Huwebes, Pebrero 16, 2023

February 16, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa ating pagtitipon upang ipagdiwang ang misteryo ng ating kaligtasan, bumaling tayo nang may pananalig sa Diyos Ama at hilingin ang kanyang awa.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipahayag ka nawa ng aming buhay.

Ang Santo Papa nawa’y mapanatili ang Simbahan sa pananampalataya ni San Pedro, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y makasunod sa yapak ni Kristo sa pamamagitan ng pagtanggap ng kanilang krus araw-araw bilang pakikiisa sa pagdurusa ng ating Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nabibigatan at nahihirapan sa pagpapasan ng kanilang krus nawa’y makatagpo kay Kristo ng lakas at kaginhawahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita na tahib lamang ng krus ni Kristo ang kanilang karamdaman, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa atin sa kabilang buhay, nawa’y makita nila ang Mananakop na nagpakasakit para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, pakinggan mo ang panalangin ng iyong bayan at tulungan mo kaming yakapin araw-araw ang pagsubok ng aming krus. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 19, 2019 at 11:46 pm

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay nagsasalaysay ang kagandahan ng nilikha ng Diyos matapos ang malaking baha. Makikita natin na sa kabila ng galit ng Diyos na lipulin ang daigdig, ginawa niya pa ring magkaroon ng kagandahan mula sa kanyang mga gawa. At binasbasan din niya ang angkan ni Noe hanggang sa mga sumusunod na henerasyon. Sa huli ay ipinatibay niya muli ang tipan sa pamamagitan ng isang bahaghari na kailanma’y hindi niya wawasakin ang mundo gamit ng isang baha. Ang Ebanghelyo ngayon ay isang pagkakatagpo ng mga Apostol kay Hesus. Tinanong sila ni Kristo kung sino siya sa tao, at maraming kilalang pangalan ang lumabas katulad nina San Juan Bautista, Elias, Jeremias, o isa sa mga propeta. At nang mismong sila’y tanungin niya, si Simon Pedro ay nagpahayag na si Hesus ay ang Kristo, ang Anak ng Diyos. Dahil sa tamang sagot ni Pedro, pinagsabihin sila ni Hesus na huwag sabihin kanino man kung sino siya. Ang akala ni Simon Pedro na ang pagka-Mesiyas ni Hesus ay ayon sa pananaw ng mga Hudyo na ito’y magiging tapagtanggol ng mga Israelita mula sa pananakop ng mga Romano. Kaya nang unang ipinaalam ng Panginoon na siya’y mamatay at muling mabubuhay, biglang tumanggi si Pedro, at ito’y pinaglayuan ni Hesus na “Satanas”. Hindi po ibig sabihin na demonyo ang Apostol na ito, kundi ito’y pagmamalabis na iniisip niya ay mula sa pananaw ng tao, at hindi ayon sa karunungan ng Diyos. Pero makikita natin sa pagpapahayag ng pananalig ni San Pedro na si Hesus ang Mesiyas, ito’y paanayaya sa atin na dapat kilalanin din natin ang Diyos sa ating sariling buhay. At kung patuloy natin kinikilala siya, gawin po natin ang kanyang niloob hindi lang para sa atin, kundi para na rin sa mabuting kapakanan ng ibang tao. Nawa’y isabuhay natin ang ating pananampalataya sa Panginoon sa patuloy na paggawa ng kabutihan at katuwiran sa lahat ng tao.

Reply

Melba G. De Asis February 21, 2019 at 6:36 am

Tuwing makakakita ako ng bahaghari may kakaibang saya akong nadarama dahil sa sari sari at magandang mga kulay nito. Ito ang simbolo ng pakikipagtipan at pangako ng Panginoon na hindi na niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang pagsunod sa utos ng Diyos ni Noe ay nagpapakita ng kanyang lubos na paniniwala sa Ama. Palagi nating hangarin na makasunod tayo sa mga ipinag-uutos ng Diyos sa atin at palagi nating hangarin ang mskagawa ng mabuti sa ating kapwa.

Panginoon patawad po sa mga pagkakataon na hindi ako tumulong sa kapwa kong humihingi sa akin ng tulong at sana po ay mapatawad nila ako sa aking nagawa. Patawad po Panginoon na mas tiningnan ko ang kanilang mga kahinaan at ginagawang pagwawalang bahala at ang lubos nilang pag aabala at pag aaksaya ng oras sa mga bagay na panandalian lamang na makakapagpasaya sa kanila, at mas pinili pa nilang magpabaya sa mga bagay na dapat nilang gawin para sa ikabubuti ng kanilang buhay.. Nawa Panginoon ay mas hangarin ko ang makagawa ng kahit maliit na bagay para sa ikabubuti ng aking kapwa. Amen

Reply

SAINSPOT February 17, 2023 at 2:05 am

Please SHARE & SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” at https://www.youtube.com/watch?v=9gisC7rNU8U

Unawain, Tanggapin at Yakapin

“Noong panahong iyon, si Hesus, kasama ang kanyang mga alagad, ay nagtungo sa mga nayon ng Cesarea, sakop ni Filipo. Samantalang sila’y naglalakbay, tinanong niya ang kanyang mga alagad, “Sino raw ako ayon sa mga tao?”

Ang tanong ng ating Panginoon sa iyo ngayon, “Pero sino ako?” Malamang na madali mong sagutin ito sa antas ng intelektwal, huwag mo itong sagutin kaagad. Pag-isipan mong mabuti. Sa kaibuturan ng iyong kaluluwa, ano ang iyong pinaniniwalaan tungkol kay Jesus?

Minsan maaari tayong mahulog sa kamalian ng pag-iisip na si Hesus ay isang inspirasyon lamang na nagtuturo sa atin kung paano tayo dapat mamuhay. At bagaman totoo iyan, si Jesus ay higit pa diyan. Siya ang nag-iisang daan patungo sa Langit. Kung wala ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay hindi natin makakamit ang Langit. Siya ang nag-iisang Tagapagligtas.

Pagnilayan, ngayon, kung paano mo sasagutin ang tanong na ito mula sa ating Panginoon. “Sino ako para sayo?” Kung sasagutin mo ito ng tama, kailangan nito na patuloy mong palalimin ang iyong pang-unawa, pagtanggap at buong pagyakap sa misyon ng pagliligtas ng ating Panginoon. Bagama’t ito ay isang panghabambuhay na proseso, hindi tayo dapat tumigil sa pagpasok ng mas malalim sa banal na misteryo at kaloob na ito upang tayo ay ganap na mabago sa pamamagitan ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ng Siya na Kristo ng Diyos.

Panginoong Tagapagligtas, mangyaring buksan ang aking isip at puso sa Iyo nang mas malalim sa araw na ito at sa bawat araw ng aking buhay. Nawa’y patuloy akong lumalim sa aking pananampalataya at pang-unawa sa Iyo at sa Iyong banal na misyon ng kaligtasan. Habang ginagawa ko, mangyaring baguhin ako nang higit at higit pa upang ako ay maging ganap na handa na tanggapin ang lahat ng Iyong naparito upang ipagkaloob sa akin. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: