Linggo, Setyembre 11, 2022

September 11, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Dapat maging pampasigla sa atin ang masuyong malasakit ng Panginoon sa mga nasadlak sa pagkakasala. Dumulog tayo sa Kanya nang buong pananalig at ipanalangin natin ang lahat nating pangangailangan. Manalangin tayo:

Mahabaging Panginoon, pakinggan Mo kami!

Para sa Simbahan, ang panlahat na sakramento ng mahabaging pag-ibig ng Diyos: Nawa patuloy siyang magsikap alang-alang sa pagbabalik-loob ng mga makasalanan. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng pinunong espirituwal: Nawa maganyak sila ng habag ng Diyos na maging mahabagin din sa iba. Manalangin tayo!

Para sa mga magulang, guro, at iba pang may pananagutan sa kabataan: Nawa huwag silang masiraan ng loob sanhi ng pagkakapalungi ng kabataan, sa halip ay pagsikapan nila ang pagiging gabay at guro ng mga kabataan. Manalangin tayo!

Para sa mga katekista, mga guro ng Relihiyon, at lahat ng nagtuturo ng pananampalatayang Katoliko sa ating kabataan: Nawa magbungang sagana ang kanilang mga sakripisyo at patuloy silang itaguyod ng buong pamayanan. Manalangin tayo!

Para sa mga lolo’t lola: Nawa maibahagi nila ang kanilang karunungan at pagmamahal sa kanilang mga anak at apo, habang tinatamasa ang respeto at pagkalinga ng kanilang pamilya. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa tayo’y maging pamayanang patuloy na kumakalinga sa lahat ng kasamahang naligaw, at nagagalak sa kanilang pagbabalik sa tahanan ng Ama. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoon, pinasasalamatan namin ang Iyong walang takdang pagmamahal at tiyaga sa aming lahat. Ingatan Mo kami sa piling Mo at tulutan kaming makipagtulungan para sa pagbabalik-loob ng iba. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasa-walang hanggan. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 12, 2019 at 2:43 pm

Reflection: Mercy is not only seen in helping others especially the poor, but also in forgiveness and reconciliation. And our Readings today focus on what Archbishop Soc Villegas once said: “The revenge of the Lord when we sin is mercy.”
In the First Reading (Exodus 32:7-11, 13-14), God plans to destroy his chosen people Israel for commanding Aaron to build a golden calf for worship. But Moses after receiving the Ten Commandments persuades him not to destroy them, but remember the promise he has made to the patriarchs Abraham, Isaac, and Jacob (Israel). So God relented his plan of punishment on the Israelites. Actually Moses did not convince him to cease from his plan of afflction, but the Lord was actually searching for a reason why the chosen people should be forgiven.
In the Second Reading (1 Timothy 1:12-17), Saint Paul addresses to Saint Timothy, a Gentile convert, that he is the worst of all sinners because he once persecuted the Church. But because of a vision on the road to Damascus, he encountered Christ, and when he regained his sight, he was baptized and then dedicated himself to preach the Gospel to both the Jews and the Gentiles. That is why the Apostle says that Christ died not only for the chosen people, but for all humanity specifically those who believed in him.
In the Gospel (Luke 15:1-32 or 15:1-10), the 15th Chapter of Saint Luke’s Gospel presents to us three parables of the mercy of the Triune God. In fact, the shepherd is Jesus because he searches for the missing flock, and when finding them, he places them on his shoulders. This is the image of the Good Shepherd who leads his flock to eternal life, and despite our sinfulness, he will always search for us. The woman represents the Holy Spirit because he is our guide in the divine teaching in times we seem to go our way. Just as the candle is lit and the floor is swept in order to find the lost coin, the Spirit gives us this fire and breath of life and love that leads us to the Lord. Everytime we do not go the right way, we should ask him to guide us. And finally, the father is God himself. This parable is more preferably called the Prodigal Father because it is the father who spent his love and mercy for his lavish son that returned by embracing him, kissing him, killing the fattened calf for him, and celebrating a feast. And all the three lost items, the sheep, the coin, and the son, represent us Christians who in times when we fall into sin, we can receive God’s grace again through repentance.
My dear brothers and sisters, God is very rich in mercy and kindness. When we sin against him, we lose his grace and are disconnected from him. But he is always waiting for us to return to him with our whole heart. That is why in the Sacrament of Confession, it is he that forgives us through the words and authority of the priests. And as we journey down this road, may we recognize his everlasting mercy by experiencing an inner conversion: repenting from our sins and living our lives as good children. May we also avoid self-righteousness and pride, but rather help sinners to experience God’s love and also forgive those who have hurt us.

Reply

Imelda Alcid September 9, 2022 at 10:18 pm

Mercy is given to the undeserving , we as sinners in the eyes of God , always asks for His Mercy . Only thru the Mercy of God that our sins will be forgiven . We live under the Mercy of God .

Reply

Reynald Perez September 10, 2022 at 2:41 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang magandang pagtatagpo ng Diyos sa kanyang bayang hinirang, ang Israel na kanyang nilikas mula sa pagka-alipin sa Egipto at nagpapatuloy ang kanilang paglalakbay tungo sa Lupang Pangako. Umakyat si Moises sa Bundok ng Sinai upang tanggapin ang Sampung Utos ng Diyos, na inukit sa dalawang tabletang bato. At marami pang ibang utos ang ibinigay ng Diyos upang dito mabubuo ang isang pagtitipan sa pagitan ng Panginoon at ang bayang Israel. Ngunit narinig nga natin kung paanong nagkasala ang mga Israelita sa pagpilit kay Aaron na umukit ng isang ginintuang guya, upang dito raw nila maisasamba umano ang isang diyos na hindi nila nakikilala. Kaya nagalit ang Panginoon, at nais niyang wasakin sila, subalit nakita natin kung paanong namagitan si Moises na ipinaalala sa Diyos ang katapatan niya sa bayang Israel noon pa man sa kapanahunan nina Abraham, Isaac, at Jacob. Kaya hindi na itinuloy ng Diyos ang parusang nais niya sanang ipinantong, subalit ganun pa man ay nagalit si Moises sa mga Israelita, at winasak pa nga ang dalawang tableta ng Sampung Utos sa sahig.

Sadyang napakahaba ang ating Ebanghelyo ngayong araw, sapagkat dito ikinuwento ang buong ika-15 kabanata ng Mabuting Balita ayon kay San Lucas, na ang pamagat din ng kabanatang ito ay ang mga Talinghaga ng Dakilang Awa ng Diyos. Sa kanyang panunulat ng Ebanghelyo, ang nais ituon ni San Lucas ay ang kaligtasan ng Diyos na bukas para sa lahat na handa na tumanggap nito, matuwid man o makasalanan, Hudyo man o Hentil. Kaya nga ito yung sinasaad sa ika-15 kabanata, na gaano man kaliit, katiting, kalaki o kadami ng ating atraso sa Panginoon, patuloy niya tayong sinusumpungan at pinanabikan na bumalik sa kanyang yakap ng pagmamahal at pagpapatawad. Kaya nga magandang ang ginamit niyang 3 talinghaga sapagkat ang mga ito ay mahalaga sa kultura ng mga Hudyo, upang ipaalala sa kanila na walang limitasyon ang Diyos sa kanyang pagmamahal at pagliligtas. Ang tupa ay mahalaga sa pastulan ng isang pastol, kaya hindi lang dapat na balewalahin kung may isa na nawaglit. Ang isang salapi ay katumbas ng halos o higit pa milyun-milyong dolyar. At ang relasyon ng isang ama sa kanyang anak na lalaki ay nakabase sa pagkahalili ng susunod na lahi na mamanahin ang buong ari-arian ng pamilya. Kaya nga makikita dito na hindi agad sumusuko ang Panginoon sa mga taong nagkasala at naligaw nang landas. Oo, nagagalit siya at kinasusuklam niya ang kasalanan ng bawat nagkasala, subalit hindi pa rin niya pinababayaan ang sinumang tumalikod na bumalik sa kanya. Sa totoo po, hindi lang tayo ang hinahanap niya, kundi hinahanap pa rin natin siya. Maski man lumaki na ang ating ulo at dumagdag man ang ating tagumpay, ang lahat ng ito ay isang realisasyon na mawawala ang lahat ng makamundong bagay. Ngunit ang hindi mawawala ay ang dakilang pag-ibig ng ating Panginoon.

Ngunit sa totoo lang at hindi sa pagmamayabang, minsan natatanong natin kung para din ba sa atin ang mensahe ng Diyos ngayong araw na ito, kahit alam natin na hindi na tayo nagkakasala at patuloy na nagsisikap na maging banal at mabuting halimbawa. Siguro magandang panawagan ito sa atin na dahil sa ating pagiging kalugud-lugod at matuwid, may mga ibang tao na makasalanan na tila nga ba’y ang hirap kumbinsihin na magsisi at magbagong-buhay. Ngunit ang paanyaya ng tunay na pagbabago ay hindi dapat pinipilit, kundi pinag-iisapan at pinagninilayan. At habang ginagawa natin ay naroon dapat ang kaunting patakaran upang anyayahan natin ang iba, lalong-lalo na ang kapwang kinapopootan natin tungo sa awa at pagmamahal ng Diyos. Ganyan ang salaysay ni San Pablo kay Timoteo sa Ikalawang Pagbasa na kahit ilang beses na niyang inusig si Hesus sa pag-aaresto ng libo-libong mananampalataya at pagsusunog sa mga simbahan, tinawag siya ni Kristo sa isang pangitain upang mas maging matatag ang kanyang misyon na ipahayag ang Mabuting Balita sa lahat ng tao at bansa. Ito ay isang patunay na inialay nga ni Kristo ang kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya at nagiging matapat sa dakilang kalooban ng Diyos Ama. Sana ganun din tayo sa ating paglalakbay sa daan ng awa at pagmamahal.

Reply

Felicitacion lopez September 11, 2022 at 4:53 am

Salamat Po Panginoon sa iyong dakilang kapangyarihan.
Patawad Po sa mga kasalanan na aking nagagawa.
Lagi mo Po kami pagpalain at ilayo at iligtas sa masama .
Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: