Mga Pagbasa – Biyernes, Hulyo 5, 2019

by Roxanne Pena on July 5, 2019 · 13 comments

in Tagalog Mass Readings

Biyernes ng Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y lubos.

Mateo 10, 16-23

UNANG PAGBASA
Genesis 23, 1-4. 19; 24, 1-8. 62-67

Nabuhay si Sara nang sandaa’t dalawampu’t pitong taon. Namatay siya sa Kiryat-arba, tinatawag ding Hebron, sa lupain ng Canaan. Ito’y labis na ikinalungkot ni Abraham.

Sandaling iniwan ni Abraham ang bangkay at nakipag-usap sa mga Heteo. Wika niya, “Ako’y nakikipamayan lamang sa inyo. Kung maaari, pagbilhan ninyo ako ng dakong mapaglilibingan sa aking asawa.”

At inilibing nga ni Abraham si Sara sa yungib na iyon sa Macpela, sa lupain ng Canaan. Ito’y tinatawag ngayong Hebron.

Matandang-matanda na noon si Abraham, at pinagpapalang mabuti ng Panginoon. Sinabi niya sa pinakamatanda niyang alipin na kanyang katiwala: “Ilagay mo ang iyong kamay sa pagitan ng aking mga hita, at manumpa ka. Ipangako mo sa akin sa ngalan ng Panginoon, ang Diyos ng langit at lupa, na hindi ka sa Canaan pipili ng mapapangasawa ni Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”

“Kung ayaw pong sumama ng mapipili ko, maaari po bang si Isaac na ang pumunta roon?” tanong ng alipin.

“Aba, hindi! Huwag mong papupuntahin doon si Isaac,” tugon ni Abraham. “Nilisan ko ang tahanan ng aking ama at iniwan ang lupain ng aking mga kamag-anak sapagkat dito ako pinapunta ng Panginoon, ang Diyos ng kalangitan. Nangako siyang ibibigay ang lupaing ito sa aking lahi. Magsusugo siya ng kanyang anghel na mauuna sa iyo upang tulungan ka sa pagpili ng mapapangasawa ng aking anak. Ngayon, kung ayaw sumama ng mapipili mo, wala ka nang pananagutan sa akin. Ngunit huwag mong papupuntahin doon ang anak ko!”

Nang makalipas ang mahabang panahon, si Isaac ay naninirahan sa lupain ng Negeb. Minsan, napadako siya sa ilang ng Beer-lahai-roi. Nang magtatakip-silim, siya’y namasyal sa bukirin at nakita niyang may dumarating na mga kamelyo. Natanaw ni Rebecca si Isaac kaya’t bumaba siya sa sinasakyang kamelyo, lumapit sa aliping kumaon sa kanya at nagtanong, “Sinong lalaki iyong papalapit sa atin?”

“Siya po ang aking amo,” tugon nito. Kumuha ng belo si Rebecca at nagtalukbong.

Pagtatagpo nila’y isinalaysay ng alipin kay Isaac ang mga pangyayari, kaya’t tinanggap ni Isaac si Rebecca bilang asawa at dinala sa kanyang tolda. Ang babae ay napamahal sa kanya at naging kaaliwan niya sa pagkamatay ng kanyang ina.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 105, 1-2. 3-4a. 4b-5

Tugon: Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y lubos.

Magpasalamat sa Panginoong Diyos. pagkat siya ay mabuti,
ang kanyang pag-ibig na hindi kukupas ay mananatili.
Sinong mangangahas upang magpahayag na siya’y dakila?
Sino ang pupuri at magpapahayag ng kanyang ginawa?

Tugon: Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y lubos.

At dapat magalak ang sinumang tao na makatarungan
na gawang matuwid ang siyang adhika sa buo n’yang buhay.

Tugon: Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y lubos.

Tulungan mo ako, kapag ang bayan mo’y iyong nagunita,
sa pagliligtas mo, isama mo sana ang lingkod mong aba;
upang makita ko ang pag-unlad nila na iyong hinirang,
kasama ng iyong bansang nagagalak, ako’y magdiriwang.

Tugon: Pasalamat tayo sa D’yos, kabutihan niya’y lubos.

ALELUYA
Juan 16, 13a; 14, 26d

Aleluya! Aleluya!
Pagdating ng Espiritu,
itataguyod n’ya kayo
sa tanang itinuro ko.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 10, 16-23

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga apostol, “Ngayon, sinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong gubat. Maging matalino kayo, gaya ng mga ahas, at matapat, gaya ng mga kalapati. Mag-ingat kayo, sapagkat may mga taong magkakanulo sa inyo sa mga hukuman; at hahagupitin nila kayo sa mga sinagoga. Dahil sa akin, ihaharap kayo sa mga gobernador at mga hari, at magpapatotoo kayo sa harapan nila at ng mga Hentil. Kapag nililitis na kayo, huwag kayong mabalisa tungkol sa sasabihin ninyo o kung paano ninyo sasabihin. Pagdating ng oras, ito’y ipagkakaloob sa inyo. Sapagkat hindi kayo ang magsasalita kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.

“Ipagkakanulo ng kapatid ang kanyang kapatid upang ipapatay; gayun din ang gagawin ng ama sa kanyang anak. Lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang, at ipapapatay. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin; ngunit ang manatiling tapat hanggang wakas ang siyang malilitas. Kapag inuusig nila kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Sinasabi ko sa inyo: hindi pa ninyo napupuntahan ang lahat ng bayan ng Israel ay darating na ang Anak ng Tao.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Previous post:

Next post:

{ 13 comments… read them below or add one }

Matthew Poblete July 2, 2017 at 8:57 am

Good Day po.

Mali po yung nakalagay na Ebanghelyo po sa ara na ito (Hulyo 7, 2017). Dapat po Mateo 9: 9-13 po. Pang July 14 po yung nakalagay. Thanks po.

Reply

Guen Nebria Cahigas July 7, 2017 at 4:40 am

Tama po ang comment niya. Mateo 9:9-13

Reply

Elino Rosales July 4, 2019 at 3:32 pm

Tama po ang comment.

Reply

Oliver Pena July 6, 2017 at 10:50 am

Magandang araw po.

Mali rin po ung Salmo. Salmo 106:1B-2, 3-4A, 4B-5 po ang salmo para sa araw na ito. Tnx po.

Reply

Marse Gozum July 6, 2017 at 3:09 pm

Salamat po, pareho din sasabihin ko.

Thank you po.

Reply

Mark Jefferson Magno June 30, 2019 at 6:16 pm

Ngayon ay araw ng Biyernes sa Ikalabintatlong Linggo sa Karaniwang Panahon.

Reply

Aida Ramirez July 5, 2019 at 6:21 am

Hello po sana po ay mapalitan today.Thanks po.

Reply

Fred Duaso Monares July 5, 2019 at 7:48 am

Pinupuri Ka namin Pnginoong Hesukristo.

Reply

Gene Banao July 5, 2019 at 8:21 am

Mali nga po yong binasa sa ebanghelyo for today

Reply

celine July 5, 2019 at 1:58 pm

PINUPURI KA NAMIN PANGINOON JESUS KRISTO.
ALLELUIA!

Reply

Francisco R. Azupardo July 5, 2019 at 8:06 pm

Amen!

Reply

Francisco R. Azupardo July 5, 2019 at 8:17 pm

Mali po ang mabuting balita sa araw ito. salamat po

Reply

PATRICK CU July 6, 2019 at 5:36 am

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: