Martes, Mayo 30, 2023

May 30, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mulat sa panganib ng ating pagtitiwala sa mga layaw ng mundong ito, itinataas natin ang ating mga puso sa maalab na pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ikaw ang lahat-lahat sa amin.

Ang Simbahan sa buong sandaigdigan nawa’y maging matibay at tunay na tanda ng daan tungo sa walang katapusang kaligayahan at buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutong magtiwala sa mga espiritwal na pinahahalagahan na siyang nagpapayaman ng buo nating katauhan at hindi sa mga materyal na kayamanan na nagbibigay ng kawalang kasiyahan sa ating mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y hindi natin isara sa mga nangangailangan, at sa halip maging mulat tayo sa pakiisa sa mga gawain ni Kristo na nagpapagaling at nakapagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y madama nila ang kalinga ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-ibig ng kanilang mga kapitbahay at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tingnan mo nang may habag ang mga nangangailangan. Liwanagan mo ng iyong katotohanan ang aming buhay at bigyan kami ng biyaya na mamuhay ayon sa mataas na pagpapahalaga sa amin ng iyong Anak na si Jesu-Kristo, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 23, 2021 at 2:44 pm

PAGNINILAY: Matapos ang mahabang panahon ng pagdiriwang ng Misteryong Paskwal sa mga Panahon ng Kuwaresma, Banal na Triduo, at Pasko ng Pagkabuhay, muli tayong bumabalik sa kulay na luntian, dahil sa isa na namang mahabang panahon hanggang dulo ng Nobyembre, tayo ay nasa tinatawag nating Karaniwang Panahon. Bagamat karaniwan dahil sa pag-alala sa Ministeryong Pampubliko ng Panginoon, ito ang nagpapakita sa ekstraordinaryong pag-ibig ng Diyos na nagpahayag ng kanyang presensiya sa pamamagitan ng kanyang Anak na nagaral ng Mabuting Balita at gumawa ng mga kababalaghan.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod ng pangyayari matapos ang hamon ni Hesus sa isang mayamang binata na ibenta ang lahat ng ari-arian at sumunod sa kanya upang magkaroon ng kayamanan sa langit. Itong lalaki ay umuwing malungkot dahil hindi niya kanyang ibenta ang lahat ng pinaghirapan niya. Subalit ‘di niya naunawaan ang nais ipahayag ni Hesus, kaya’t sinabi ng Panginoon na mas madali pa pumasok ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa sa mga mayayamang hindi kumikilalang sa Diyos na nagbibigay sa kanila ng kanilang mga ari-arian. Kaya ang tugon ni San Pedro ngayon sa Ebanghelyo ay parang nais niyang patunayan na siya at ang mga kapwa niyang Apostol ay iniwan na ang lahat, at sumunod sa Panginoon. Subalit tugon ni Hesus ay hindi lang iyon ang kanilang gawain. Sila ay inaatasang matuto mula sa Guro at Panginoon nila. At ang handog ni Hesus sa ating lahat ay buhay na walang hanggan, na siyang makakamit kung ang tao ay magsisikap kahit mahirap.

Hindi naman literal na gusto ni Kristo na iwanan natin ang ating mga pamilya. Sa wikang Griyego, ang ginamit na salita ng Panginoon tungkol sa pakikitungo sa mga bagay ay “prayoridad”, na kung saan hinihikayat ni Hesus ang mga tagapakinig niya at alagad na gawing “numero uno” ang Diyos sa ating buhay. At hindi ito awtomatikong mangyayari kung walang partisipasyon bilang ating papel. Kaya ang hamon ng matuwid na lalaking si Sirac sa Unang Pagbasa ay sumunod sa mga utos ng Panginoon dahil ito’y kasingpantay ng pag-aalay ng mga handog noong panahon ng mga Israelita. At ang utos ng Diyos ay magmahal sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pag-iiwas sa masama. Kung ganito ang ating kalakaran mula sa kapakumbabaan ng ating mga puso, makakamit natin ang gantimpala ng buhay na walang hanggan sa kalangitan.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 25, 2021 at 6:14 am

Paano ka maghandog sa Diyos? Ang Diyos ay tumatanggap ng kahit na ano, basta mula sa puso. Kadalasan ang bigay natin sa Diyos ay yung labis lamang. Halimbawa, mas mahal ang ticket sa sinehan kesa limos sa simbahan. Mas mahal ang handog na bulaklak sa nililigawan kesa alay sa simbahan atbp. Ngunit ang Diyos kung maghandog ay lubos, maging Kanyang Anak ay ibinigay sa sanlibutan. Kaya nawa’y masuklian natin ng kabutihan ang bigay sa atin ng Diyos. Ang magsabuhay ng Kanyang salita ay mainam na regalo ng tao. Kaya, ano na nga ba, ang naihandog natin sa Diyos?

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 25, 2021 at 9:42 am

Ang buod ng unang pagbasa ay Umiwas ka sa masama at kalulugdan ka ng Panginoon, ang bawat pangungusap sa unang pagbasa ay hindi ginamitan ng malalalim na talinghaga, napakasarap pagnilayan. Maari mo itong i-copy paste at ishare sa mag GC nyo ng iyong pamilya at mga kaibigan ng sa gayon ay makaisa ka sa pagpapalaganap ng mabuting balita na isa din sa ating mga tungkulin bilang Kristyano.
Ang ebanhelyo ay nakatuon sa generosity at priority. Maging bukas palad tayo lalo na sa mga lubos na nangngailanagan, tumulong ng hindi nagbibilang, magbigay na wag ang sobra mo lang, at kapag naglimos ay wag ng ipagsabi kahit sa matalik mong kaibigan dahil kapag ginawa mo iyon ay tinanggap mo na ang iyong gantimpala ngunit kapag pinaglihim mo iyon, Aang Diyos sa langit ang magbibigay sayo ng gantimpala. Priority sapagkat sinasabi ng ebanghelyo na wag tayong magfocus sa mga materyal o mga bagay dito sa lupa bagkus ay unahin palagi si Hesus at kung ano man ang ibinigay mo ay makaisandaan ang balik nito galing sa langit.

Reply

Ellen Puso Soriano May 30, 2023 at 2:04 am

AMANG NASA LANGIT PINUPURI’T PINASALAMATAN KA NAMIN SA MGA MINSAHI MONG ALAY ARAW2. LALO NA SA ARAW NA ITO. ANG MAGING BUKAS PALAD SA MGA NANGA2ILANGAN. AT PAGSUNOD SAYONG KALOOBAN.. SA IBANGHELYONG AMING NAPAGNILAYAN.. MULA SA ISANG BINATANG MAYAMAN NA NAGNANAIS MAKAPASOK SA KAHARIAN NG LANGIT.. SUBALIT NG MARINIG NIYANG KAILANGAN IPAGBILI NIYA ANG KANYANG KAYAMANAN AT IBAHAGI SA MGA DUKHA UPANG MAGKAROON SIYA NG BUHAY NA WALANG HANGGAN. HINDI NIYA MATANGGAP. BAKIT DAHIL SA SIYAY TANYAG SA MADLA
KADALASAN NAPALAYO ANG TAO SA GRASYA NG DIOS dahil sa posission mga katungkulan sa ibat-ibang kumunidad,o sabihin na natin siya ang source of income sa pamilya na kung kaya pag nagsalita astig very commanded at kapag hindi agad nasunod nagagamit at nanunumbat pa sa mga naitulong.. aminin man o hindi ito ang katutuhanan ayaw nating malamangan gusto laging bida at kapag napagsabihan sa tamang pag-uugali nagagalit at ayaw makinig sabay talikod na may pagkanti na salita.. katulad sa ating ebanghelyo umalis ang binatang mayaman matapos sabihin sa kanya ang katutuhanan. hindi niya matanggap. ganun din tayo.kaya ating idalangin sa2 DIOS na matutu tayong sumunod sa kanyang kalooban at ang handog na nais ng DIOS ay ang katapatan ng ating mga PUSO.handog pasasalamat at papuri sa kanyang banal na pangalan..

manalangin tayo:

lord JESUS patawarin mo po kami kung hindi parin namin natalikuran ang aming mga gawang lihis at paluktot na pag-iisip. mga kasalanang paulit2 .

tulongan mo kaming makapag bagong buhay at matutung sumunod sayong kaluoban..hindi namin kayang gawin ito kung wala ang iyong habag at awa. nanalig kami’y hindi mo bibiguin sapagkat ang sabi mo anuman ang hingin namin sa pawang ikabubuti namin ito’y ipagkaloob mo.. At sa tulong ng INANG Birhen Maria sa kanyang pamamagitan itoy aming makamtan sa ngalan ni JESUS Amen… ???

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: