Linggo, Abril 16, 2023

April 16, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Patnubay sa Misa

Sa araw na itong pinararangalan natin si Hesus na Hari ng Banal na A wa, buksan natin sa kanya ang ating mga puso at manalangin nang buong kababaang-loob at pananalig:

Mahabaging Hesus, dinggin ang aming panalangin!

Para sa buong Simbahan: Nawa ito’y maging malinaw na tanda at mabisang kasangkapan ng awa ng Diyos para sa lahat – mga sumasampalataya man at hindi. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at iba pang pinuno ng Simbahan: Sila nawa ay maging inspirasyon sa lahat ng sumasampalataya sa pamamagitan ng kanilang katapatan sa kanilang paglilingkod. Manalangin tayo!

Para sa mga nagpapakumpisal: Nawa sila’y maging laging karapat-dapat na kasangkapan ng mahabaging pagmamahal ni Kristo. Manalangin tayo!

Para sa mga tulad ni Tomas na di makapaniwala sa Muling Pagkabuhay: Nawa mapaglabanan nila ang kanilang pag-aalinlangan sa tulong ng kanilang pamayanang Kristiyano. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may karamdamang pisikal, sikolohikal, at moral: Nawa makalasap sila ng ginhawa’t lunas sa pagkakawanggawa ng mga sumasampalataya. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng kasapi sa ating parokya: Gaya ng mga unang Kristiyano, manatili nawa tayong tapat sa mga turo ng mga apostol, masiglang lumahok sa pan-Linggong Eukaristiya, at magbahagi sa mga nangangailangan ng mga biyayang kaloob sa atin ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Maawaing Hesus, salamat sa mga kaloob ng Banal na Espiritu, iyong kapayapaan at pagpapatawad. Nawa ilapit kami nito sa iyo at sa isa’t isa, at gawin kaming kasangkapan ng iyong pagmamahal para sa lahat ng aming mga kapatid. Ikaw na nabubuhay at naghahari nang walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 10, 2020 at 10:52 am

Kadalasang maririnig natin ang salawikaing ito: “Ang pagkikita ay pagsasampalataya!” Ngunit hindi laging ganun ang sitwasyon. Tuwing mga taong A, B at K ng linggong ito, pareho lang ang Salmong Tugunan (Salmo 117) at ang Banal na Ebanghelyo (Juan 20:19-31) dahil ipinapakita ng mga pagbasang ito ang pag-ibig at awa ng Diyos na parang isang karagatan, kaya nga tuwing linggong ito ay ipinagdiriwang ang Linggo ng Banal na Awa ng Diyos. Pagkatapos ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo, umalis si Apostol sa Santo Tomas dahil inahahanap niya ang kanyang kapatid na isang tagasunod sa Panginoon. Ang salitang ‘Tomas’ ay galing mula sa salitang Hebro na ‘Didymio,’ na may ibig sabihin “ang Kambal”. Hinahanap-hanap ng mga kawal ang mga alagad na malapit kay Hesus dahil ipinautos nito ng mga pinunong Hudyo kay Gobernador Poncio Pilato. Pero noong gabi ng ika-5 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan ng kinaroroonan nila dahil natatakot ang mga sampung alagad, lalo na si San Pedro na nagkaila sa Panginoon ng tatlong beses. At isang saglit, nagpakita ang Panginoong Hesukristo sa kanila na wala diyan si Santo Tomas. Pagkatapos dumating siya at ibinalita sa kanya ng mga minahamal na kapatid na apostol na nabuhay nga ang kanilang Guro, ngunit tinanggi niya ito at maniniwala siya kung makikita niya ang mga sugat ng Panginoon. At nangyari nga nang makalipas ng isang linggo, noong ika-12 na Abril, 33 A.D., nakapinid ang mga pintuan pa rin kung saan natitipon ang mga alagad na kasama na nila si Tomas. At ganun nga, nagpakita si Hesus at tinanggal niya ang pagdududa ni ng Apostol tungkol sa Muling Pagkabuhay sa pananampalataya. Buong pananampalataya sinabi ni Tomas: “Diyos ko at Panginoon ko” (Juan 20:28)! Kaya ipinakita ni Hesus ang bagong salawikain: “Ang pagsasampalataya ay pagkikita!” Pinalad niya ang mga taong hindi nakikita sa kanya pero naniniwala. Ang ating Ebanghelyo ay nagpapakita sa Mabathalang Awa ng Diyos na parang isang karagatan. Alam natin na ang karagatan ay ang pinakamalaki at pinakamalawak na anyo ng tubig. Ganyan din ang awa ng Diyos dahil tulad ng isang karagatan na hindi natin alam kung saan natatapos, hindi kukupas ang kanyang pag-ibig at awa, kaya tunay nga nakasabi sa tugon ng Salmong Tugunan ngayon: “Butihi’y Poo’y purihin, pag-ibig n’ya’y walang maliw” (Salmo 117:1). At sabi nga ng karamihan: “Kung gaanong kalalim ang naranasang awa ng Diyos, ganoon din kalalim ang pag-ibig ng Diyos na nararanasan. At dahil sa awa at pag-ibig na ito ng Diyos, sumisibol ang pananampalataya na handang magtaya, kahit ng buhay at kamatayan para sa Diyos at kapwa.” Sa ating paglakbay sa daan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, nawa’y maranasan natin ang awa ng Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ibahagi at iparamdam ang mensahe ng awa sa ating mga kapwa.

Reply

Barbara Silvia L. Manalo April 19, 2020 at 5:56 am

Panginoon Dyos sumasampalaya kami sa iyo ,Ikaw ang mapangyarihan sa lahat,Pinupuri at pinasasalamatan ka namin. Amen.

Reply

Mel Mendoza April 13, 2023 at 10:49 pm

Sa Linggong ito ay ipinagdiriwang ng ating Inang simbahan ang Mabathalang Awa ng Panginoon. Tunay nga na walang katapusan na parang dagat ang awa ng Diyos! Una, sa kabila ng pagtalikod at pagtatwa sa kanya ng kanyang mga alagad ang unang bungad pa din ni Hesus sa kanila ay Kapayapaan! Makadalawa nya inulit ang pagbati sa kanyang mga alagad ng Kapayapaan! Sa ating mga tao napakahirap o pwedeng sabihing imposible na babatiin mo ng kapayapaan ang isang taong nagbigay sa iyo ng kapighatian, dusa at lumbay pero sa ebanghelyo ay ipinakita na hindi ito imposible sa Diyos sapagkat ang kanyang karagatan ng awa ay walang hanggan. Pangalawa, ang muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus ito ay nagbigay ng bagong pagasa sa kanyang mga alagad upang ipagpatuloy na ipangaral ang kaligtasan at pagmimisyon at
pagmiministeryo ni Hesus upang marami ang makasalo sa ipinangako sa ating lahat ang buhay na walang hanggan sa piling ni Kristo-Hesus bago pa man nangyari ang Misteryo ng Paskuwa. Pangatlo, ang maging saksi ng muling pagkabuhay ni Hesus sa kabila na hindi naman natin nakita ang Panginoon ay napakalaking ng grasya’t biyaya na kaloob ng Diyos sa ating mga mananampalataya. Hindi katulad ni Tomas na nangangailangan pa ng katibayan bago nagwika ng “Panginoon at Diyos ko”. Sapat na sa atin mananampalataya ang mga iniwang Salita at gawa ng Diyos na isinulat ng kanyang mga propeta at ang ipingaral ng Mesiyas sa Mabuting Balita.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: