinal na pahayag ng Panginoon sa mga sinaunang wika ng Israel ay nangangahulugang “gawing ikalawang opsyon” ang pamilya, at siya ang mauna sa ating pagkilala. Pinapahalaga rin ni Hesus ang buhay ng isang pamilya, subalit ang nais niyang sabihin sa atin ay dapat kilalanin natin siya bilang sentro ng bawat pamilya at sentro ng ating buhay. Ang pagpasan ng mga krus ay nangangahulugang ang pagpapasan ng ating sariling pagdurusa nang buong pagtitiis, pananampalataya, at pagsisikap ng mabuti upang makamtan ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Sapagkat si Kristo ay nagtitiis at nanalig sa Diyos hanggang sa bingit ng kanyang kamatayan sa Krus, kahit tingin ng ibang tao ay pinabayaan na siya ng Diyos. At ang huli ay ang pagtanggap sa kanya at sa Diyos Ama sa pamamagitan ng mga tao. Siya ay naihahayag sa mukha ng bawat gumagawa ng kabutihan at pagmamahal sa mundo. Diyan nakikita natin ang Paghahari ng Diyos. Kaya kung tayo ay magiging mabuti, mapagpala, matulungin, at mapaabot sa bawat tao, iyan din ang ginagawa natin kay Kristo. At nagiging huwaran natin siya sapagkat si Hesus din ay naging katulad natin nang hindi nagkasala. Gumawa siya ng kabutihan at ipinangaral niya ang pagmamahal sa Diyos at kapwa at pagtalima sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. At sa huli ay biniyayaan niya tayo ng buhay sa pamamagitan ng kanyang Pagpapakasakit, Pagkamatay sa Krus, at Muling Pagkabuhay.

Reply

M.U. Francisco June 27, 2020 at 11:29 pm

The promise of the Lord will never break us. All the readings shows the hardships of life that we are already facing particularly the Corona Virus Pandemic and all the intentions we pray in this group that changes how we think, we feel and how we live, yet it teaches us to hold on to our family that always there for us. My situation which is far from my family and I know many are also experiencing these that gives strength to my relationship with them to communicate regularly through social media and remind each other to have faith to God. Everyday since the first day of lockdown our community never stop to celebrate the Holy Mass and my Mother never stop to find the way to join us in celebrating the Holy Mass in the television. She wake up early in order to tune in the first Mass in the TV. Unfortunately, it stop for a while when ABS-CBN Network is closed in National TV, but she continue waking up early to pray the Holy Rosary until Mass is return in TV Plus. The Holy Mass become our spiritual communion and the Holy Cross in our altar reminds us that nothing is difficult if there is support and sacrifice in the family, when we affirm that there is God in our family, and when we accept that there is virus that we need to be free. We can do something: stay with your family and pray together that we can survive the Challenges of life everyday with God. Amen.

Reply

Mel Mendoza June 26, 2023 at 10:49 pm

Sa ebanghelyo ni San Mateo sa Linggong ito ay panawagan sa ating lahat kung ano ang mga alituntunin at ang mabuting kalidad ng isang tagasunod ni Hesus. Ito ay nasa konteksto pa din ng mga pagbasa noong nakaraang Linggo. Bilang kasama sa pagmimisyon na inihabalin ni Hesus sa kanyang mga alagad ang pinaka-bantayog na imahe na ating dapat tingalain ay ang krus mismo ni Hesus. Asahan na hindi ito madali. Marami ang dapat isakripisyo, mapa-pamilya, mga kaibigan trabaho, o maging pangarap man ito sa buhay. Ang ninanais ng Panginoon na dapat ilagay Siya sa pinaka-una, at pinaka-gitna sa ating buhay. Pero ang kapalit naman nito ay pagasa ng isang mabuting buhay dito palang sa lupa may mga pagsubok man ito ay malalagpasan. Hindi sinasabi ng Diyos na baliwalain ang pamilya, pakikipag-kapwa, at mga naisin sa buhay sa katunayan ang lahat ng mga ito maaring ginagamit pa nga Niya upang magkaroon ng mabuting buhay sa piling Niya basta ang importante na sa lahat ng araw na ginawa nya sa atin ay ating pahintulutan ang kanyang pangunguna sa atin. Para maisagawa ito dapat nasa sa atin ang magandang kalidad ng tagasunod. Una na dito ang pagiging masunurin, ikalawa ang marunong makinig at ang pangatlo ay pagiging matapang sa pagpapahayag na si Kristo-Hesus ang ating tanging Tagapagligtas. Kaya huwag matakot sumunod, makinig at ipangbunyi ang pananahan sa atin ng Diyos.

Sa unang pagbasa ay nakita natin kung papano maggantimpala ang Diyos sa isang babaing may asawang matanda na, ipinangako ni Eliseo bilang ganti sa pagkilala sa kanya ng babae bilang lingkod ng Diyos. At sa Ikalawang Pagbasa naman ay ipinahayag kung paano tayo nagkaroon ng buhay sa pagliligtas sa atin buhat sa kamatayan ng dahil sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo at kamatayan ni Hesus sa krus na kung saan sa kanyang pagkabuhay na muli napagtagumpayan nya ang kamatayan. At ganun din tayo hindi na magkakaroon ng kapangyarihan ang kamatayan sa atin kung tayo ay tunay na susunod sa mga yapak ni Hesus sa gabay ng Mabuting Balita na ating napakinggan at naisabuhay. Kung pag-ibig ang dahilan ng kaligtasang ito pag-ibig din sa Diyos at sa kapwa ang dapat mamahay sa atin mga pagiral dito sa mundo.

Reply

Bro. NSP June 29, 2023 at 12:29 pm

Sa kabila ng mga sakit, sa kabila ng mga kahit, sa kabila ng mga bakit, sa kabila ng lahat, piliin mo pa rin na MAGTIWALA, MAGMAHAL, AT TUMANGGAP.

Sa unang bahagi ay itinuturo sa atin kung paanong tayo’y dapat na magkaroon ng matibay na pagtitiwala sa Diyos. Ang buhay sa mundong ito ay isang paglalakbay lamang. Marami ang maaring mawala, magpaalam, at maiwanan. Subalit sabi nga sa kasabihan, ‘LIFE MUST GO ON’. Hindi rin literal na itinuturo ng ebanghelyo na huwag na nating ingatan ang ating sarili kundi tinuturuan tayo nitong MAGTIWALA at MAHALIN ng lubos ang Diyos. Magtiwala tayo kahit mawala man ang maraming bagay na pinakamamahal natin. Magtiwala tayo kahit wala pang kasagutan ang Diyos sa ating mga panalangin. Magtiwala tayo kahit hirap na hirap na tayong magpatuloy. Magtiwala tayo kahit sobrang bigat na ng krus na pinapasan natin. Magtiwala tayo na tutulungan tayo ng Diyos sa lahat ng pinagdaraanan natin.

Ang ikalawang bahagi ng ebanghelyo ay nagtuturo sa atin ng PAGTANGGAP. Walang perpektong tao, lahat tayo ay may kanya-kanyang kahinaan at pagkasala. Maging ang maraming lingkod ng Diyos ay tulad nating tao rin na nalulugmok sa kasalanan. Itinuturo din sa atin ni Hesus sa linggong ito na tanggapin natin ang ating kapwa dahil sa kapwa natin siya at hindi dahil sa makasalanan sya. Tanggapin natin ang mga pari, dahil pari sila at hindi dahil sa mga kahinaan nila. Tanggapin natin ang mga lingkod-simbahan dahil sa naglilingkod sila at hindi dahil sa mga karumihan nila. Tanggapin natin ang bawat isa sapagka’t nais ng Diyos na makita natin siya sa mukha ng bawat isa at hindi pawang mga kasalanan lamang ang ating nakikita at tinatanggap.

Lahat tayo ay may puwang sa puso ng Diyos. Nawa’y sundin natin ang mga aral ni Hesus sa linggong ito, na matuto tayong magmahal at magtiwala sa kanya sa kabila ng lahat, sa kabila ng mga bakit, sa kabila ng mga kahit, sa kabila ng lahat ng sakit, ay matanggap natin ang isa’t isa hindi dahil sa makasalanan sila kundi dahil sila rin ay mga anak ng Diyos.

(Pagninilay sa ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon | Taon A – Mateo 10, 37-42)

Reply

Danielle July 1, 2023 at 11:26 pm

Remember guys God is always in our side sa kanila ng lahat ng sakit na nadarama natin anjan sya Para komportahin tayo

Reply

Bobby Javier July 2, 2023 at 6:12 am

Salamat Panginoon saiyong banal na Pangalan at salita, na siynaming gabay at patnubay, kalakasan sa araw-araw naming buhay,,,, Naway lagi mo kaming palakasin sa aming pananampalataya at kagalingan sa amin karamdaman,,,AMEN…

Reply

tammy amar July 3, 2023 at 8:04 am

Minsan may mga pagkakataon hina hina ka na walang matakbuhan nang tulong hindi alam anung gagawin pero lumapit lamang tayo sa ating Mahal na Panginoon dahil ang lahat na napapagod ay kanyang papahingahin magtiis lamang tayo sa pagsubok sikapin natin kayanin ang mga pinagdadaanan natin dahil ang kapalit ay ginhawa huwag tayo matakot sa susunod na araw kung anu ang gagawin bagkus magdasal lamang tayo dahil hindi tayo pababayaan nang ating Mahal na Panginoon Hesus dahil umaapaw ang kanyang pag ibig niya sa atin bawat isa

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: