Lunes, Setyembre 25, 2023

September 25, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Diyos Ama upang magdulot sa lahat ng pag-asa at kapayapaan ang liwanag ng kanyang Anak na si Jesu-kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Luwalhatian ka nawa ng aming buhay, O Panginoon.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging isang tulad ng dakilang ilaw na nagliliwanag sa kadiliman sa pamamagitan ng kanilang pagtatatag ng isang higit na mabuting daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y makapagdala ng sinag ng pag-asa sa mga nagdurusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katarungan sa mga inaapi at dangal sa bawat tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y maging tulad ng liwanag sa taluktok ng bundok na gumagabay sa kanilang mga anak sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang huwarang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, ang mga nalulumbay, at ang mga may pusong sawi nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang liwanag, kaligayahan, at kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at kalakasan upang aming maitalaga ang paglilingkod namin sa kapwa at maging ilawan kaming nagliliwanag sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 22, 2019 at 11:21 pm

Pagninilay: Ayon sa Ebanghelyo ni San Juan, isa sa mga 7 pahayag ni Hesus tungkol sa kanyang sarili ay ang “Ilaw ng Sanlibutan”. Ito ay patotoo ni Hesus na ang sinumang sumusunod sa kanya ay hindi malilibot ng kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay. At sabi nga sa simula ng Ebanghelyo ni Juan na ang liwanag ay ang Salitang nagkatawang-tao, na siyang tumutukoy sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayong araw na ito, narinig natin sa Ebanghelyo ang isang parabula ni Hesus tungkol sa ilaw na hindi dapat natatago kapag ito’y sinisindi. Sabi ng Panginoon na wala sinumang tao ang magtataklob ng ilaw sa isang banga o kaya maglalagay nito sa ilalim ng higaan. Sa halip ang tao ay ilalagay ang ilaw sa isang patungan upang ito’y makita ng ibang tao. Dito inihantulad ni Hesus ang buhay ng bawat tao na kailangang makita ng ibang tao ang dala nating ilaw. Ito ay maihahantulad natin sa kanyang pahayag sa Panganagaral sa Bundok noong sinabi niya na ang bawat mabuting gawain natin ay dapat ikinaluluwalhati ng ating Poong Diyos (Cf. Mateo 5:16). Ibig sabihin nito’y kailangan dala natin ang ilaw ng Panginoon tuwing tayo’y gagawa ng mabuti, at wala tayong tinatago na maitim na balak laban sa ating kapwa. Kaya kung tayo ay namumuhay sa liwanag ng Panginoon, nawa’y patuloy tayo lumakad sa landas ng kabutihan upang sundan natin ang Ilaw ng Sanlibutan tungo sa buhay na walang hanggan sa kalangitan. Hayaan natin na ang bawat kabutihan at katuwiran na araw-araw nating ginagawa ay makapagdulot ng mabuting asal sa ibang tao upang makilala pa nila ang Diyos sa kanilang buhay.

Reply

Anddy m. Galazan September 23, 2019 at 6:06 pm

Pag ninilay sa ibanghilyo
Ano nga ang liwanag? na tinutokoy Ng ating panginoon. Anon sa mabuting Balita.
Itoy walang iba kundi ang tinatanggap natin salita ng diyos at napapakingan. Ang nais nang ating panginoon na sa ating pag sasabuhay. Makita nyang ating ibinabahagi sa ating kapwa. O alalaon bagay ipahayag natin sa Doon sa mga taong salat sa buhay.O hindi nakakarating sa simbahan o hindi nakakapag simba. Yon ang tinutokoy ng ating panginoon. Na ang liwanag o ilaw ay ang kanyang mga salita. at ang tanglaw na kanyang tinutokoy ay ang kanyang mga halimbawa.NASA kabila sa sya nga ay diyos. Sya ay nagpakumbaba. Yon din nais nang ating panginoon sa ating. Na sa kabila nang ating karangyaan sa buhay. Gumawa tayo ng paraan na makakarating Doon sa nangangailangan ang kanyang mga salita. Makapag bagu tayo na buhay sa ating kapwa.At ilapit nating sa ating panginoon.At maging ganap na maglilingkod sa diyos at sa ating kapwa.
Para sa akin sa tuwing nagbabasa nang mabuting Balita dito. Ay pag tapos ko.ay akingisini share. Sa aking mga Friends sa FB. More 100 people…
Kaya maraming salamat sa mabuting Balita na aking napgkokunan araw araw. Sa papagitan ng sosyal media ako nakakapag palaganap ng kanyang mga salita o tayong kaya natin gawin ito. God bless you always po

Reply

Reynald Perez September 16, 2021 at 10:47 pm

PAGNINILAY: Ang Diyos ang siyang nagwawasto sa mga nawasak hindi lang ng pisikal na anyo ng mga gusali, kundi pati na rin sa pagkasira ng tiwala ng tao dahil sa kasalananan. Ang Unang Pagbasa ay ang simula ng aklat ni Esdras, na isang punong saserdoteng kinalulugdan ng Diyos. Makikita natin na matapos ang mga ministeryo nina Jeremias, Isaias, Ezekiel, at Daniel sa bayan ng Judang itinapon sa pagkaalipin sa Babilonia, nang sakupin ng mga Persyano ang lupain ng mga mababagsik na taga-Babilonia, nangusap ang Panginoong Diyos kay Haring Ciro Magno, unang hari ng Persya, na pabalikin ang mga anak ni Israel sa Jerusalem upang magsimula muli at maisagawa ang isang templong kalugud-lugod sa kanya. Kaya’t nagsibalikan ang mga tao sa Jerusalem upang magbagong-buhay sila na maging mas matapat pa sa Panginoong Diyos. Sinikap nilang itayo muli ang templo, kaya’t nagbigay ang bawat isa sa mga saserdote ng anumang ari-arian. Makikita natin dito ang isang bagong simula sa mga taga-Juda upang iukit muli ng Diyos ang tipang kanyang ginawa noong panahon ni Moises. Ang tunay na kaganapan ng kanilang pagbabalik ay makikita sa katauhan ni Hesukristo, na nag-alay ng kanyang buhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan at ang karapatang tawaging mga anak ng Kataas-tasang Diyos.

Ayon sa Ebanghelyo ni San Juan, isa sa mga 7 pahayag ni Hesus tungkol sa kanyang sarili ay ang “Ilaw ng Sanlibutan”. Ito ay patotoo ni Hesus na ang sinumang sumusunod sa kanya ay hindi malilibot ng kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay. At sabi nga sa simula ng Ebanghelyo ni Juan na ang liwanag ay ang Salitang nagkatawang-tao, na siyang tumutukoy sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayong araw na ito, narinig natin sa Ebanghelyo ang isang parabula ni Hesus tungkol sa ilaw na hindi dapat natatago kapag ito’y sinisindi. Sabi ng Panginoon na wala sinumang tao ang magtataklob ng ilaw sa isang banga o kaya maglalagay nito sa ilalim ng higaan. Sa halip ang tao ay ilalagay ang ilaw sa isang patungan upang ito’y makita ng ibang tao. Dito inihantulad ni Hesus ang buhay ng bawat tao na kailangang makita ng ibang tao ang dala nating ilaw. Ito ay maihahantulad natin sa kanyang pahayag sa Panganagaral sa Bundok noong sinabi niya na ang bawat mabuting gawain natin ay dapat ikinaluluwalhati ng ating Poong Diyos (Cf. Mateo 5:16). Ibig sabihin nito’y kailangan dala natin ang ilaw ng Panginoon tuwing tayo’y gagawa ng mabuti, at wala tayong tinatago na maitim na balak laban sa ating kapwa. Kaya kung tayo ay namumuhay sa liwanag ng Panginoon, nawa’y patuloy tayo lumakad sa landas ng kabutihan upang sundan natin ang Ilaw ng Sanlibutan tungo sa buhay na walang hanggan sa kalangitan. Hayaan natin na ang bawat kabutihan at katuwiran na araw-araw nating ginagawa ay makapagdulot ng mabuting asal sa ibang tao upang makilala pa nila ang Diyos sa kanilang buhay.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño September 20, 2021 at 9:25 am

“Ber months” ang kasunod nito ay makikita natin ang lansangan at ang buong paligid ng mga ilaw, iba’t ibang kulay ay kumukutikutitap. Paghahanda par sa nalalapit na kapaskuhan, sapagkat ang ilaw na ito ay kumakatawan sa bituin na nagningning nang isilang ang ating Panginoong Hesus. Kaya’t ang ilaw na binabanggit sa ebanghelyo ay walang iba kundi si Hesus, ang kanyang mga Mabuting Balita na hindi kailangang itago bagkus ay nararapat na ilagay sa tamang patungan upang makita ng lahat. Walang ibang dapt gawing batayan at gabay ang tao kundi ang mga Salita ng Diyos, kapag ito ay itinanim natin sa puso natin kailanma’y hinding hindi tayo maliligaw mg landas, at kapag nauunawaan mo na ang mga Salita ng Diyos, sikapin mo ding ipalaganap ang ilaw, magpatotoo ka sa iyong makakasalamuha, ipamahagi ang Mabuting Balita sa paraan na kaya mo. Huwag mong ilagay ito sa ilalim ng lamesa. Tumulong tayo kay Hesus na maghanap ng mga nawawalang tupa. Kung napagbago mo na ang iyong sarili at nagkaroon ng relasyon kay Hesus, maghanap ka nman ng maisasama sa kanyang kawan. Maghanap ka ng kaibigan na nasa kadiliman o nalulugmok sa kasalanan, bitbitin mo sya sa ilaw, sa ilaw na magbibigay ng wagas na kaligayahan, sa ilaw na makapagbibigay ng kapanatagan at kaligtasan…sa ilaw ni Hesus.

Reply

Francis Dela Cruz September 20, 2021 at 9:24 pm

Si Hesus ang nagbibigay ng liwanag sa ating buhay, nagbibigay ng pag asa, biyaya at habag sa kabila ng ating mga kasalanan. Nyayon kung nakikita n natin ang kanyang liwanag, natatamasa na ang kanyang mga biyaya nawa’y matutunan din nating ipamahagi sa ating kapwa. Maging liwanag o biyaya din tayo sa iba tao, huwag sana nating solohin ang ating mga biyayang natatanggap mula sa Panginoon sapagkat sinabi din nya, “Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.” Ibig sabihin kung nasa atin na ang biyaya ng Panginoon lalo pa tayong bibigyan ng biyaya, puspos ng biyaya ang taong nakasumpong na ng liwanag na nagmumula sa Dyos, hindi nauubusan, ngunit wag n wag po tayong maging sakim at aakalaing ang lahat ng biyaya ay para lamang sa ating sarili, ipamahagi ito at maging liwanag din tayo sa ating kapwa. Hindi lamang sa materyal na bagay, kundi maging sa asal, pakikitungo at paggawa ng mabubuting bagay. Yan po ang mensahe ng ebanghelyo. Amen

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: