Huwebes, Nobyembre 3, 2022

November 3, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Ang Panginoon ang pastol na nakakikilala sa bawat isa sa atin sa ating pangalan. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos, nagtitiwala sa kanyang personal na pag-ibig sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sa iyong dakilang pag-ibig, tugunin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging buhay na tanda ng tunay na pagkalinga at buong pagmamahal na pagtingin sa mga tinanggihan ng lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga humiwalay na sa daan ng kabutihan nawa’y marinig ang tinig ni Kristo ang Mabuting Pastol na tinatawag silang bumalik muli, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataang naligaw sa bisyo, krimen, o ipinagbabawal na gamot nawa’y matagpuan ang kanilang tunay na sarili at dangal at magbalik sa tahanan ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapatawad, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa o sinusubok ng karamdaman nawa’y mapagtanto na mahal sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at atensyon na ating ibinibigay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na dumaan sa “pintuan ng kawan” nawa’y magbunyi kasama ng Pastol at bantay ng kanilang kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Pinakamahinahong Ama, akayin mo kami sa tamang daan. Pakinggan mo ang aming mga panalangin, basbasan mo ang bawat isa sa amin sa pamamaraang ikaw ang pinakamabuting nakaaalam. Makasunod nawa kami saan mo man kami dalhin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 5, 2018 at 12:42 am

Pagninilay: Ang Diyos ay dakila sa kanyang habag, na tayo ay palaging inaanyayahan na magbalik-loob sa kanya. Ang Ika-15 Kabanata ng Ebanghelyo ni San Lucas ay nakapamagat bilang “Mga Talinghaga ng Awa”. Ito ay tumutukoy sa 3 parabulo ni Kristo na kung saan ipinapahayag niya ang kadakilaan ng Amang puno ng habag kahit sa mga makasalanan. Dalawa sa parabulo ang narinig natin ngayon, at ang isa naman ay yung mahabang kwentong nakakaantig sa ating puso. Nagsisimula ang tagpuan sa isang lugar ng pangangaral ni Hesus sa mga manininigil ng buwis, masamang babae, at iba pang mga makasalanan, na siya namang ikinagagalit ng mga Pariseo at eskriba. Kaya dito ikinuwento ni Hesus ang mga Parabula ng Nawawalang Tupa at ang Nawawalang Salaping Pilak. Sabi nga na ang habag ng Panginoon ay katulad sa isang lalaking naghahanap ng kanyang nawawalang tupa, samantala iniiwan niya ang kawan ng 99 na tupa sa bukid. At kapag nahanap na niya ng tupa, inaangat niya ito sa kanyang balikat upang kargahin ang tupang natagpuan. At siya’y makikipagsaya sa kanyang mga kaibigan dahil natagpuan na niya ang kanyang minamahal na tupa na dati’y nawala. Sabi nga din na ang habag ng Panginoon ay katulad sa isang babaeng hinahanap sa buong bahay ang nawawala niyang iisang salaping pilak, kung dati’y mayroon siyang 10. Gagawin niya ang lahat katulad ng pagsisindi ng ilaw at pagwawalis ng bahay upang mahanap ang nawawalang salapi. At kapag nahanap na niya ito, siya’y makikisaya kasama ang kanyang mga kaibigan dahil sa salaping pilak na dati’y nawala ngunit natagpuan na. Mula sa 2 parabula ni Hesus, makikita natin ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kahit tayo’y patuloy na nagkakasala, patuloy siyang humahanap sa atin, humahangad na tayo’y kanyang yakapin sapagkat minamahal niya tayo. Ganun ang naging disposisyon ni San Pablo sa Unang Pagbasa na bagamat siya’y isang dalubhasa ng Kautusan ni Moises at ginawa ang mga ritwal ng batas ng mga Hudyo, ipinausig niya ang mga tagapagsunod ni Kristo, na mas kilala bilang mga Kristiyano. Ngunit ikinuwento rin niya na ang mga unang bagay na kanyang tinanggap bago makilala si Kristo ay parang walang kabuluhan. Kaya si San Pablo ay nakatuon sa grasyang ibinigay sa kanya na siya’y magiging tunay na saksi sa Mabuting Balita. Kaya nga tayong lahat ay tinatawag na mga saksi sa patuloy ng pagpapahayag ng magandang balitang iyon. Huwag po tayong matakot kung may kakayahan tayong magkasala, sapagkat mas malaki at mahalaga pa ang awa ng Diyos kaysa sa ating mga kasalanan at pagkakamali. Kung tayo’y tunay na magbabalik-loob, nawa’y isabuhay natin ang pagpapatawad nito sa paggawa ng tama at mabuti, lalung-lalo na sa ating kapwa.

Reply

Cristy Guarin November 8, 2018 at 7:02 am

Paginoon papuri at pasasalamat sa dakila mong habag at pagmamahal na ibinibigay sa akin. Sa mga pagkakataong ako’y nakakalimot at nakakagawa ng kasalanan sa iyo ay patuloy mo akong hinahanap at inaakay pabalik. Salamat sa mga tao, pangyayari at karanasan na nagiging instrumento mo upang ipahatid ang mensahe ng iyong habag at pagmamahal. Nawa ay magawa kong maibahagi ang habag at pagmamahal na natatatanggap ko mula sa iyo sa aking kapwa.

Reply

Melba G. De Asis November 8, 2018 at 10:34 am

Panginoon Diyos sa gitna ng aking mga kahinaan at madalas na pagwawalang bahala sa aking kapwang naghihirap ay andyan ka pa rin at patuloy mong ipinadadama sa akin ang Iyong pagmamahal pati na ang pagbibigay sa akin ng Iyong mga biyaya. Panginoon huwag mo akong pababayaan na mawalay sa iyong pagkakandili at nawa’y maunawaan kong mabuti ang mga nangyayari sa aking buhay, na kung bakit may mga panalangin akong hindi mo sinasagot, na yung mga karamdamang dumapo sa akin ay naging dahilan ng aking pagbitiw sa aking hanapbuhay, na may pagkakataon na hindi ako nakakatulong sa humihingi ng tulong sa akin at hindi ko maunawaan ang pakikitungo sa akin ng aking kapwa. Sa kabila ng lahat ng ito, ako’y patuloy na magtitiwala sa Iyong kapangyarihan at sa Iyong Banal na Ispirito na patuloy na gumagabay sa akin sa lahat ng panahon. AMEN

Reply

Fatima November 8, 2018 at 7:20 pm

Panginoon Hesukristo, salamat po sa mabuting balitang aming pinagnilayan sa araw na ito.
Tulungan mo po ako mas mapalapit sayo, maging laging bukas at tumutugon sa mga panawagan mo. Maging tapat hanggang wakas. Dalangin ko rin po na along the way may makasama kami sa paglalakbay dto sa mundo na lumalakad ayon sa kalooban Mo… kung paano mo inaakay ang mga tulad naming makasalanan patungo sa Ama, kami rin nawa ay may maakay na kapwa sa landas ng kabanalan. Amen

Reply

Aira Mae Gino November 6, 2020 at 6:44 pm

November 5, 2020, Thursday
Lucas 15:1-10

Ang sarap lang isipin na ang Diyos ay puno ng pagkalinga sa mga anak niyang nakakaranas ng pagsubok at pagkaligaw. Kaya’t magalak ka kapatid kung ikaw ay nakakaranas ng pagsubok, sapagkat masusumpungan ka ng Diyos. Oo, Siya mismo ang naghahanap sa mga nawawala Niyang tupa at willing pang iwan ang ibang matuwid upang masumpungan lamang tayo. Hindi dahil inabanduna na sila, ngunit dahil alam Niyang ang mga matutuwid ay lubos na maiintindihan ang kalooban ng Diyos. Kaya kung dumating naman ang araw na ikaw sana ang dapat na umintindi ay piliin mong unawain ang kalooban ng Diyos, hindi dahil iniwan ka na Niya kundi dahil may tiwala Siyang maiintindihan mo at kaya mo ng harapin ang iba pang mga pagsubok mo.

-AMG

Reply

Ellen Puso Soriano November 3, 2022 at 5:28 am

Patuloy nating Purihin ang DIOS na buhay. Pasalamatan sa bawat yugto at pagkakataon. Siya ang DIOS ng mahabagin at mapagpatawad. Gaano man ka lagi ang ating mga kasalanan handa niyang ipagparawad ang mga iyon.tulad sa ebenghelyong ating napakinggan. Hinahanap niya ang isang tupang nawawala habang nanginginain ang 99 na tupang nanginginain.. Ng masumpongan at nakita ang isang nawawala agad niyang kinalong at nagkaroon ng isang salo2 sa loob ng tahanan.ipinagdiwang nila ang walang hanggang kagalakan. At ganyan din ang magaganap sa kaharian ng DIYOS, magdiwang ang mga anghel sa kalangitan sa isang makasalanan na nagbalik loob sa DIYOS.

sa ating pamilya hindi maiwasan na may mga anak tayong pasaway.. At ito ang mission natin na dapat magkaroon tayo ng malasakit, mapagtyaga at mapagmahal para sa ating mga anak na pasaway upang hwag tuloyang mawalay sa tamang landas. Tayong mga magulang ay silipin nating magkaroon tayo ng isang Pusong tulad ni kristo para maisakatuparan ang kanyang kalooban na gawing pugad ng kapayapaan sa loob ng ating tahanan. At lahat ay dumulog sa DIYOS na may pusong tapat at dalisay…

Panatilihin ang ilawan na tatanglaw sa daang tintahak at paghariin ang salita ng DIYOS sa ating mga puso nasiyang magpalaya sa mga gawaing lihis sa kalooban ng DIYOS. at gawing busilak sa kaputian ang ating mga PUSO kung talikdan natin ang ating mga kasalanang nagawa. Pagsisihan ng lubos at magbalik loob sa DIYOS na may likha ng ating mga buhay. Katulad ni Juan sa unang pagbasa.. Isinasalaysay niya kung paano siya naging tapat na alagad ni JESUS sa kabila ng pag-uusig niya sa mga Kristiano.. Ngunit ng masumpungan niya ang kalooban ng DIYOS siya’y naging tapat. At nalalaman niya kung alin ba ang masmahalaga.

Panginoong JESUS maraming salamat po sa mga banal mong salita. Nawa ang minsahing ito ay makapukaw sa sa mga pusong nagmatigas at mapalitan ito ng Pusong masunurin. Dalisayin mo po ito upang matagpuan ang tamang landas at liwanag.Pagsisihan at talikdan ang mga nakamundong hangarin at magbalik loob sayo aming Ama..sa tulong ng MAHAL NA BIRHEN MARIA makamtan nawa namin ang pagbabagong buhay at masumpongan ang tunay na ganap at kasiyasiyang buhay na nais mo sa amin upang makamtan ang buhay na walang hanggan amen ???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: