Lunes, Abril 3, 2023

April 3, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Lunes Santo

Sa kabutihang-loob ni Jesus, inaanyayahan tayo na lumapit sa kanya nang buong pagpapakumbaba para sa kapatawaran ng ating mga kasalanan. Nakatitiyak tayo sa kanyang habag kaya’t idulog natin sa kanya ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging tagapagligtas, basbasan Mo kami.

Ang mga nagdurusa at nagdadala ng mabibigat na pasanin sa buhay nawa’y humarap sa mga pagsubok nang may pagtitiyaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga bilanggo nawa’y magkaroon ng kaginhawahan ng loob na siyang hatid ng espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magbigay ng tulong sa mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makakuha ng tapang at lakas mula sa krus ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naunang lumisan sa buhay na ito nawa’y magpahingalay sa kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, isinugo mo sa amin ang iyong Anak sa isang misyon dahil sa iyong habag sa sangkatauhan. Ipagkaloob mo na sa pamamagitan ng kanyang presensya sa aming buhay, lagi kaming paginhawahin ng kanyang kabutihang-loob at lakas. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez April 5, 2020 at 2:50 pm

Pagninilay: Tayo ngayon ay nasa pinakataimtim na pagdiriwang ng buong mundo, ang Semana Santa. At pagninilayan natin ang mga pinagdaanan ng ating Panginoong Hesukristo alinsunod sa dakilang kalooban ng ating Diyos Ama upang tayo ay maligtas at mabilang sa kanyang mga kinalulugdan. Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang pinakuna sa mga apat na orakulo ni Isaias tungkol sa Lingkod ng Panginoong Diyos. Dito isinasalaysay ang magiging misyon at papel ng lingkod sa sangkatauhan. Itong lingkod na ito ay itinuturing na masunurin sa Diyos, matuwid ang pagmumuhay, at mahabagin sa pangangailangan ng mga tao. Ang Lingkod ng Diyos ay natutupad sa Bagong Tipan bilang Anak ng Ama, na si Hesus. Kaya nga sa kanyang pamumuhay, naging masunurin sa dakilang kalooban si Kristo kahit siya’y Diyos na totoo. Ipinangaral niya ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos na narito na, subalit ating pang kakamit sa kabilang banda ng buhay. Siya rin ay gumawa ng mga kababalaghan dahil sa kanyang awa, habag, at malasakit sa mga nangangailangan, kapwa pisikal at espirituwal. Noong isang Linggo [Marso 29], narinig natin kung paano niyang binuhay ang kanyang kaibigang si Lazaro mula sa kamatayan. At narinig natin sa Ebanghelyo ngayon ang isang pasasalamat sa Betania dahil sa dakilang kababalaghang iyon. Si Marta ay naghanda ng mga pagkain. Samantala si Maria naman ay kinuha ang kanyang ginastos na mamahaling pabango, at binuhos ito sa mga paa ni Hesus. At umamoy ng halimuyak ng pabango sa buong bahay. Subalit nakita natin kung paanong tinuligsa ni Hudas Escariote ang ginawa ni Maria. Pilit na binibigay-katwiran na ang perang ginamit sa pagbili ng pabango ay dapat ibinigay na lamang sa mga mahihirap. Subalit binanggit dito ni San Juan na sinabi ito ni Hudas dahil siya’y isang magnanakaw, at malakas ang pagkupit niya sa mga salapi. Kaya sinagot siya ni Hesus na hayaan ang anumang ginagawa ni Maria bilang paghahanda sa paglilibing sa Hari ng sanlibutan. Ayon kina San Mateo at San Marcos, ang sinabi ni Hesus ay ang kwento ng ginawa ni Maria ay magiging alaala sa mabubuting gawaing iyon kung saan ipapahayag ang Mabuting Balita. Ang utang na loob ni Maria ay isang paraan ng pagtanggap sa Panginoon ng kanyang buhay. Ngunit ang pagtanggi ni Hudas sa ginawa ni Maria ay isang paraan na may hinanakit siya kay Hesus. Siguro ang tingin ni Hudas ay dapat si Hesus ay Mesiyas para sa mga mangangaral, mayayaman, at makapangyarihan, kaya siguro binanggit niya ang mga dukha na dapat bigyan ng pera imbes na gastusin sa pambili ng mamahaling pabango. Maraming beses sa buhay natin na kapiling natin ang Diyos bagamat ‘di natin siya nakikita. Subalit sa mga panahon ng pagdurusa at pagsubok, minsan may mga taong sinusumbatan ang Diyos dahil tingin nila’y hinayaan niyang mangyari ang mga bagay na ito. Ngayong Semana Santa, nawa’y ito’y maging pagkakataon na kilalanin pa natin ang Panginoon sa ating buhay sa kabila ng ating mga pinagdadaanan sa buhay, lalung-lalo itong malaking pagsubok na nararanasan ng buong daigdig. Nawa’y matuto tayo sa kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay sa Krus na maging matiyaga nang may mabuting hangarin sa kapwa upang makamit natin ang kaginhawaan ng kanyang Muling Pagkabuhay.

Reply

SAINTSPOT April 3, 2023 at 5:43 am

Please LIKE & SHARE.
“SAINTSPOT” on Youtube & Facebook
https://youtu.be/w9bJWlSuosI

GOSPEL REFLECTION: Juan 12, 1-11
Anim na araw bago ipinako si Hesus sa krus, kinutya ni Hudas Isacariote ang ginawang kabutihan ni Maria kay Hesus. Nag-alok si Maria ng isang debosyon na gawa para kay Hesus nang pahiran niya Siya ng “isang litro ng mamahaling pabangong langis.” Nagawa ni Maria ito sa sobrang pasasalamat at pagmamahal niya kay Hesus. Ito’y nangyari matapos na buhayin ni Hesus si Lazaro. Sinaway ni Jesus si Hudas at ipinagtanggol ang gawang debosyon na ibinigay ni Maria.

Bagama’t pinaglilingkuran natin si Kristo sa ibang nangangailangan, dapat din nating hangarin na regular na mag-alay sa Kanya ng ating debosyon at pagmamahal.

Pag-isipan, ngayon, ang mga paraan kung saan mo matutularan ang gawang ito ng mapagmahal na debosyon na inialay ni Maria kay Hesus. Maibibigay mo ba ang iyong oras, pera, talento, at lakas sa ating Panginoon? Paano mo maipapahayag ang iyong debosyon sa Kanya ngayong Semana Santa?

Panginoong Hesus, Ikaw ay karapat-dapat sa lahat ng papuri at parangal. Karapat-dapat lang na ibigay ko ang pinakamalalim na debosyon at pagmamahal. Sa panahon ng mahal na mahal na araw, idinadalangin ko na ito ay panahon kung saan maipahahayag ko ang aking malalim na pagmamahal sa Iyo. Tulungan mo akong ibuhos ang pag-ibig na iyon nang sagana upang maipakita sa Iyo ang kaluwalhatian at papuri na nararapat sa Iyo. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: