Lunes, Mayo 10, 2021

May 10, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Lunes

Marami ang nagpapatotoo sa kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng kanilang buhay. Dahil sa kanilang halimbawang nagdudulot ng inspirasyon sa atin, tumawag tayo sa Diyos na ating Ama at sabihin natin sa kanya:

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, loobin mong maging mga saksi kami para sa iyo.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y walang patid na magsikap sa paghahatid ng mensahe ng Diyos ng pagsisisi sa kasalanan sa mga taong may pusong tapat na naghahanap sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pulitiko at mga taong tinitingala sa larangan ng pulitika nawa’y maging mga kasangkapan ng katotohanan ni Kristo sa pamamagitan ng marangal nilang pamumuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pagsubok na dinaranas natin araw-araw nawa’y hindi magpahina ng ating loob at sa halip ay magpalago ng ating pananampalataya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maging matatag sa kanilang pananampalataya at masigasig sa kanilang mithiin, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makatagpo ng kapanatagan at kaligayahan sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, pagkalooban mo kami ng karunungan at katatagan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu upang kami ay maging malalakas at matatapat na saksi sa iyong pag-ibig sa bawat yugto ng aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 6, 2021 at 1:19 pm

PAGNINILAY: Malapit na tayo sa katapusan ng Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. Itong darating na Linggo ay ipinagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. At sa Linggong pagkatapos nito ay ipinagdiriwang natin ang katapusan ng panahong ito sa ating liturhiya sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes.

Kaya ang tagpuan ng ating Ebanghelyo ay sa Huling Hapunan, nang ibigay ni Hesus sa kanyang mga alagad ang kanyang mga huling diskurso. Alam na niya’y pabalik na siya sa Ama upang maluwalhati ang dakilang plano para sa ating kaligtasan. At sa kanyang hudyat ng pamamaalam, nagpahayag siya ng mga magagandang bilin upang patuloy natin alalahanin siya.sa ating mga buhay. At narinig natin ngayon ang kanyang pangako ng pagsusugo sa Espiritu Santo upang magsilbing Patnubay natin.

Ang Espiritu ang ating gabay upang mas kilalanin natin ang Panginoon at ang kanyang mga salita, na nawa’y mag-alab sa atin ang apoy ng pag-ibig. At ang pag-ibig na ito ay ang ipinamalas sa atin ng Diyos sa kanyang pagsusugo kay Hesus. Dahil si Hesus ay lumisan mula sa mundong ito, ninanais niya na tayo ay maging matatag sa ating pananampalataya dahil tayo ay tunay na minamahal ng Ama, katulad ng pagmamahal ni Kristo sa atin. Kaya ang Espiritu Santo ang magsisilbing tanda na dapat nating pasiglahin ang ating matinding pananalig sa Maykapal. Ayon sa isang turo ng Dogma ng Banal na Santatlo, ang Diyos Espiritu Santo ay bunga ng pagmamahal ng Diyos Ama at Diyos Anak sa isa’t isa.

Kaya ang mga kaloob at prutas ng Espiritu ay dapat magsilbing hamon sa atin upang kilalanin natin ang Panginoon sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. At kapag nakikilanlan natin ang kanyang presensiya, nawa’y ipadama natin ang Panginoon sa ating kapwa sa pamamagitan ng mga mabubuting salita at gawain.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 10, 2021 at 6:06 am

May mga bagay tayo na ayaw gawin, lalo na kung ito ay hahantong sa kamatayan. Ngunit paano kung ikaw ay papatayin sa pangangaral ng salita ng Diyos, gagawin mo ba ito? Kaya may mga martir na nagbuwis ng buhay alang alang sa pananalig sa Diyos. Nagpatotoo sila para sa ating Panginoong Hesukristo. Hindi sila yumuyuko sa mga diyus-diyusan. Hindi sila gumagamit ng kung anu-anong pampasuwerte. Hindi rin sila gumagamit ng agimat. Bagkus sila ay nananalig sa pagpapatawad at pagmamahal ng Diyos. Ang makamit ang kaharian ng Diyos ay sapat na upang pasiglahin ang buhay, kahit na sa naka abang na panganib. Kaya huwag kayong aasa sa bigay ng mundo: diyus-diyusan, pampasuwerte, agimat atbp na may kinalaman sa kamunduhan. Bagkus nawa’y makita sa buhay natin ang pagmamahal sa Diyos ng tapat at totoo.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño May 10, 2021 at 9:24 am

Naranasan mo na bang dininig ng Diyos qng iyong dasal? Nakatanggap ng biyaya dahil sa iyong kabutihan? Yung lubos ang iyong kalungkutan at natagpuan mo ang wafas na kaligayahan sa Panginoon. May matagal ng hininhiling kay Hesus at ipinagkaloob ito sayo? Or kahit pangyayari sa buhay mo na ginamtimpalaan ka ng Diyos? Wag mo itong sarilinin o itago sa baul. Ikwento mo ito sa mga taong makakasalamuha mo kung may pagkakataon. ishare mo ito katulad ng pagseshare mo ng kung anu ano sa social media, Ibalita mo ito sa kapwa mo upang maging inspirasyon. Magpatotoo tayo tungkol kay Hesus sapagkat noong umpisa pa ay kasama na nya tayo. Tandaan ninyo na lahat tayo ay pari na pwedeng magpalaganap ng Mabuting Balita.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: