Martes, Mayo 21, 2024

May 21, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Ipinahayag ng Panginoon ang kanyang mapagligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang mapagpakasakit na Lingkod, dalhin natin ang ating mga petisyon sa Ama ng lahat ng habag.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging Diyos, basbasan Mo ang Iyong mga anak.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng maliwanag na pananaw ng mapagtimping katatagan sa mga kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaan at pagkakaisa nawa’y maghari sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng tao sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na hindi matatagpuan sa kapangyarihan at pagiging kagalang-galang ang tuany na kadakilaan kundi makikita lamang ito sa paglilingkod sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y maiugat ang kanilang pagdurusa sa mga paghihirap ni Jesus sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nauna na sa ating mga yumao nawa’y tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng katapangan upang tanggapin ang mga paghihirap na dumaraan sa aming buhay. Akayin mo kami sa kaganapan ng kaligayahan sa iyong presensya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 23, 2020 at 11:53 pm

Pagninilay: Tayong lahat ay mga anak ng ating Kataas-taasang Diyos. Kaya tayo ay tinatawag na maging matapat sa kanyang dakilang kalooban. Ang Unang Pagbasa ay isang paalala sa atin na huwag maging dahilan o ugat ng mga pagkakawatak-watak at paninirang puri sa isang komunidad/lipunan. Mahalaga ang pahayag ni Santiago na tayo’y patuloy na maging matapat sa Diyos at sa kanyang kalooban. Kaya minsa’y kung ano ang itinuturo ng mundo ngayon, kadalasa’y hindi itong tamang gawin. Ito’y mahahalagang paanyaya sa atin na huwag tayong masyadong maimpluwensiya sa lahat ng nauusong bagay sa mundong ito, kundi magkaroon tayo ng isang bukas na loob upang tanggapin pa ang biyaya ng Panginoon. Si Hesus sa Ebanghelyo ay nag-anyaya sa atin kung paano dapat tayong mamuhay. Ito ay isang tugon sa mga argumento ng mga alagad sa isa’t isa kung sino raw ang pinakadakila. Sabi ni Hesus na upang tayo’y maging dakila sa Kaharian ng Diyos, dapat nating tularan ang isang bata, kaya ito’y pinatayo niya sa gitna ng tao. Ang bata na dating itinuturing ng lipunan na mahina ay may kahalagahan pala. Alam po natin na ang isang bata ay susunod sa utos ng kanyang magulang o higit pa dito sa isang utos na ikabubuti hindi lang ng kanyang sarili, kundi para na rin sa ibang tao. Dito makikita natin ang naging buhay ni Kristo nang bagamat siya ay Diyos ay nagkatawang-tao at naging bata sa ilalim ng isang Banal na pamilya, at siya’y nakapiling nina Birheng Maria at San Jose. Kaya ang pagiging “bata” ayon kay Hesus ay isang taong may kababang-loob at pagiging masunurin sa Diyos. Makikita natin sa unang bahagi ng sipi kung paano ipinaalam niya sa ikalawang pagkakataon tungkol sa kanyang Misteryong Paskwal. Ang pag-aalay ni Hesus sa Krus at ang Muling Pagkabuhay ay tanda na handa siyang sumunod sa kalooban ng Ama upang tayo ay matubos mula sa ating mga kasalanan. Kaya ipinakita sa atin na ang tanging paraan upang makamit natin ang kaluwalhatian at buhay na walang hanggan, kailangan nating manalig sa Panginoon at maging mga “childlike” sa kababang-loob at pagkamasunurin.

Reply

Malou Castaneda May 20, 2024 at 8:40 pm

PAGNINILAY
Itinuturo sa atin ni Hesus ang tungkol sa pagpapakumbaba at pagiging lingkod. Sinasabi Niya sa atin na ang pinakadakila sa kaharian ng langit ay yaong naglilingkod sa iba at inuuna ang kanilang mga pangangailangan kaysa sa kanilang sarili. Personal nating nararanasan ang katotohanan ng mensahe ni Hesus sa ating sariling buhay. Maaalala natin ang ilang pagkakataon na ilan sa ating mga kaibigan ay nahihirapan sa mahihirap na sitwasyon, nakakaramdam ng pagod at pagkabalisa, at hindi alam kung ano ang gagawin. Naglaan tayo ng oras upang makasama sila, makinig sa kanilang mga alalahanin, at mag-alok ng ating suporta at gabay. Ang ating kabaitan at pagiging hindi makasarili ay tunay na nakaantig sa kanilang puso. Ito ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng paglilingkod sa iba ng may pagmamahal at habag. Nalalaman natin na kapag nagpakumbaba tayo at naglingkod ng may tapat na puso, mararanasan natin ang mas malalim na kasiyahan at katuparan. Sa mga sandaling ito ng pagiging walang pag-iimbot mararamdaman natin ang maging pinakamalapit sa Diyos at tunay na unawa sa kahulugan ng pag-ibig.

Habang sinisikap nating isabuhay ang mga turo ng kababaang-loob at pagiging tagapaglingkod, palagi tayong pinapaalalahanan ng halimbawang ipinakita ni Hesus. Mapagpakumbaba Niyang pinaglingkuran ang iba, hinugasan pa nga ang mga paa ng Kanyang mga disipulo, at sa huli ay ibinigay ang Kanyang buhay para sa kaligtasan ng lahat. Nawa’y magsikap tayong sumunod sa Kanyang mga yapak at mamuhay ng may kababaang-loob at paglilingkod sa kapwa. Sa pamamagitan ng pag-una sa iba at pagpapakita ng kabaitan at pakikiramay, tunay na makakagawa tayo ng pagbabago sa mundo.

Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makita Ka sa mga dukha at nagdurusa. Amen.
***

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: