Huwebes, Abril 20, 2023

April 20, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Huwebes

Tayong mga tumanggap ng buhay ni Jesus ay tinatawagang mamuhay nang lubos ayon sa kanyang mga aral.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ibuhos Mo ang iyong espiritu.

Ang Simbahan, sa pamamagitan ng mga pinuno nito, nawa’y buong tapang na humarap sa hamon ng patuloy na pagbabago, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pamahalaan nawa’y manindigan sa kanyang pagsisikap na makapagbigay ng mataas na uri ng paglilingkod sa mga mamamayan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga nangangailangan nawa’y hindi natin isara ang ating mga puso at pagsikapan nating makibahagi sa misyon ni Kristo ng pagpapagaling at pagkakasundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong nagdurusa sa sakit na walang lunas nawa’y palakasin ng kanilang pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng nakapagpapagaling na biyaya sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, namuhay bilang isang tao ang iyong Anak upang ibahagi sa amin ang iyong buhay. Ipagkaloob mo na maging matatag kami sa aming pananampalataya sa kanya upang makapamuhay kami nang may pananagutan bilang iyong mga anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 18, 2020 at 6:15 am

Pagninilay: Ang Ebanghelyo ngayon ay isang magandang pahayag ni San Juan tungkol kay Hesus. Para sa Ebanghelista, ang pokus ng panunulat nito ng aklat ay upang kilalanin natin si Hesukristo na tunay na Tao at higit pa riyan tunay na Diyos. Sa mga nakaraang pahayag, nakita natin ang pagtatagpo ni Hesus kay Nicodemo, isang Pariseong naging malapit na tagasunod niya. Makikita natin na ipinakilala ni Kristo ang kanyang sarili na nanggaling mula sa langit. Tunay nga isinugo siya ng Diyos Ama upang tayo ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Nitong nakaraang Semana Santa, ginunita natin ang Pagpapakasakit at Pagkamatay niya sa Krus upang iligtas tayo mula sa kasalanan. At ngayong panahong bumubuo ng 50 araw, patuloy natin inaalala ang kanyang Muling Pagkabuhay na nagtagumpay laban sa kamandag ng kamatayan at kasalanan. At ito rin ay pagkakataon na patuloy tayong sumampalataya sa kanya at maging kanyang mga saksi. Kaya makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan ng misyon ng mga Apostol na ipagpatuloy na ipahayag si Kristo sa bawat dako ng mundo. Kahit sila’y binantaan at binabalaan ng Sanhedrin na huwag mangaral sa pangalan ni Hesus, totoong sinabi ni Pedro na kailangan nilang sundin ang utos ng Diyos na higit pa sa utos ng tao. Hindi pa rin kilala ng mga pinuno ng mga Hudyo si Hesus bilang Mesiyas, subalit marami sa kanilang mga kababayan ay sumaanib na sa pananampalatayang ipinagkaloob ng Panginoon para ipamana rin ng Simbahan sa ating lahat. Kaya nawa’y patuloy tayo sa pagbibigay-saksi sa Kristong namatay at muling nabuhay upang makilala ng lahat ang plano ng Diyos Ama at mapasailalim sa dakilang kalooban na ipadala ang kabutihan sa isa’t isa.

Reply

Rosalinda m. Jubilado April 21, 2023 at 1:09 am

sa unang pagbasa makikita natin na ang mga pariseo, matatanda ng bayan, saserdote ay masuwayin, matitigas ang ulo, at higit sa lahat alipin sila ng kanilang kapangyarihan.
kapag ang tao ay napaalipin sa kapangyarihan, sa kanyang sariling kaalaman tiyak wala siyang paniniwslaan kundi ang sarili lamang niya na siyang magpapahamsk sa kanya..
kaya hindi nila mapaniwalaan si Jesus at ang patotoo ng mga naniwala sa Kanya.
sa Ebangelio ipinapakita na napakahalaga ang paniniwala sa Salita/Jesus. dahil binigyan na tayo ng Diyos ng unawa sa tama at mali.

na sa paniniwala ay napatotohanan natin na TAPAT ANG DIYOS.

na sa paniniwala ay pagkakalooban tayo ng walang sukat ng Kanyang Espiritu Santo.

na sa paniniwala ay tunay na makakamit natin ang buhay na walang hanggan.

kaya nga kung ibig mo ng physical na kagalingan paniwalaan mo na si Jesus ay Salita at Diyos. . sapagkat ang Salita is active and alive sa maninindigan dito.

paano mo mararanasan ang instant healing kung wala sa puso at isipan mo ang Diyos, ang Salita ng Diyos.

kaya simula ngayon hindi lang sa salita tayo maniwala panindigan pa natin ito.

tiyak masasabi mo na tunay na TAPAT ANG DIYOS sa araw araw mong buhay.

God bless.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: