Lunes, Disyembre 25, 2023

December 25, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa

Sa Banal na Gabing ito, sa paggunita natin sa kapanganakan ng Tagapagligtas ng sanlibutan, ipanalangin natin ang mga pangangailangan natin at ng buong sangkatauhan. Manalangin tayo:

Panginoon, Ikaw ang aming Ilaw!

Para sa buong pamayanan ng mga mananampalatayang nag- diriwang sa pagsilang ni Hesus: Nawa’y maghari ang kapayapaan ng gabing ito sa kanilang buong buhay. Manalangin tayo!

Para sa Santo Papa at lahat ng mga pinunong espiritwal sa buong daigdig: Nawa’y mapag-buklod ng kanilang pamumuno sa ngalan ng Diyos, ang lahat ng tao sa tapat na pagtutulungan at pagkakaisa. Manalangin tayo!

Para sa mga bansa at grupong nasa gitna ng digmaan: Nawa’y sa kanyang pagsilang, akayin sila ni Hesus tungo sa pagwawakas sa mga pahirap ng digmaan. Manalangin tayo!

Para sa ating pamilya at lahat ng iba pang pamilya sa ating parokya: Tayo nawa’y maging laging handang tumulong, magpatawad, at magmahal sa isa’t isa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng may malubha at permanenteng kapansanan: maging sentro nawa sila ng atensyon at kalinga ng buong daigdig at maitayo nawa ang mga institusyong nakalaan sa pagtulong sa kanila. Manalangin tayo!

Salamat, Ama, sa pagkakaloob Mo kay Hesus sa amin. Pahalagahan nawa namin, tulad ni Mariang Kabanal-banalan, ang kanyang pagparito. Isinasamo namin ito sa ngalan ni Hesus na aming Panginoon at Tagapagligtas. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez December 23, 2021 at 3:34 pm

PAGMIMISA SA GABI NG PASKO NG PAGSILANG NG PANGINOON

Pagninilay: Isang dakilang gabi ang ating sinasaksihan at ginugunita ngayon. Ito yung tinaguriang kasayasayang “Silent Night, O Holy Night” at “Ang Gabing Payapa” dahil sa pinakamagandang biyayang katuparan ng Panginoong Diyos Ama para sa atin.

500 taon bago ang pagdating niyan, ipinahayag ni Propeta Isaias na may isang liwanag na tatanaw sa kadiliman, at gagabay sa mga taong namumuhay sa dilim. Noong panahon ni Isaias, nakasakop ang Juda sa pagsasalakay ng mga taga-Chaldea sa ilalim ng pamumuno ni Haring Nabucodonosor II. Kaya naging alipin ang mga tao ng Jerusalem at itinapon sa Babilonia. Kaya itong si Isaias, ipinabalita niya na may gaganap ng labanan sa pagitan ng Persya at Babilonia, at sa kautusan ni Ciro Magno ng Persya ay pinayagang bumalik ang mga Hudyo sa kanilang mga tirahan. Pero may isa pang tandang ibinigay ang propeta: ang propesiya tungkol sa sanggol na magiging Mesiyas. Sa Isaias 7:14, narinig natin na ang tanda ng panganganak ng Birhen sa Emanuel, ang sumasaating Diyos. At dito sa Isaias 9:5, sinasabi sa atin na ang Emanuel ay ang Walang Hanggang Diyos at Hari at Prinsipe ng Kapayapaan. Ito yung nagsisilbing liwanag sa dilim dahil ang Panginoong Hesus mismo ay ang liwanag na tatanglaw sa kadiliman ng ating mga buhay na nababalot sa kasalanan, kasamaan, bisyo, pagnanais, karahasan, digmaan, kalungkutan, at pagdurusa.

Sa banal na gabing ito, tayo’y mga saksi sa dakilang pangyayaring ito na naganap na makalipas ang higit na 2,000 taon. Ang nakakalungkot lang isipin ay sa kaalaman lang tungkol sa Pagsilang ng Panginoo’y umaabot ang diwa ng Pasko. Lalo na ang buong Kalendaryong Panliturhiya ng Simbahan, madalas naririnig natin ang mga pagdiriwang at ang kanilang mga kasaysayan sa Bibiliya, at alam na natin ang mga ito.

Aminin nating lahat na naging bisi tayo itong mga nakaraang araw sa paghahanda ng mga regalo, Christmas party, pagkain para sa Noche Buena, at ang badyet. Kaya nga hindi masyadong sikat ang Adbiyento sa mga popular na pagdiriwang ng kontemporaryong panahon, yung bagang espirituwal na paghahanda para sa Tatlong Pagdating ng Panginoon. Pero naririto po tayo ngayong gabi dahil sa alaala ng isang pangakong ibinigay sa ating lahat: ang Panginoong Hesus bilang Liwanag ng Sangkatauhan. Sa panahanong yaon (ika-4 na taon, BCE), mahirap ang naging paglalakbay nina Birheng Maria at San Jose patungong Bethlehem, ang Siyudad ni Haring David. Mas mahirap pa yung naranasan nila noong nawalan sila ng pagtutuluyang tahanan, at ang kanilang tinuluyan ay ang kuwadra ng mga tupa, baka, at asno.

Pero sa pagsapit ng Hatinggabi, nakasentro ang kasaysayan sa maluwalhating Kapangakan ng “Diyos na nagliligtas,” ang Panginoong Hesukristo (Yesh-wa). Pati mismong mga hayop na nasa kuwadra ay nag-iingay sa tuwa dahil sa pangyayaring iyon. Kahit siya ang Diyos at Mesiyas, wala siyang magarbong damit na sinutuan kundi ang isang lampin, at sa kahoy ng sabsaban siya’y hinimlay ni Maria. Ganun din 33 taong makalipas sa Bundok ng Golgota, huhubarin siya ng mga sundalong Romano at siya’y ipapako sa kahoy ng Banal na Krus upang ipakita ang dakilang pag-ibig ng Ama sa pamamagitan ng pagliligtas sa atin mula sa kasalanan. Kaya mahalaga ang simbolismo ng Christmas tree dahil inaalala natin ang Unang Pagdating ng Panginoon, at siya mismo’y nakapako sa Krus, ang puno ng buhay na nagtatagumpay laban sa puno ng kasalanan.

Mga kapatid, hindi lang dapat umaabot sa kaalaman ng tao tungkol sa kwento ng Unang Pasko, kundi pati na rin sa buhay niya tungkol sa tunay na diwa ng Pasko. Itong dakilang gabi ay nakapaganda sapagkat inaalala natin ang pinamagandang pangako ng Diyos. At sa bawat pagdiriwang ng Kapaskuhan, ang nais ng Panginoon ay maisilang siya hindi sa matataas na trono at hindi na sa kahoy ng sabsaban, kundi sa ating mga puso. Ang paalala ni San Pablo sa komunidad ni Obispong San Tito ay dapat din nating panindigan: upang maranasan natin ang biyaya ng Diyos na nagdulot sa ating kaligtasan, talikuran natin ang mga masasamang gawain at bisyo at mamuhay nang taimtim, mabubuti, at gumagawa ng mabuti.

Sa ating paglalakbay sa daan ng Pasko ng Pagsilang, muli nating buksan ang ating mga puso at tanggapin natin si Kristo bilang Panginoon ng ating mga buhay. Alalahanin natin ang kanyang mga ipinangaral na turo, ginawang himala, at ang kanyang Misteryong Paskwal, at katulad niya ay sundin nawa natin ang dakilang kalooban ng Ama.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño December 25, 2021 at 1:32 pm

Lahat tayo ay magdiwang pagkat sinilang na ang hari ng lahat!

Maligayang Pasko mga kapatid, damahin natin ang Paskong ito, sapagkat tayo ay nanggaling sa dalawang taon ng krisis ng isang pesteng kumitil ng maraming buhay. Ang Pasko ay bagong pag-asa, ang bagong umaga na bubuhay sa ating mga natutulog na mga kaluluwa, ipagdiwang natin ang Pasko ng may buong kagalakan sapagkat narito na ang Mesiyas, ang hari ng lahat, ang mag aahon satin sa kadiliman.

Magsisi na tayo sa mga gawang makamundo, humingi tayo ng kapatawaran kay Hesus na nagdaraos ng kanyang kaarawan ngayon, at sikapin na nating matalikuran ang kalaswaan, kababuyan, pandaraya, paninira ng ibang tao, kadamutan, pagtatanim ng galit at sama ng loob, pagnanasa sa hindi natin pag aari, katamaran, pang aabuso, at iba pang gawaing hindi kinalulugdan ng Diyos. Samantalahin ang kapaskuhan, gawin natin itong inspirasyon sa pagpapakabuti at ituloy ituloy na natin hanggang semana santa at sa mga susunod na taon. Masarap magraoon ng relasyon sya Diyos, masarap magbalik loob, masarap magbago sapagkat mawawala na ang lahat ng iyong pangamba sapgkat kakampi mo ang Diyos at sya na ang bahala sa iyo.

Merry Christmas!

Reply

Joshua S. Valdoz December 25, 2023 at 8:42 am

Lahat tayo ay magdiwang pagkat sinilang na ang hari ng lahat!

Maligayang Pasko mga kapatid, damahin natin ang Paskong ito, sapagkat tayo ay nanggaling sa dalawang taon ng krisis ng isang pesteng kumitil ng maraming buhay. Ang Pasko ay bagong pag-asa, ang bagong umaga na bubuhay sa ating mga natutulog na mga kaluluwa, ipagdiwang natin ang Pasko ng may buong kagalakan sapagkat narito na ang Mesiyas, ang hari ng lahat, ang mag aahon satin sa kadiliman.

Magsisi na tayo sa mga gawang makamundo, humingi tayo ng kapatawaran kay Hesus na nagdaraos ng kanyang kaarawan ngayon, at sikapin na nating matalikuran ang kalaswaan, kababuyan, pandaraya, paninira ng ibang tao, kadamutan, pagtatanim ng galit at sama ng loob, pagnanasa sa hindi natin pag aari, katamaran, pang aabuso, at iba pang gawaing hindi kinalulugdan ng Diyos. Samantalahin ang kapaskuhan, gawin natin itong inspirasyon sa pagpapakabuti at ituloy ituloy na natin hanggang semana santa at sa mga susunod na taon. Masarap magraoon ng relasyon sya Diyos, masarap magbalik loob, masarap magbago sapagkat mawawala na ang lahat ng iyong pangamba sapgkat kakampi mo ang Diyos at sya na ang bahala sa iyo.

Merry Christmas!

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: