Linggo, Hulyo 24, 2022

July 24, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon

Pinasisigla ng pangganyak ni Hesus para tayo manalangin nang buong pananalig, idulog natin sa Diyos ang ating mga kahilingan para sa mga pangangailangan ng sangkatauhan at nating lahat. Maging tugon natin ay:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Ama, pagpalain Mo ang Sim- bahan, ang mag-anak Mo sa lupa. Gawin Mo itong tahanan ng lahat ng tao at kanilang gabay tungo sa pagkakaisa at bukas-palad na pakikipagtulungan. Manalangin tayo!

Ama, pagpalain ang aming Santo Papa, mga Obispo, at lahat ng pinunong relihiyoso sa buong mundo. Gawin Mo silang mga kasangkapan ng Iyong makaamang pagmamahal para sa lahat. Manalangin tayo!

Ama, pagpalain Mo ang mga mag-anak namin at gawin silang mga kanlungan ng tapat na pagmamahalan, pagkakaisa, at kapayapaan. Iligtas sila sa lahat ng anyo ng pagkakawatak- watak, paninibugho, at pagtataksil. Manalangin tayo!

Ama, pagpalain Mo ang mga maysakit at mga nag-aagaw-buhay. Makatagpo nawa sila sa Iyong pag-ibig ng lakas para matiis ang kanilang mga pagdu- rusang kaisa ng mga paghihirap ni Hesus. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, Ama ni Hesukristo’t Ama rin namin, huwag pansinin ang aming pagiging di karapat-dapat, kundi ang katapatan ng aming pagmamahal. Ipagkaloob sa amin ang kailangan naming mga biyaya, lalo na ang biyayang magpatuloy na pakumbabang magdasal. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez July 15, 2022 at 4:26 am

REFLECTION: The Readings for this Sunday point to us on the power of prayer. In the First Reading (Genesis 18:20-32), we see how Abraham intercedes for the cities of Sodom and Gomorrah. The sins of the two cities in the Plain are gluttony and immoral acts. God wants to punish them, but Abraham intervenes by putting into context if 50 or less of the people there are righteous. Then the Lord replies that he will save those righteous people. In the Gospel (Luke 11:1-13), the disciples ask Jesus to teach them to pray. They believe that he is the Messiah sent by God, so they know that he has an intimate relationship with him. Jesus taught them one of the very basic prayers used by Christians, and that is the Lord’s Prayer, also known as the Our Father (Pater Noster). Luke’s version of somehow short compared to Matthew’s version, which is the one being used especially in the liturgy. Yet the focus of the two accounts is on the importance of prayer. For the Jews, they pray by only reciting God’s attributes, not directly his name, for they want to keep it holy. Then Christ teaches us to call God as “Father”. Aside from becoming an almighty Lord, God is also a merciful Father who provides for us our needs in life. We are invited to have an intimate relationship with him by asking, seeking, and knocking. These three ways can also be put into the “ACTS” format: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication. We praise and adore the Lord for his wonderful blessings and making us his people called to share in his mission. We ask him to forgive us our sins and also help us to forgive others. We thank him for the prayers he has answered, especially others’ intentions, by making them wonderful. We ask him to help us in our needs, and let us not forget to pray for the intentions of others. That is how we must pray, and the Lord’s Prayer shows us this format. In the Second Reading (Colossians 2:12-14), Saint Paul reminds us that we have been saved from our past transgressions by Christ’s crucifixion on the Cross. And because of Christ’s death for our sake, he has risen from the dead. That is why our baptism reminds us that we were once spiritually dead (sin), but we are renewed for God in Jesus (grace). This shows God’s greatest gift in the plan of salvation, which is Christ himself. So Jesus serves as our Mediator between the Father and us. When we pray to him, he directs them to heaven because he is not only the Son of God, but he is also divine in nature. As we journey down this road, may we realize that the power of prayer can help us have an intimate relationship with God not only for our own blessings and needs, but also for those of others.

Reply

Reynald David Perez July 24, 2022 at 4:34 am

PAGNINILAY: Ang Diyos ay mahabagin, mapagmahal, mapagpala, at makatarungan sa kanyang pananalita at pagsasakilos ng kanyang ipinapahayag sa Kasulatan. Siya ang naghahangad sa lahat ng bagay, pati na ang kaayusan ng mga nilalang at ang pamumuhay ng bawat isa. Dahil dito, ang kanyang dakilang kalooban ang siyang hinahangad ng tao, kung ano ang plano niya sa bawat isa, na sa kabila ng mga kabiguan ng bawat isa, mayroon pa rin magandang pangyayari ang nais ipakita ng Panginoon upang mas lalo pa tayong magtiwala at kumapit sa kanya.

Paano nga ba natin nauunawaan ang buhay-panalangin bilang mga Kristiyano? Ang Ebanghelyo ay ang turo ni Hesus na panalangin sa Diyos, ang Ama Namin (Pater Noster). Sa Lumang Tipan, hindi binabanggit ng mga Hudyo ang pangalan ni “YHWH” sa kanilang pananalangin sapagkat ito ay sagrado at iniiwasang lapastanganan. Subalit itinuturo sa atin ni Kristo na ang Panginoong Diyos ay maaari nating tawaging “ama” sapagkat ito ang pagkakilanlan sa Diyos na lumikha ng lahat, humangad ng mabuti sa kanyang bayan, at tumuwid sa kasalanan at pagsuway ng tao, katulad ng ginagawa ng isang “padre de pamilya”. Kaya ang Ama Namin ay ang huwaran ng lahat ng panalanging Kristiyano, sapagkat dito natin nakikilala ang kalooban ng Diyos sa bawat tao. Dito natin matutunghayan ang kakayahan nating humingi at humiling matapos nating purihin at pasalamatan ang Ama, hindi lang dahil sa mga pisikal na pangangailangan, kundi magkaroon din tayo ng buhay-espirituwalidad tulad ng kanyang Anak na magbigay, , magpatawad, at umiwas sa anumang tukso ng buhay. At si Kristo ay naging katulad natin sa lahat ng bagay maliban sa pagkakasala, kaya siya rin ay ilang beses nanalangin sa Diyos Ama sa kabila ng kanyang ministeryo sa bawat bayan at nayon. At sa kanyang pangangaral, itinuturo niya sa mga Apostol na ang Espiritu Santo ang siyang magkakaloob kung ano ang dakilang kalooban ng Ama. Kaya’t tunay ngang sinasabi ng bersikulo ng Aleluya, na natanggap natin ang karapatang maging mga anak ng Diyos Ama, at ang Espiritung iyon ang siyang nagbibigay-lakas sa ating pananalangin sa Ama.

Sa kabuuan, ang panalangin ay ang ating daan upang mas kilalanin pa natin ang Panginoon na gumagabay at humahangad ng kabutihan sa bawat isa. Kahit minsa’y ramdam natin na parang ang tagal niyang tumugon sa ating mga kahilingan at pangangailangan, hindi ito paraan upang sumuko tayo sa pananalangin at paghihintay sa oras at kalooban niya. At habang tayo’y naghihintay at nananalangin, patuloy rin tayong maging mabuting instrumento sa halimbawang maging katulad ng Diyos, hindi dahil sa kasikatan o katanyagan, kundi sa pamamagitan ng pagpapamalas ng ating kagandahang-loob, pagmamalasakit, at anupamang mabuting asal na kaya nating gawin sa ating buhay, lalong-lalo na sa ating kapwa. Maging sagot din nawa tayo sa kanilang mga panalangin, at gayun din ang ating pagsisikap na gumawa ng kabutihan na naaayon sa ating dinadasal nang sa gayon ay maging mas makabuluhan ang ating ipinapanalangin sa Diyos.

Reply

Ailyne July 24, 2022 at 4:23 pm

Amen. GOD BLESS US.

Reply

Ina July 24, 2022 at 9:28 am

GOD BLESS US

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: