Huwebes, Disyembre 14, 2023

December 14, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalawang Linggo ng Adbiyento
Huwebes

Pinuri ni Jesus si Juan Bautista dahil sa pag-akay nito sa mga tao upang lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng pangangaral ng pagsisisi sa kasalanan. Manalangin tayo para sa lahat ng tao sa buong mundo at maging sa kanilang mga pangangailangan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng pagpapatawad, dinggin mo kami.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y patuloy na manawagan sa mga tao na talikuran ang makasalanang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga lalaki at babaeng binigyan ng katungkulan nawa’y pangibabawin ang katarungan sa lahat ng pagkakataon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha at nagdadalamhati nawa’y marinig ang Mabuting Balita ng kaligtasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang laging piliin ang maging mabuti at umiwas sa lahat ng anyo ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang yumao na ay makaranas nawa ng pagliligtas ng Diyos sa kanyang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pakundangan sa inyong pag-ibig, dinggin mo ang aming mga panalangin at gawin mo kaming katulad ni Juan Bautista, na walang takot at mapagkumbabang saksi sa mga aral ng iyong Anak sa buong mundo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 5, 2021 at 5:54 am

PAGNINILAY: Isa sa mga pinakilalang larawan ngayong Adbiyento ay si San Juan Bautista. Sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo na ang kanyang pinsan na si San Juan Bautista ay higit pa sa mga tao, kahit ang mga kababaihan. Sapagkat makikita natin sa misyon ni Juan ang pagpaparito ni Elias sa kanyang kaanyuan upang anyayahan ang madla na at magbago at magbalik-loob bilang paghahanda sa pagdating ng Panginoon.

Ipinahayag din ni Propetang Isaias sa Unang Pagbasa ang plano ng Diyos na iligtas tayo mula sa kapahamakan at pati na rin sa pagkakasala. Siya mismo ang magpupuno at magpapasagana ng ating buhay katulad ng pagpupuno ng tubig ang mga lambak.

Kaya nga ngayong Panahon ng Adbiyento, ihanda natin ang ating sarili sa pagdiriwang ng Pagdating ng Panginoon lalung-lalo ngayong Kapaskuhan. Nawa’y dinggin natin ang mensahe ni San Juan Bautista na magsisi at mamuhay nang matapat at mabuti ayon sa mga pamantayan ng Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 9, 2021 at 9:16 am

San Juan Bautista, pinsan ni Hesus na nagpapaala sa atin na ihanda natin ang ating mga sarili, linisin ang daraanan ni Hesus. Tuwirin ang liko likong daan, patagin ang baku bakong landas.

Panahon ang Adviento, samantalahin natin ito, pakinggan natin si San Juan Bautista. Magsisi na tayo sa mga gawang mali, ihingi ng kapatawaran kay Hesus ang pagiging makasalanan. At sikapin ng matalikuran ang kamunduhan at paggawa ng hindi kaaya aya sa Diyos.

At ang gantimpala ay nasusulat sa Unang Pagbasa, pagiginhawahin ng Panginoon ang iyong buhay, Disyerto na magmimistulang batis, at hindi ka na matatakot anuman ang ibigay ng mundo.

Reply

Jess C. Gregorio December 13, 2023 at 8:03 pm

Pagninilay ni Jess C. Gregorio:

Sinimulan ni San Juan Bautista ang kakaibang pagpapahayag ng Kaharian ng Langit. Ang tahasang pagtutuwid ng daan para sa Manunubos. Kaya siya ang pinakadakila sa lahat ng propeta. Siya lang ang nakakita kay Hesus. Nakapag bautismo sa Panginoon. At naging daan para i-cement ang pananampalataya ni Maria nuong lumundag siya sa sinapupunan ng kanyang inang Elizabeth. Naging daan siya upang magkaroon ng mga unang alagad at taga-sunod si Hesus. Ang kuwento ng pagpapahayag ay tuluyan nang nagbago. Ito ay nagsimula ng tayo ay naging Templo ng Banal na Espiritu. Kaya winika ni Hesus, “Sinasabi ko sa inyo: sa mga isinilang, walang lumilitaw na higit na dakila kay Juan Bautista; ngunit ang pinakaaba sa mga taong pinaghaharian ng Diyos ay dakila kaysa kanya.” Ang pagkakaiba ng mga propeta nuon at ngayon? Mismo ang Espiritu na ng Diyos, ang Kaharian ng Langit sa ating sarili dala ng pagsasalba ng Anak ng Diyos, ang siya nang nagpapahayag sa bawa’t nananampalataya. Lahat ng pinaghaharian ng Ama, Anak, at Espiritu Santo ay propetang mas higit pa kay San Juan Bautista! Kaya nasabi ni San Juan, “He must increase, but I must decrease.” Lahat tayo ay ang “He must increase” na sinasabi niya. Lahat ng binayayaan ng pagtutubos at pagliligtas ni Hesukristo. Pilit na inaagaw ng demonyo ang katotohanang ito. Sila ang mga mararahas. Kaya mayroong pagdududa. Mayroong hindi nakikinig. Mayroong gumugulo sa pagsasabuhay at pagpapaganap ng kalakasang ibinaba ng Kaharian ng Langit sa puso mismo ng bawat isa sa atin na naniniwala kay Hesuskristo. Ang ingay ng sari-saring pagdududa ay nakakabingi. Naririnig pa ba natin ang kapangyarihang nasa atin? O nanghina na tayong tuluyan? Ikaw, ako, tayo, bagama’t pinakaaba sa pinaghaharian ng diyos ay dakila sa lahat ng propeta, mas dakila pa kaysa kay San Juan Bautista! Tayo ang ginagamit ng Banal na Espiritu na daluyan ng Mabuting Balita para ipahayag ang katotohan, gumawa ng mabuti, at magmahal ng walang pamantayan. Nasa atin ang kapangyarihan ni Hesus. Gamitin natin.

Reply

Malou Castaneda December 14, 2023 at 7:26 am

PAGNINILAY
Ano ang kinakailangan upang maging mahusay? Ang tularan ang ating Panginoon. Sino ang pinakamaliit” sa atin? Sino ang pinakamaliit sa ating mundo, bayan, lungsod o pamilya? Talaga bang nakikita natin ang mga taong ito o bahagi lang sila ng karanasan ng ating buhay? Karaniwan, mas komportable para sa atin na ” makita” lamang ang gusto nating makita. Maaaring natural para sa atin na subukan at hadlangan kung ano ang masakit, hindi komportable o
mahirap. Nakikita ni Hesus ang nawawala at ang “pinakamababa.” Hindi lamang Niya nakikita ang mga taong ito, Siya ay matulungin at para sa kanila. Ibinibigay Niya sa kanila ang Kanyang buong atensyon at pangangalaga. Nais ni Hesus na magkaroon tayo ng mga mata at puso na nakakakita sa maliliit, “ang pinakamaliit” sa ating mundo. Nawa’y hanapin natin sila. Nawa’y maging matulungin tayo sa kanila. Nawa’y magsikap tayong abutin at tulungan sila sa anumang paraan. Nawa’y manalangin tayo na magkaroon ng mga mata na tunay na makakita at makakaasikaso sa mga mahihirap, maliliit at pinakamaliit. Nawa’y tularan natin ang ating Panginoon.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming ipahayag ang Ebanghelyo sa mga salita at gawa anuman ang maging halaga. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: