Linggo, Setyembre 24, 2023

September 24, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (A)
Patnubay sa Misa

Batid nating tayo’y makasalanan at tungkulin nating magpatawad sa mga nagkasala sa atin. Kaya nga, hilingin natin ang biyayang mahabag at magpatawad, tulad ng Diyos. Itugon nati’y:

Mahabaging Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa Simbahang panlahat at lokal: Nawa siya’y maging malinaw na tanda at kasangkapan ng mahabaging pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat nating pinunong espirituwal: Nawa patuloy silang maging inspirasyon namin sa kanilang kagandahang- loob sa lahat ng nagkasala sa kanila. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pambayan at iba pang nanunungkulan: Nawa maging mabuti silang halimbawa sa pakikipagbati at pakikipagtulungan sa kalaban sa pulitika alang-alang sa ikagagaling ng bayan. Manalangin tayo!

Para sa iba’t ibang antas ng lipunan: Nawa sila’ y maging makatarungan sa isa’t isa at magtulungan para sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan at kapayapaan. Manalangin tayo!

Para sa mga naapektuhan ng mga pag-uusig at mga gawa ng mga terorista: Nawa mapatawad nila ang mga may pananagutan sa kanilang sinapit at makatagpo ng katahimikan sa mapagpagaling na pagmamahal ng Diyos. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Manahimk saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, ipagkaloob Mo sa amin ang biyayang maging tanda at kasangkapan ng Iyong mapagpatawad na pagmamahal, at sa gayo’y itaguyod ang kapayapaan ng Kaharian kung saan Ka nabubuhay at naghahari magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 17, 2020 at 12:00 am

PAGNINILAY: Ang Diyos ay tapat sa kanyang mga kalooban. Sa ating Ebanghelyo (Mateo 20:1-16), inihambing ni Hesus ang Kaharian ng Langit sa isang talinghagang isinulat ni Apostol San Mateo sa kanyang aklat. Nais kong bigyang-pansin ang tatlong punto ng talinghaga. Una ay ang pagsisikap. Sa pamamagitan ng talinghagang ito, natuto natin ang pagsisikap at pagmamatiyaga sa ubasan ng Diyos, ang buong sangkatauhan. Kaya bilang mga Kristiyano, tayo’y dapat magtrabaho para maanihin natin ang isang nabubungang prutas. Hindi lamang sa hanapbuhay ng isang tao, kundi pati rin sa paglilingkod at pagmamahal ng isa sa kanyang mga kapwa. Ikalawa ay ang katapatan.

Minsan sa ating buhay, tinatanong natin kung bakit kaunti lamang ang ating tinatanggap pagkatapos ng lahat ng kasipagan at katiyagaang ginawa natin. Ngunit ang tanong ngayon: “Mali ba ang Diyos? Hindi ba sapat ang kanyang mga ibinibigay na biyaya sa atin?” Dapat sa ating buhay, huwag tayo’y magalit o mainis kung maliit lang ang ating tinatanggap. Sapagkat ang Panginoon ay hindi tinitingin ang kahalagan ng kapalaran, kundi ang kapalaran ng Puso bawat isa. Kahit maliit man o malaki ang ibinigay niya sa atin, dapat tanggapin na lang natin ito dahil ang importante ay matapat tayo sa kanya, gaya ng kanyang katapatan sa ating lahat. Ikatlo at huli ay ang pagiging bukas-palad. Dapat matuto tayong magbigay at magbahagi ng ating mga biyaya, katulad ng ginawa ng Panginoong Diyos sa atin. Kaya nga sabi ng simulang linya ng isang panalangin ni San Ignacio ng Loyola: “Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad.” Sa ating paglalakbay sa daang ito, nawa’y matuto tayong magsumikap, maging matapat, at maging bukas-palad para sa pagsasagana ng bunga ng prutas sa ubasan ng Diyos, ang Kaharian ng Langit.

Reply

flor September 22, 2020 at 10:14 pm

Salamat Po Pangioong Hesukristo Tinuruan Po Ninyo Kaming Maging Bukas Palad Sa Mga Taoong Higit Na Nangangailan. Amen

Reply

Emmaus September 20, 2023 at 8:00 am

And aral na makikita natri dito ang ang magandang kalooban ng Diyos Ama. Na binigyan tayo nang pagkakataon para mabuhay, kaya’t ang kagandahang loob ng Diyos ayang tinganan natin.Sapagkat ang lahat ay binigyan ng pagkakataon. Subalit ang ilan sa atin ay hindi nagmamalasakit sa kagandahan loob ng Diyos. Na magpasalamat sa kaloob ng bigay nang Diyos sa atin at sa iba hindi dapat natin ikumpara na ang ating ginagawa ay higit na ipagmalaki at ipagyabang dahil marami tayo nagawa at sila ay kaunti lamang nais ng talinghanga dapat ipagpasalamat ang lahat at huwag nating tingnan at ikumpara nag ginagawa ng iba sa halip magpasalamat at magpakumbaba.

Reply

Bro. NSP September 21, 2023 at 6:47 pm

KAILAN BA NAGING SAPAT ANG IYONG PAG-IBIG?

Noong nakaraang linggo ay natunghayan nating kung paano tayo magpatawad ay gayundin naman tayo patatawarin ng Diyos. Sa linggong ito’y natunghayan naman natin na sapat man o hindi ang ating pagmamahal, MANANATILING LAGING SAPAT AT PANTAY-PANTAY MAGMAHAL ANG DIYOS.

Hindi lahat tayo ay pantay-pantay ang pagmamahal sa Diyos. May mga taong hindi nga nagdarasal hindi ba? May mga katolikong ni hindi man lamang nagsisimba tuwing linggo. Maraming mga taong hindi kumikilala sa Diyos. Hindi lahat tayo sabay-sabay ang pagbabago. May mga taong hanggang ngayon ay nakalulong sa droga, bisyo, korapsyon at iba pang kasamaan. May mga katolikong hanggang ngayon ay kumakalaban sa simbahan. May mga taong nasa ibang relihiyon na pilit naninira ng relihiyon.

Hindi rin lahat ng tao sa mundong ito ay mabuti. Pero napansin mo ba? Bakit sa kabila ng lahat ay sapat pa rin lagi ang pagmamahal ng Diyos sa kanila? Minsan hindi man natin makita sa ating buhay pero laging sapat ang mga biyaya at pagpapalang ibinibigay sa atin ng Diyos kahit hindi man tayo karapat-dapat.

Sana’y hindi natin kainggitan ang mga bagay na mayroon ang ating kapwa. Lagi nawa nating pasalamatan ang Diyos dahil sa hindi man tayo karapat-dapat ay laging pantay ang pagtingin niya sa atin, laging sapat ang pagmamahal niya sa atin, at pinahahalagahan niya ang mga hindi napapansin ng lipunan.

Tayong lahat ay inaanyayahan ng Diyos na maging manggagawa sa kanyang ubasan. Inaanyayahan tayong gumawa ng kabutihan, mamitas at mag-impok ng pagmamahal sapagkat sa dulo ng oras ng buhay na ito iisang pila lamang ang ating patutunguhan, ito ay ang pila patungo sa Diyos. Nawa’y tumanggap din tayo ng iisang gantimpala ng buhay na walang hanggan.

Sabi nga ng yumaong si Mons Vengco, “Ang inihuhuli ng walang pag-ibig, unahin ng may pag-ibig.” Sapagkat hindi man naging sapat ang ating pagmamahal, inuuna tayo ng Diyos sa kanyang biyaya. Ang Diyos ay laging sapat kung magmahal at laging pantay kung magbigay.

(Pagninilay sa ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon | Taon A – Mateo 20, 1-16a)

Reply

Rosar Crisostomo September 25, 2023 at 9:59 pm

https://youtu.be/cFz4FwgDVbA?si=c40bN7vFtOjpJOg_

Nais ko pong ibahagi ang homiliya ni Bishop Ambo David kaugnay sa mga pagbasa sa misa upang makatulong sa pagpapalalim ng ating pag-uunawa sa Mabuting Balita. Salamat po

Reply

Rosar Crisostomo September 25, 2023 at 10:03 pm

How not to think about heaven
A Sunday Homily by Bishop Barron

https://youtu.be/Rbexen7qs90?si=G6M5whI7iPlxFO-4

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: