Martes, Pebrero 28, 2023

February 28, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Martes

Sinabi sa atin ni Jesus na maaari nating tawagin ang Diyos bilang ating Ama, kaya’t taglay ang matibay na pag-asa, idulog natin sa kanyang harapan ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang Simbahan sa buong mundo nawa’y laging magpahayag ng matibay na pagtitiwala sa pagdating ng Kaharian ng Ama — isang kaharian ng pag-ibig, katarungan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa kabila ng mga kahirapan ng buhay, tayo nawa’y manatiling nananalangin at hindi magpadarang sa tukso, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng sapat na kakanin para sa ating mga pangangailangan sa araw-araw at ng kadakilaan ng puso upang patawarin ang ating mga kaaway, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at maging ang mga nangangalaga sa kanila nawa’y makatagpo ang Diyos sa kanilang pagpapakasakit araw-araw, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na, ay makaharap nawa ang Diyos sa kanyang tahanang walang hanggang, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, nagpapasalamat kami sa iyo sa pagdinig mo sa aming mga kahilingan. Tulungan mo kaming laging magtiwala sa iyong pag-ibig at tanggapin ang iyong kalooban sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 5 comments… read them below or add one }

Barbara silvia March 3, 2020 at 7:07 am

Patawarin mo po kami sa aming kasalanan at lagi mo po kaming iligtas sa ano pa mang kapahamakan at sa lahat ng masama . Sapagkat sa iyo ang kaharian,kapangyarihan at kapurihan mag pa sa walang hanggan. Amen.

Reply

Reynald David Perez February 25, 2023 at 12:02 pm

PAGNINILAY: Isang gawain na ipinapaalala sa atin ngayong Kuwaresma ay ang Panalangin. Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin.

At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication.

Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit.

Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ayon kay Propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay katulad ng pagkakaroon ng mga kasaganaan ng iba’t ibang panahon sa ating klima. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.

Reply

I Raphael March 3, 2023 at 1:15 am

Hello po, Salamat po.

Reply

Lilian M. Saltore February 28, 2023 at 7:46 am

Pinupuri ka nami
n Panginoong
HesuKristo.

Reply

SAINTSPOT February 28, 2023 at 8:08 pm

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube

Ano sa palagay mo kapatid? pag-aawayan pa ba nating mga Kristiyano ang simpleng sagot?

Sa ebanghelyo ngayon, maririnig natin na umalis si Hesus para magdamag na manalangin. Di bat napakahaba yata ng kanyang dasal? binigyan niya tayo ng isang halimbawa na pwede nating tularan. At hindi lang iyon, tinuruan din tayo kung ano ang inaasahan niyang laman sa ating mga panalangin. Sigurado namang alam niya ang ating mga pangangailangan bago pa tayo nagdasal pero parang gusto ni Lord na makita kung alin ang mahalaga sa iyo at kung sino siya para sayo.

Una, dapat purihin natin muna ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, magpasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Dahil sa ating mga kasalanan, nararapat lamang na aminin at humihingi ng kapatawaran sa kanya at kung napatawad niya tayo e dapat marunong din tayong magpatawad. At sa huli, tsaka lang tayo humiling lalo na ang patnubay niya sa atin at sa bang tao.

Matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami silang sinasabi at paulit-ulit na walang kabuluhan, ibig sabihin wala sa puso.

Ang tunay na panalangin ay dapat nagmumula sa ating mga puso at ito’y mabisa na tayo ay nababago nito. Ang haba ng dasal ay nakadepende sa relasyon mo sa Diyos. Kung close kayo ni Lord at mahal mo siya, siguradong hindi ka magsasawa na kausapin at pakinggan siya.

Inirerekomenda ni San Ignatius ng Loyola na pagnilayan ang bawat salita sa ating mga panalangin. Dapat ninanamnam, nauunawaan, nararamdaman at napapalalim ang ating pagmamahal sa Diyos.

Manalangin tayo.
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: