Linggo, Pebrero 26, 2023

February 26, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Patnubay sa Misa

Alinsunod sa diwa ng Panahon ng Kuwaresma, idulog natin nang buong pagtitiwala ang mga pangangailangan ng sangkatauhan, ng ating pamayanan, at ng ating sari-sarili. Manalangin tayo:

Panginoon, gawin Mo kaming masunurin sa Iyo!

Para sa Simbahan, ang pama- yanan ng lahat ng sumasampalataya: Nawa lagi niyang mapagtagumpayan ang tuksong maghangad ng kapangyarihan, kayamanan, at karangalan, at sa halip ay manatiling tapat, gaya ni Hesus, sa plano ng Diyos para sa kanya. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa, ating Obispo, at lahat nating pinunong espirituwal: Nawa buong loob nilang ipahayag ang mga kahingian ng salita ng Diyos at pasiglahin tayo ng kanilang ulirang pamumuhay. Manalangin tayo!

Para sa mga migranteng Pilipino at lahat ng iba pang migrante sa buong mundo: Nawa manatili silang tapat sa kanilang paninindigang moral at pananampalatayang Katoliko, sa kabila ng kakulangan ng tulong na dating ipinagkakaloob sa kanila ng kani-kanilang sariling bayan. Manalangin tayo!

Para sa mga pamilya ng mga migrante: Nawa matiis nila ang hirap ng kanilang pagkawalay sa kanilang mga kamag-anak at pasiglahin sila ng pananalig at pag-asang balang araw ay makakapiling nilang muli ang kanilang mga mahal sa buhay. Manalangin tayo!

Para sa ating pamayanan sa parokya, ating mga pamilya, at bawat isa sa atin: Nawa sa panahong ito ng Kuwaresma, lagi tayong maging handang sumunod sa kalooban ng Diyos, nang di napadadaig sa tukso, gaano man ito kaakit-akit. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Panginoon naming Diyos, salamat sa pagkakaloob Mo sa aming simulan ang panahong ito ng Kuwaresma sa pamamagitan ng salaysay tungkol sa pagtatagumpay ni Hesus kay Satanas. Patnubayan Mo kami, Panginoon, at lahat ng mga migrante, at ipagtanggol kami ng Iyong masuyong kalinga, sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 22, 2020 at 6:25 pm

Pagninilay; Sinimulan natin noong Miyerkules ng Abo ang Panahon ng Kuwaresma sa pagpapahid ng abo sa ating mga noo. Natunghayan natin na ang mga abong iyon ay simbolo ng ating pagkatao na may hangganan ang ating buhay, subalit may buhay na walang hanggan kung tayo ay tunay na nagsisisi at nagbabalik-loob sa Panginoon. Ngayong Unang Linggo ng Kuwaresma, palagi nating naririnig sa Ebanghelyo ang salaysay ng Pagtukso ng Diyablo sa ating Panginoong Hesukristo (Taon A ayon kay San Mateo). Matandaan natin na matapos binyagan si Hesus sa Ilog Jordan, siya’y dinala ng Espiritu patungo ng disyerto. Dito siya’y nag-ayuno sa loob ng 40 araw at gabi hanggang sa punto na siya’y nagugutom. Kaya lumapit ang Diyablo sa kanya at nag-alok ng 3 tukso. Una ay ang tukso ng kasiyahan sa paghiling ng Diyablo na gawin ni Hesus ang mga bato para maging tinapay. Subalit ang tugon ng Panginoon ay hindi nabubuhay ang tao sa tinapay lamang. Ikalawa ay ang tukso ng kayabangan sa pagpapamana ng Diyablo ng lahat ng kaharian kung si Hesus ay magpapatirapa at sasamba. Subalit ang tugon naman diyan ng Panginoon ay ang Diyos Ama ang tanging dapat sambahin. At ang ikatlo ay ang tukso ng kapangyarihan na nais ng Diyablo ipagtihulog ni Hesus ang kanyang sarili upang sasagipin daw kamo siya ng mga anghel. Subalit sa huling pagkakataon ay tugon ng Panginoon ay hindi pwedeng subukin ang Diyos Ama. Kaya natalo ang Diyablo, at si Hesus ay pinangalagaan ng mga anghel. Makikita natin sa 40 araw na pag-aayuno ni Hesus sa disyerto ang pakikiisa niya sa ating pagkatao bagamat siya rin ay may kalagayan na pagka-Diyos. Subalit ginawa ito upang iako ang ating pagkatao patungo sa Diyos. Siya ay ang bagong Adan na hindi katulad ng unang Adan na nagsuway sa utos ng Panginoong Diyos, siya naman ay naging masunurin sa dakilang kalooban hanggang sa kanyang kamatayan sa Krus. Tinuro niya tayo na labanan natin ang mga tukso ng buhay. Ang tukso ay hindi pa kasalanan, subalit kung tayo ay magbibigay rito, iyan ay isang ganap na pagkakasala. Kaya ang Panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapanibago ng ating kalooban upang mas maging matatag ang ating relasyon sa Diyos at kapwa-tao. Patuloy tayo sa paggawa ng kabutihan at nawa’y talikdan natin ang mga masasamang gawain.

Reply

SUSAN YBANEZ DUQUE February 23, 2023 at 7:59 am

Thank you for your unselfish support by updating us the Word of God . I am one of the members of a choir group in Zambales and i it is always a big help for me having a guide on what will be my Mass songs every Sunday by reading the Gospel in advance.,

Thank you very much and may God bless you more .

Reply

Awit at Papuri Communications February 24, 2023 at 6:57 am

God bless you and your ministry.

Reply

Rino Dabu February 25, 2023 at 10:05 am

sana meron din pong mga suggestion na kanta na pwedeng awitin na angkop sa mga pagbasa at ebanghelyo po.

Reply

Awit at Papuri Communications February 25, 2023 at 3:16 pm

Maraming salamat po sa inyong pagbabahagi! God bless you!

Reply

CHRISTOPHER LOPEZ CAJEGAS February 26, 2023 at 6:11 am

Thank you very much po.
Malaking tulong po Yung ginagawa ninyong way para mapaabot sa mga Kapatid natin sa Pananampalataya. I am from Palawan as Lay Minister

Reply

Coney P.Cabalagnan February 26, 2023 at 7:30 am

maraming salamat sa pagbabahagi ng Linggohang pagbasa ng Ebangheyo, ibinabahagi ko po din ito sa aming group prayer tuwing umaga araw araw. maraming salamat po uli. pagpalain po nawa tayo ng ating Panginoong Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: