Martes, Mayo 11, 2021

May 11, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Bago umakyat sa Langit, ipinangako sa atin ni Jesus ang isa pang Katulong na makakapiling natin tulad niya.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ipadala mo sa amin ang iyong Espiritu.

Ang ating mga pastor nawa’y magtalaga nang lubusan ng kanilang buhay sa pangangaral ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang at guro nawa’y maging mga buhay na halimbawa ng pananampalataya para sa mga taong nasa kanilang pangangalaga, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang pagsikapang mabuti na gawin ang anumang nararapat upang ang Salita ng Diyos ay maging isang buhay na kapangyarihang magiging kaakibat ng lahat ng ating ikikilos, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga matatanda, mga nangungulila, at mga may karamdaman nawa’y ating ipadama ang ating habag, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapahingahan at bagong buhay sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tagapagbigay ng lahat ng biyaya, masagana mong ipagkaloob sa amin ang iyong Espiritu upang makapamuhay kami nang may kabanalan at magsikap para sa pagdating ng iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 6, 2021 at 1:20 pm

PAGNINILAY: Habang tayo’y papalapit sa katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang Ebanghelyo ngayon ay bahagi ng mga diskurso ni Hesus bago siyang umakyat papuntang langit. Nangyari ito bago pa man maganap ang kanyang Misteryong Paskwal noong gabi nang siya’y nasa Huling Hapunan kasama ang 12 Apostol.

Narinig natin kahapon kung paano plinano ni Hesus na suguin ang Espiritu Santo upang maging Tagapagtanggol nila. Ngayon ay tila inuulit niya ang pahayag ng pagsusugo ng Tagapagtanggol, ang Espiritu, upang maging gabay ng mga alagad sa kanilang misyon. Ang Espiritu ang tanging maghuhubog sa ating pagkatao upang makilala natin ang tama at mali ayon sa pamantayan ng Panginoon, at hindi sa mundo. Marahil ay dinidikta tayo ng tao o kaya ng isang grupo na namnamin ang isang bagay na akala natin ito’y mabuti. Subalit di lingid sa ating kaalaman na tayo’y tinutukso na gumawa ng masama. Kaya uso ngayon ang sinasabing sumunod sa “good influence”, at huwag sa “bad influence”. Ang Espiritu Santo ay ang “great influence” sapagkat siya ang magpapahayag sa atin ang dakilang kalooban ng Ama ayon sa Mabuting Balita ni Hesukristo. Kung bubuksan lang natin ang ating puso sa kalooban ng Panginoon ay matatanggap pa natin ang mga biyayang nararapat sa atin ayon sa kanyang pamantayan.

Makikita natin sa Unang Pagbasa ang katatagan nina Pablo at Silas nang sila’y ipinaghagupit at tsaka ipinakulong. Habang sila’y umaawit ng mga imno, biglang nagkalindol at nawasak ang bawat selda. Akalain ng bantay na guwardiya na nakatakas ang mga bilanggo, kaya tinangka niyang magpakamatay. Subalit nagpakita sa kanya sina Pablo, Silas, at ang lahat ng bilanggo. Nagtanong ang guwardiya kung paano niyang makakamtan ang kaligtasan, at tugon ni Pablo na siya’y sumampalataya sa ating Panginoong Hesukristo.

Nawa’y patuloy tayo’y maging matatag sa ating pananampalataya sa Panginoon sa tulong ng Espiritu Santo.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 11, 2021 at 5:30 am

Ano nga ba ang konsepto ng tao sa kasalanan o sa pagkakamali. Sinasabi sa palatastas sa telebisyon, “ang mali pag ginawa ng matatanda ay nagigiging tama sa mata ng mga bata.” Ang isang kasalanan na hindi pinagsisihan at ginawang paulit-ulit ay parang nagiging natural na lamang at kalakaran na. Kaya nga ang daming nagkakamali. Sino nga naman ba ang hindi nagkakasala? Ngunit ang kalooban ng Diyos ang dapat masunod. Ang mga tao ay magbagong buhay. Ang mahalin ang Diyos, kapwa at ang pagtalikod sa kasamaan.Ang pagsunod sa Diyos ang magdadala sa tao ng saya at buhay na walang hanggan. Ang kayamanan, kasikatan at kapangyarihan ay para lamang sa mundong ito. Ikaw ba ano ang iyong pinapahalagahan?

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 11, 2021 at 9:30 am

Minsang may magtanong kay Hesus kung pano sya maliligtas, ang sagot nya ay sundin ang sampung utos, tumugon sya na ginagagawa nman nya lahat yun, muling sumagot si Hesus at sinabing “kung gayon ipagbili mo ang iyong ari arian at ipamahagi mo sa mga nangangailangan. Ibig sabihin ay bukod sa pagtalima natin sa kalooban mg Diyos meron din tayong tungkulin na tulungan ang ating kapwa. Hindi natatapos sa hindi pagawa ng masama ang pagsunod sa kalooban mg Diyos. Share your blessing, tumulong ka ng bukal sa kalooban mo, tumulong ka ng hindi pakitang tao lamang, tumulong ka ta wag ipagsabi maging sa matalik mong kaibigan, sapagkat pag ikinuwento mo ay tinanggap mo na amg gantimpala mula sa lupa, ngunit kapag ito ay iponaglihim mo, ang Diyos na nasa langit ang magbibigay ng gantimpala sa yo. Kailangan maunawaan natin ang kasalanan at manalig tayo kay Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: