Linggo, Hunyo 19, 2022

June 19, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Ipinahahayag at pinatitibay ng Eukaristiya ang pakikiisa natin kay Hesus at sa ating sari-sarili. Batid ang mga sanhi ng ating pagkakawatak-watak, manalangin tayo:

Panginoon, gawin mo kaming kaisa mo’t ng aming kapwa!

Nawa pahalagahan ng Simbahan ang Eukaristiya at itaguyod ito bilang buklod ng pag-ibig na naglalapit sa atin kay Kristo at sa isa’t isa, manalangin tayo!

Nawa lumahok sa Eukaristiya ang lahat ng mananampalataya nang may pag-ibig kay Hesus at sa kapwa, manalangin tayo!

Nawa alalahanin nating lahat na ang pagtanggap ng Banal na Komunyon ay nangangailangan ng kapangakuang magtaguyod sa katarungan, pakikipagtulungan, at kapayapaan, manalangin tayo!

Nawa makatagpo tayo sa Banal na Sakramento ng inspirasyon at lakas para mamuhay alinsunod sa halimbawa ni Hesus, manalangin tayo!

Nawa para sa lahat ng malapit nang mamatay, ang Eukaristiya ay maging paunang tikim ng ganap na pakikiisa sa Diyos at lahat ng mga Santo, manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.)
Manalangin tayo!

Panginoong Hesus, pagkain ng buhay na walang hanggan, pawiin mo sa amin at sa aming pamayanan ang lahat ng hadlang sa pakikipag-isa sa iyo at sa aming sari-sarili. Gawin mo kaming mga tanda at tagapaghatid ng pag-ibig na nag-uugnay sa iyo sa Ama at sa Espiritu Santo. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez June 22, 2019 at 5:23 pm

Pagninilay: Ipinagdiriwang ng buong Simbahan ngayon ang pinakabukal at pinakarurok ng ating pananampalataya: ang Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Ang Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi ay itinatag ni Papa Urbano IV noong taong 1264. Ito ay kasunod sa isang himalang pang-Eukaristiya na naganap sa bayan ng Orvieto sa Italya. Isang paring taga Alemanya na hindi naniniwala sa “Real Presence” ay nagmisa sa isang simbahan diyan, at habang itinataas niya ang Ostiya ay biglang dumanak ang dugo mula riyan at winisik ang altar. Ito ang naging hudyat na dapat ipagdiwang ang Misteryo ng Katawan at Dugo ni Kristo sa isang natatangi-tanging okasyon kahit halos araw-araw at tuwing Linggo ay nagsisidaos naman ang Eukaristiya. Ang Corpus Christi ay ipinagdiriwang 2 Linggong makalipas ang Pentekostes, na siyang katapusan ng Panahon ng Muling Pagkabuhay. Matatandaan natin na ang biyaya ng Panginoong Muling Nabuhay ay kapayapaan, samantala ang biyaya ng Pentekostes ay ang Espiritu Santo. Ang Dakilang Kapistahang ito ay nagpapatunay na ang pinakadakilang biyaya ni Hesukristo ay ang kanyang Katawan at Dugo na siya ating ginugunita sa Sakramento ng Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristiya ay itinatag ni Hesus noong gabi ng kanyang Pagpapaksakit at Pagkamatay sa Krus nang siya’y nasa Huling Hapunan upang alalahanin ng kanyang mga alagad at pati na rin ng maraming tao ang kanyang dakilang pag-aalay ng buhay. Kaya tuwing ipinagdiriwang natin ang Misa, inaalala natin ang Misteryong Paskwal ng ating Panginoon. Narinig natin sa Unang Pagbasa kung paanong binasbasan ni Melquisedec, ang hari at pari ng Salem, si Abraham, at inialay niya ang tinapay at alak sa kanya bilang tanda ng katapatan ng patriarkiya sa dakilang kalooban ng Diyos. Ang tinapay at alak na ginagamit natin sa Misa ay tanda ng katapatan ng Diyos na tayo’y iligtas noong sinauna pa, at patuloy niya tayo inaako tungo sa kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan. Narinig natin kay San Pablo sa Ikalawang Pagbasa ang pagsasalaysay tungkol sa pagkatatag ng Banal na Eukaristiya noong gabi ng Huling Hapunan. Sa kabila ng kaguluhan at pagtatalong nagaganap sa Corinto, hinikayat ng Apostol na magkaisa ang mga mananampalataya alinsunod sa kalooban ng Panginoon. At ang tanda ng kanilang katapatan at pagkakaisa ay ang pakikiisa sa banal na pagdiriwang ng Eukaristiya na tuwing nakikisalo sila sa Katawan at Dugo ng Panginoon, ipinapahayag nila ang kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay habang pinanabikan ang kanyang muling pagbabalik. Kaya ang Sakramentong ito ay ang paggunita sa Misteryong Paskwal ni Kristo. Tandaan po natin na hindi natin ulit sinasakripisyo si Kristo sa Misa. Mula na mismo sa kanyang mga bibig ipinahayag na ang tinapay at alak ay hindi lang basta mga simbolo, kundi ang mga ito ay ang kanyang totoong Katawan at Dugo. Ang Misteryo ng “Real Presence” ay hindi maaring bigyan ng pisikal ng katuwiran, subalit ito ay mauunawaan lamang sa pananampalataya. Mali namang sabihin na tayo’y nagsasagawa ng kanibalismo. Subalit naniniwala tayo na si Kristo ay kapiling natin lalung-lalo sa bawat pagdiriwang ng Banal na Misa. Ang Misa ay ang kanyang “sacramental presence” upang tunay na manahan siya sa atin para bigyang kabuluhan ang buhay natin sa daigdig. Kaya katulad ni Hesus ay tayo rin ay tinatawag na maging mga Kristiyano ng Eukaristiya: pinagpala, pinaghati-hatian, at pinagbabahagian. Nakita natin sa Ebanghelyo ang himala ng pagpaparami ng tinapay at isda bilang konkretong halimbawa ng Sakramento ng Eukaristiya. Ang pagpapangaral ni Hesus at ang kanyang paggawa ng kababalaghan ay naririnig natin tuwing ipinapahayag ng mga Lektor ang mga Pagbasa at ng Pari ang Ebanghelyo kasama ang Homiliya. Ang pagpaparami ng tinapay at isda ay nakikita natin nang ang tinapay at alak ay tunay ngang naging Katawan at Dugo ng Panginoon, na siya naman nating pinagbabahagian sa Banal na Pakikinabang. Isa pang aral ng himalang ito ay ang pagbabahagi ng 5 tinapay at 2 isda nang may kasamang pagtitiwala sa Panginoon, upang ang bawat pagbabahagi ng ating buhay sa ibang tao ay mas lalong aapaw ang mga biyaya ng Diyos sa bawat tao. Pasalamatan natin ang Panginoon sa kanyang napakagandang biyaya ng Eukaristiya. Nawa’y sa bawat pagdalo natin sa Misa ay gawin nating taimtim at makabuluhan ang mga banal na pagdiriwang na ito. At sa huli, katulad ni Hesus na sentro ng bawat Misa, isabuhay nawa natin ang pagiging “EUCHARISTIC CHRISTIANS” sa ating araw-araw na pamumuhay: “blessed, broken, and shared”.

Reply

ruel arcega June 15, 2022 at 7:13 am

anag Dakilang kapistahan ng Corpus Christi, ang katawan at Dugo ni Kristo, ay pagdiriwang upang pahalagahan ang ating tinatanggap sa banal na Misa at sa ating pagkukumonyon ay ang dakilang katawan at dugo ni Kristo, Siyang tunay na tao at tunay na Diyos. Pinahahalagahan ang magdiriwang na ito, ang kabanalan nang aitng tinatanggap. Dahil hindi tinapag , ostia na gawa sa harina ang ating kinakain at ang tinatnaggap. Kung hindi ang pagakatao ni Hesus, na inalay niya ang kanyang katawan dugo , o ang kanyang buhay para tayo ay maligtas. ang siyang ating tinatanggap. At ito’y ginawa niya nang sila’y nahahapunan nang dumampot si Hesus ng tinapay , sinabi niya kanin ninyo ito , Ito ang aking katawan na handog para sa atin. At kalis na may alak at sinabi niya ito ang aking Dugo ,inumin ninyo ito para sa ipapatawad ng mga kasalanan, Kaya ang ginagawa nating ito bilang pag alaala sa kanyang dakilang pagsasakripisyoat pagmamahal. Ang araw na ito ay pagsamba sa ating tinatanggap na kumonyon na , ito ay si Hesus mismo, ginawa natin ito dahil una para sa ating kaligtasan, ikalawa dahil sa ating pagmamahal sa Diyos at ikatlo dahil nais natin ipakita at ipaalala ang mukha ni Hesus sa ating sarili at sa ating kapwa.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: