Lunes, Pebrero 6, 2023

February 6, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Ama na nagnanais na gumaling ang lahat. Hindi niya itinataboy ang sinumang nangangailangang dumudulog sa kanya.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na Tagapagpagaling, mahabag kayo sa lahat.

Bilang Simbahan nawa’y huwag nating isarado ang ating mga puso sa pangangailangan ng ating kapwa, bagkus ibahagi natin ang pag-ibig ng Diyos sa kaninuman, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y kumilos para sa katarungan at para sa dangal ng tao lalo na sa mga taong hindi binibigyang-pansin ng lipunan, kasama na ang mga mahihina at mga dukha, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga komunidad nawa’y maging matulungin at maitaas ang bawat isa na mayroong pag-ibig at malasakit tulad ng ipinakita sa atin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit sa isip, katawan, at diwa nawa’y makatagpo ng ganap na kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin at aming mga puso at gawin mo kaming laging handa upang tanggapin at mahalin ang nangangailangan naming mga kapatid sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 6 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 10, 2019 at 7:42 pm

Reflection: The Readings proclaim about the good works of the Lord. The First Reading is quite familiar to us because it begins the story of God’s plan of salvation narrated in the Sacred Scriptures, which is the account of Creation. The passage for today narrates how God spoke light to permeate the darkness that covered the earth, then he created the sky, vegetation, and celestial bodies (sun, moon, stars, etc.) for the first four days. This shows the great power of his handiwork, that everything he has made is good, and also the power of his Word. The Gospel also tells us of God’s goodness revealed in our Lord Jesus Christ, the Word made flesh. Christ and his disciples arrived at Gennesaret on boat, and a land large crowds recognized and approached him, accompanying with them those they intended for him to heal. Even as he passed by villages, people would place sick people on the roadsides in order that he may touch them, even if it’s not direct but through his cloak. What prompted Jesus is his tender and pitiful heart to restore the health of the afflicted physically and spiritually. The good works of the Lord have been revealed in Sacred Scripture, and they continue to occur in the everyday circumstances of life, whether ordinary or extraordinary. They are now visibly seen in the people who devote themselves in becoming good and performing acts of charity towards others. May we also have the same attitude and example as we honor the great love and mercy of our God.

Reply

Reynald Perez February 7, 2021 at 1:31 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ngayon ay nagsisimula sa buong Kasulatan, ang pagsisimula ng plano ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang paglikha sa sangkatauhan. Makikita natin dito na ang Panginoon ay gumagawa ng kabutihan, at gayun na lamang nang lalangin niya ang mundo. Lahat ng bagay na kanyang nilikha ay may kaayusan at kabutihang-loob. At makikita natin na nagsimula ang kwento ng paglikha sa pamamagitan ng liwanag na nagniningning sa dilim. Ang ilaw na ito ay simbolo ng liwanag ng Diyos sa buhay ng kanyang nilalang. At ayon sa teolohiya, ang liwanag na ito ay naging Salita na kapiling ng Diyos, at ito ay Diyos mismo. Kaya sinabi ni San Juan na ang Salitang ito ay nagkatawang-tao sa katauhan ng ating Panginoong Hesukristo. At ang lahat ng nilikha ng Diyos na mabuti ay nangyari sa pamamagitan ng kanyang Anak.

Ang ating Ebanghelyo ay ang iba’t ibang pagpapagaling ng ating Panginoong Hesus sa bayan ng Genesaret. Anumang uri ng sakit o kaya anumang kahilingan ng tao ay tinutugon ni Hesus ang mga ito. Bagamat siya ay may likas ng Diyos, nagpakababa siya upang maranasan at damayan ang abang pagkatao natin (maliban sa pagkakasala). Ito’y nagpapatunay sa gawain ng Diyos na umaabot ng kamay at puso sa bawat tao, lalung-lalo na sa mga nangangailangan. At kahit sikat ang Panginoon sa bawat bayan at nayon ng Israel at Palestina, siya ay patuloy na naging mapagkumbaba sapagkat ang mahalaga sa kanya ay ang pagtupad ng kalooban ng Diyos Ama. Gayundin tayo’y tinatawag upang maging mga instrumento ng pagpapagaling ng Panginoon hindi lang sa pisikal na anyo, kundi pati na rin sa mga espirituwal at emosyonal na lunas upang tulungan ang mga taong naghihirap sa buhay at nabibigatan ng maraming pasan.

Reply

Gideon Torres February 8, 2021 at 8:21 am

Sa kwento ng paglikha ay ipinadama ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa atin sa aking pagkakaintindi ang wangis ng Diyos ay makikita o masisilayan sa kabuuan ng kanyang nilikha ang ari lang ang syang sumisira ng kagandahan ng nilikha ng Diyos pilit nating binabago ang likha ng kanyang mga kamay kung kaya’t nararanasan natin ang pagkawala ng balanse ng mundo napapansin ntin ang matinding init ng araw at malalakas na bagyo isama pa natin nag pagputok ng bulkan at ang lindol,marahil mga kapatid isang paalala ito ng Diyos na dapat nating pangalagaan ang inang Kalikasan. Isang makakalikasang pagbati sa lahat at magandang umaga. Amen

Reply

SAINTSPOT February 6, 2023 at 5:12 am

PLEASE SHARE AND SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube at https://www.youtube.com/channel/UC7bVDdPjTDw0qn3ci2uIngQ

“…at isinasamo sa kanya na pahipuin sila kahit man lang sa palawit ng kanyang kasuutan. At lahat ng makahipo nito ay gumagaling.”
kung ikaw ay may malubhang karamdaman o may taning na sa buhay at bibigyan ka ng pagpipilian, alin ang pipiliin mo, ang pisikal ba na kagalingan o ang espirituwal na kagalingan para sa kapatawaran ng iyong mga kasalanan? alin ang mas mahalaga na sayo?

Noong panahon ni Hesus, ang mga tao ay sadyang lumalapit sa kanya dahil sa pisikal na kagalingan. Ang mga malubhang sakit noon at nakakabahala ngunit hindi kagaya ngayon na sa tulong ng siensya at mga magagaling na dalubhasa sa medical ay malaking kabawasan sa pag-aalala. Kaya’t noong panahon ni Hesus ay kahit mahawakan lang ang laylayan ng kanyang damit ay gumagaling.

Lingid sa kaalaman ng mga tao, si Hesus ay nagpapagaling sa pisikal ngunit sa pangunahing layunin na ihanda sila na makinig sa Kanyang Salita upang sa huli ay makatanggap sila ng espirituwal na kagalingan, ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.

Pagnilayan, ngayon, ang hangarin sa iyong puso na lumapit sa ating Panginoon para sa mga espirituwal na pagpapagaling na lubhang kailangan ng iyong kaluluwa. Eto dapat ang pangunahing kahilingan na kagalingan sa Diyos dahil dito dadaloy ang Pisikal na kagalingan. Ano pa ang hinihintay mo? Baka Kailangan mo ng mangumpisal.

Diyos ng kagalingan, nagpapasalamat ako sa espirituwal na pagpapagaling na patuloy kong natatanggan mula sa iyo, lalo na sa tuwing ako ay nangungumpisal sayo. Nagpapasalamat ako sa kapatawaran ng aking mga kasalanan. Nawa Punuin mo lagi ang aking puso upang naisin ang lumapit sa Iyo upang matanggap ang pinakadakilang regalo: ang kapatawaran sa aking mga kasalanan. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Lilian M. Saltore February 6, 2023 at 8:16 am

Pnupuri ka namin Panginoong HesuKristo.

Reply

Rene Reyes February 6, 2023 at 10:16 am

Mas mahalaga ang spiritual na kagalingan at pag-papabanal para makasama sa kaharian ng Diyos. Ang payo po ng amimg Parish Priest ay manumpisal buwan-buwan para laging handa ang ating laluluwa. Parangal at papuri sa ating Diyos na makapanyarihan at mapagmahal!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: