Lunes, Mayo 1, 2023

May 1, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Ang Panginoon ang Mabuting Pastol na nakakikilala sa mga kabilang sa kanyang kawan sa kani-kanilang pangalan. Ialay natin ang ating mga panalangin sa Diyos na taglay ang pagtitiwala sa kanyang pag-ibig sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Pastol, panatilihin Mo kami
sa iyong pangangalaga.

Ang Santo Papa, ang pastol na hinirang ng Diyos, nawa’y gabayan tayo sa matuwid na daan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mananampalatayang Kristiyano nawa’y maging iisang kawan na nasa pangangalaga ng iisang Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y magkaroon ng buhay at lubos na magkaroon nito sa pamamagitan ng katapatan sa Mabuting Pastol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y magtiwala kay Jesus, ang Mabuting Pastol, na dumating upang iligtas ang mga nawawalang tupa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa pintuan ng kulungan ng mga tupa at magdiwang kasama ng Pastol at bantay ng kanilang mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Amang lubos sa kabutihan, ginagabayan mo kami sa matuwid na daan; ang iyong Anak ay laging nasa aming tabi upang kami ay patnubayan. Bigyan mo kami ng kapanatagan sa pagtugon mo sa aming mga panalangin sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 1 comment… read it below or add one }

Reynald Perez May 2, 2020 at 9:16 pm

Pagninilay: Kahapon ay ipinagdiriwang natin ang Linggo ng Mabuting Pastol. Ngayong araw at bukas, patuloy nating pagninilayan ang diskurso ni Hesus tungkol sa Mabuting Pastol. Narinig natin sa Ebanghelyo kahapon ang larawan ng pinutuan, na siyang pasukan ng mga tupa, at kung sinumang nagtatangkang pumasok para lang mapahamak sa mga tupa ay itinuturing na magnanakaw at tulisan. Ang kulungan ng mga tupa ay sumasagisag sa Simbahan na kung saan tayong mga kawan ay inaakay ng Mabuting Pastol patungo sa ating buhay-paglalakbay sa pamamagitan ng mga pastol na namumuno at naglilingkod sa ating mga komunidad [Santo Papa, mga Obispo, at mga Pari]. Ngayong araw naman, narinig natin sa Ebanghelyo ang paghihintulad ni Hesus sa kanyang sarili bilang Mabuting Pastol. Ang kanyang tungkulin ay ang pag-aakay sa mga tupa at pag-aalay ng buhay upang manaig ang kabutihan para sa nakakarami. Ang pagiging “mabuti” ay magkaiba doon sa “mabait”. Ang pagiging mabait ay parang hindi tayo gagawa ng masama, bagkus ay magiging masunurin. Samantala ang pagiging mabuti ay mas malalim sapagkat kung hindi tayo gagawa ng masama bagkus ay magiging masunurin, sisikapin din natin na gawin ang lahat para sa magandang kapakanan ng nakakarami. Ganito ang paglalarawan kay Hesus bilang Mabuting Pastol dahil ang kanyang pangangaral at kababalaghan ay para sa ikauunlad ng relasyon ng tao tungo sa Diyos Ama. At sa bandang huli ay inialay niya ang kanyang buhay sa Krus upang mapawalang-sala tayo. At bilang katibayan ng kanyang ginawang niyang pag-uunay sa atin tungo sa Ama, siya’y nabuhay na mag-uli upang magkaroon tayo ng bagong buhay. Kaya ang ating buhay dito sa daigdig ay isang biyaya mula sa Diyos, at hindi kailanma’y dapat inaangkin natin ito. Sa huli, ang Panginoon ay may karapatang bawiin ang ating buhay. At ang paghahatol ay nakabatay sa pag-ibig na ating ipinadama dito sa lupang ito. Ang paghahari ng Diyos ay puno ng pagmamahal, kaya ang panawagan sa atin ay gawing makabuluhan ang ating buhay-pagklalakbay upang lumago pa ang kaharian ng ating Poong Maykapal. At katulad ni Hesus na Mabuting Pastol, nawa’y sikapin nating maging mabuti sa pamantayan ng ating Diyos at ipadama ang kanyang kabutihan sa ating kapwa.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: