Linggo, Pebrero 27, 2022

February 27, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Habang tayo’y nagtitipon palibot sa hapag ng Panginoon upang ipagdiwang ang kanyang pag-ibig para sa atin at ilahad sa kanya ang ating mga pagsumamo, paratingin natin ang ating malasakit sa mga pangangailangan ng buong sangkatauhan at manalangin:

Panginoon, dinggin mo kami!

Para sa buong Simbahan: Nawa’y ipahayag niya ang Salita ng Diyos sa buong kadalisayan nito at ipakita sa mundo ang mga bunga ng kabanalan, paglimot sa sarili at bukas-palad na pakikiisa sa mahihina at nangangailangan. Manalangin tayo!

Para sa mga may tungkuling espirituwal at moral na gabayan ang iba: Nawa’y mamuno sila sa pamamagitan ng halimbawa at gawin ang kanilang makakaya upang alisin ang mga pansariling kapintasan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng mga magulang at tagapagturo: Nawa’y higit nilang mabatid ang pangangailangang sila’y maging mga inspirasyon sa kanilang mga anak at mag-aaral. Manalangin tayo!

Para sa mga biktima ng krisis na dinanas ng ating bansa, lalo na ang mga nawalan ng trabaho ngayong panahon ng pandemya: Nawa ang pakikiisa ng mas mayayamang kasapi ng sambayanan ay tumulong sa kanila habang tinatahak natin ang mahabang landas patungo sa pagbuti ng kalagayan ng bawat isa. Manalangin tayo!

Para sa mga nagtalagang dalhin ang bansa palabas sa kasalukuyang krisis na pangkabuhayan at moral: Nawa’y palakasin sila ng Panginoon sa kanilang paninindigan at gantimpalaan ng tagumpay ang kanilang mga pagpupunyagi. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga sariling kahilingan. (Tumigil saglit.)
Manalangin tayo!

Panginoon ng lahat ng pag-asa, ilapit mo kami sa iyo habang kami’y nagsisikap na tumugon sa iyong tawag at magbunga ng katapatan at kabutihang-loob sa mga karaniwang pangyayari sa aming mga buhay. Ikaw na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 13 comments… read them below or add one }

M.U. Francisco February 28, 2019 at 9:33 pm

Ang ating mga pagbasa sa Ikawalong linggo ng karaniwang panahon ay nagbukas kung ano ang ating ipinagdiriwang. Ang banal na Eukaristiya ay isang pasasalamat sa lahat ng ating mga natanngap at matatanggap lalo na ngayong unang linggo ng Marso. Ang pasasalamat ay hindi lamang sa mga bagay-bagay na dumarating sa ating buhay’ mula sa unang pagbasa hanggang sa ating Ebanghelyo tayo ay hinahamon na magpasalamat tayo dahil tinutulungan tayo ng ating Simbahan na makita natin ang ating sarili, malaman natin kung sino tayo at mapakilos tayo na magbago kung saan papasok tayo sa panahon ng Kuaresma na magsisimula sa araw ng Miyerkules.

Sa ating Ebanghelyo ayon kay San Lukas, napakaganda ng kanyang paglalarawan patungkol kung papaano natin lalong makikilala ang ating sarili.

Una, “Maaari bang maging tagaakay ng bulag ang isa ring bulag? Kapwa sila mahuhulog sa hukay kapag ginawa ang gayun. “ Bilang mga tagasunod ni Kristo, tayo’y kanyang hinahamon na kilalanin nating mabuti ang ating sarili, kilalanin natin ang ating mga nakakasama dahil kung ito’y nagpapalayo sa ating relasyon sa ating Panginoon tayo’y walang mapupuntahan. Ang pagiging bulag sa sarili at pagiging bulag sa labas ay isang kadiliman na kailangan nating kumawala sapagkat tayo ay walang magagawa at hindi natin maihahatid ang ibang tao kay Kristo. Ano ang dapat nating gawin? Alisin mo muna ang tahila sa iyong mata, at makakikita kang mabuti; sa gayo’y maaalis mo ang puwing ng iyong kapatid.” Sinasabi sa atin na una muna tayong tumingin sa ating sarili, tanggapin na tayo’y hindi perpekto at mahina bago natin itama ang kamalian ng iba.

Ikalawa, “Walang mabuting punongkahoy na namumunga ng masama, at walang masamang punongkahoy na namumunga ng mabuti. Nakikilala ang bawat punongkahay sa pamamagitan ng kanyang bunga.” Ipinapaliwanag sa atin na ang ating mga gawa ay sumasalamin kung paano natin binubuksan ang ating sarili sa ibang tao. Kung ang ating panalangin at gawa ay nagtutugma sa kabutihan tayo ay na kay Kristo; kung ang resulta ay masama tayo ay nasa masama.

Sa ating pagdiriwang, tayo ay hinahanda na aminin natin ang ating mga pagkakasala ng sabay-sabay upang maging totoo tayo sa ating pananamapalataya na namatay si Kristo, nabuhay si Kristo at babalik sa Kristo sa takdang panahon na ating inaantay at pinapasalamat dahil alam natin na ang pangako sa atin ng Panginoon ay matutupad. Amen.

Reply

Reynald Perez February 17, 2022 at 2:18 pm

PAGNINILAY: Tayong lahat ay tinatawag na mga Kristiyano dahil sa ating pag-ibig sa isa’t isa. At ang pag-ibig na ito ay kinakailangang maging katulad ng pagmamahal sa atin ng Diyos. Kaya sa ating buhay, ang hamon sa atin kung paano mananaig ang kabutihan sa pamamagitan ng pag-ibig.

Noong nakaraang Linggo, narinig natin ang kahalagahan ng pagiging Kristiyano sa pagmamahalan kahit ang ating mga kaaway. Ngayon ang ating Ebanghelyo ay isang paanyaya na magkaroon ng bukas na isip tungo sa ating relasyon sa ibang tao. Kaya si Hesus ay ipinaalala na tanggalin muna ang puwing sa ating mga mata bago nating tanggalin ang puwing sa mata ng ating kapwa. Ibig sabihin nito na bago nating hatulan ang isang tao, suriin muna ang ating sarili kung tayo nga ba ay matuwid. At tayo ay tinatawag na magmunga nang masagana katulad ng isang puno na may mabungang prutas. Kung hahayaan natin manaig ang kagandahang-loob ng Diyos sa ating buhay, iyan ang magsisilbing batayan ng ating pagmamahal sa kanya at sa ating kapwa.

Ang Unang Pagbasa ay isang paglalarawan ni Sirac sa buhay ng tao bilang isang pagsubok. Sa kabila ng lahat ng ating mga pinagdaraanan sa buhay, patuloy tayong naging matatag sa ating pananamapalataya sa Panginoon. Kaya patuloy tayo sa paggawa ng kabutihan sa kanya at sa ating kapwa. At ang Ikalawang Pagbasa ay isang magandang pahayag tungkol sa Muling Pagkabuhay ng ating Panginoon. Ito ay isang tanda na si Kristo ay nagtagumpay laban sa kamatayan.

Kaya tayong lahat ay makakamit ng buhay nang walang hanggan kung tayo’y magiging matapat sa kanyang dakilang kalooban. At kasama na dito ay ang pakikipagrelasyon natin sa ating kapwa-tao, lalung-lalo na sa ating mga kaaway.

Reply

Veronica Montemayor February 20, 2022 at 9:47 pm

hello po!
any suggestion po, tagalog communion song po na related sa ebanghelyo? thanks in advance, Godbless

Reply

MC Nicdao February 21, 2022 at 1:34 pm

Puwing sa Mata po

Reply

Freddiie A. Baluran February 22, 2022 at 11:14 am

Pwd po ba makihingi ng lyrics sa kantang puwing sa mata. .

Reply

Veronica Montemayor February 22, 2022 at 11:33 am

salamat po… yes po request nga din po ako ng piyesa, thanks in advance and Godbless

email add – [email protected]
fb – nica pathay-montemayor

Reply

JNicdao February 23, 2022 at 7:45 am

Email nyo Po para masend Po pyesa…God bless Po!

Reply

Freddiie A. Baluran February 23, 2022 at 10:02 am

Ito po email ko salamat po

Freddie A. Baluran February 23, 2022 at 7:59 pm
Freddiie A. Baluran February 23, 2022 at 8:01 pm

Dito ko po pa send

Reply

Ryan Venus February 24, 2022 at 12:03 am

Pasuyo rin po ng lyrics and piyesa ng puwing sa mata. Maraming salamat po.
[email protected]

Reply

Nina Capil February 26, 2022 at 8:00 am

may You tube po ba s Puwing sa Mata ?

Reply

Ferdy Baetiong Parino February 27, 2022 at 8:28 am

Ang mga pagbasa ngayon ay mga aral at hamon na ating gagamiting gabay sa parating na kwaresama.

Sa Unang Pagbasa ay pinaaalala na pakabantayan natin ang mga lumalabas sa ating mga bibig. Ang lahat ng iyong mga sinasabi ay galing sa iyong utak at puso, iyan ang iyong pagkatao. Kahit wag tyaong humusga sa isang tao na hindi pa natin naririnig kung paano magsalita at kung ang mga lumalabas sa kanyang bibig. Maari tayong maging mapgakunwari sa umpisa pero habang tumatagal tayong nagbibigay ng mga pangungusap ay lalabas at lalabas ang tunay nating anyo. Kaya’t sikapin nating wag maging mapanirang puri ng ibang tao, wag tsismosa, wag palamura, wag bastos, wag gamitin ang pangalan ng Diyos sa walanh kwentang bagay, wag manumpa ng kasinungalingan at huwag tayong puro reklamo bagkus ay magpasalamat at magpuri sa Diyos.

Ang ating ebnaghelyo ay mga aral na preparasyon para sa ating mga dapat na asal at gawi sa parating na kwaresma. Ito ay panahon ng panunumbalik sa Panginoon at paniniwala sa Mabuting Balita. Huwag tayong maging pakitang tao sa mga gagawin nating sakripisyo at pangingilin sa darating na mga banal na araw. Matatawag tayong mga mapag imbabaw, ipokrito at bulaan. Ang lahat ng iyong gagawin para sa banal na araw ito ay sarilinin mo lamang at huwag ng ipagsabi. Gawin mo ito para sayo at para kay Hesus. Ng sa gayon ay gantimpala sa langit ang naghihintay sayo at hindi ang papuri ng taong nakapaligid sayo.

Mga kapatid, eto na sumapit na muli, samantalahin natin ito, suriin ang ating mga sarili. Aminin ang ating mga kasalanan, magsisi. Humingi ng kapatawaran sa Ama sa ating kalapastangan at sikapin ng matalikuran ang kasamaan. Ipanalangin din natin na tayo ay tulungan ni Hesus sa mga gawaing ito, tulungan tayo na matanggihan ang mga alok ni Satanas at sundi natin ang kalooban ng Diyos.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: