Huwebes, Nobyembre 30, 2023

November 30, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Nobyembre 30
San Andres

Ihabilin natin ang ating mga kahilingan sa pangangalaga ng Diyos Ama kasama ng mga panalangin ni San Andres.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, pagpalain Mo ang Iyong bayan na hinubog
sa pananampalataya ng mga apostol.

Ang ating mga pari na tinawag ng Diyos upang mamalakaya ng mga tao nawa’y humarap sa hamon ng pagbabago sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y maging mabibisang tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng patotoo ng kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinawag ng ating Panginoon upang maglingkod sa kanya nawa’y bukas-loob na tumugon sa kanyang panawagan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, mga nagdadalamahati, mga naliligalig, at ang mga nagdurusa sa karamdaman ng isip at katawan nawa’y hipuin ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga minamahal nating yumao nawa’y mabuhay sa kapayapaan ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, habang naghahanda kami para sa pagdiriwang ng Pagkakatawang-tao ng iyong Anak, ipagkaloob mo ang aming mga kahilingan, kaisa ni San Andres na Apostol. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez November 29, 2018 at 2:45 pm

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang Kapistahan ni Apostol San Andres. Si San Andres ay ang kapatid ni San Pedro na anak ni Jonas. Ayon sa Ebanghelyo nina San Mateo at San Marcos, siya ang isa sa mga unang apat na apostol kasama ang kanyang kapatid (Pedro) at dalawang magkapatid na mga anak ni Zebedeo (Santiago at Juan) na tinawag ni Hesus mula sa kanilang trabaho ng pangingisda sa Lawa ng Galilea. Sinabi ni Hesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin, at gagawin ko kayong mamalakaya ng mga tao.” Ayon naman sa Ebanghelyo ni San Juan, si Andres ay isa sa dalawang alagad ni San Juan Bautista, pinsan ng Panginoon, nang ipahayag ng propeta tungkol kay Hesus bilang Kordero ng Diyos. Kaya umalis ang dalawa at tinanong kung saan tutuloy si Hesus. At sinabi ng Panginoon, “Halikayo at tignan ninyo.” Bumalik si Andres sa kanyang tirahan sa Betsaida kung saan sinabi niya sa kanyang kapatid na si Simon Pedro na natagpuan niya ang Mesiyas. At nang makita ng kapatid si Hesus, sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang ipangangalan sa iyo’y Cefas.” (Ang katumbas ng pangalang ito’y Pedro). Si San Andres ay kasama si San Pedro sa kanilang nang pagalingin ng Panginoon ang kanilang biyenang may sakit. Siya rin ang nagsabi sa Panginoon sa bundok malapit sa Lawa ng Tiberias na may isang batang lalaking may dalang 5 tinapay at 2 isda, pero hindi ito sapat na kasyahin para sa 5,000 tao. At dito ipinakita ng Panginoon ang himala ng pagpapakain ng napakaraming tao. Pagkatapos ng pangyayari n’ung Pentekostes, ipinangaral ni San Andres ang Mabuting Balita ng Panginoon hanggang Gresya. Ayon sa Tradisyon, siya’y ipinako sa isang krus na may hugis na “ekis” sa isla ng Patras. Siya ang Patron ng mga bansang Russia, Gresya, Inglatera, at Eskosya. Sa Inglatera, ang Nobyembre 30 ay tinaguriang “Saint Andrew’s Day”. Dito sa ating bansa, ipinagdiriwang din natin ang kapanganakan ng isang bayaning kaparehas ang pangalan ng Apostol, si Andres Bonifacio, ang Dakilang Supremo na tumatag sa samahang Katipunan at ang pinuno ng Rebolusyong Panghimagsikan laban sa mga Kastila mula 1896 hanggang 1898. Katulad ni San Andres, nawa’y makibahagi tayo sa pagpapangaral ng Mabuting Balita at isabuhay ang mensahe nito sa ating araw-araw na pamumuhay.

Reply

Melba G. De Asis November 30, 2018 at 7:27 am

May mgs taong pinagkaloobsn ng Diyos ng kakayahang magpaliwanag ng salita ng Diyos. Panginoon ipagkaloob mong buong puso kong maintindihan at sundin ang mga salita at utos mo at magkaroon din ako ng kakayahang ibahagi ang Iyong mga salita. Amen.

Reply

Jess C. Gregorio November 28, 2023 at 8:40 am

Pagninilay ni Jess C. Gregorio:

“Your reputation precedes you!” Nasasabi natin ito sa mga taong nakikilala natin sa mga mabuti o masama niyang ginagawa dala ng pagbibida sa kanya ng karamihan, o kaya ay pagmamatyag natin sa kalayuan. Kung mabuti, tayo ay namamagnet sa kanya at gusto natin siyang makasama dahil nananalig na lalago tayo at makikinabang sa anuman meron sa kanya. Kung masama, pilit tayong lumalayo na halos ayaw na natin makatabi o magpakilala man lang. May kakaibang atraksiyon o panghalina, charisma ika nga, na agad-agad tayong napapamahal sa kanya, pinaniniwalaan ang mga sasabihin niya, at sumusunod sa mga ipag uutos niya. Hindi na hypnotize ni Hesukristo ang mga apostoles, nakita, narinig, naulinigan nila ang pagkatao ng Panginoon sa kanilang bayan. At nuong lumapit siya, sinabing sumunod sa kanya, parang namalikmata na may kasiyahan sa puso nila na agad-agad iniwan anumang ginagawa at meron sila sa buhay. Napaka lakas na panghalina na presensiya at pananalita. Ito ang sinasabing kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu. The Charism of Goodness in full force. Gusto ba natin maging kaaya-aya sa paningin at pag akala ng mga tao? Hindi na natin kailangan ng mga Apps na nagpapabata, nagpapaganda/nagpapaguwapo, o nagbabago ng kaanyuhan ng ating katawan para magkaroon ng taga hanga. Ang pag sunod kay Hesus ay mag papaibabaw ng imahen niya sa atin, maglalabas ng talino at kaalaman, mag papasunod ng tao, kalikasan, kahit pa mga demonyo sa paligid natin. Ito ang kapangyarihan na ginagamit ng Kanyang mga alagad upang itaguyod ang kanyang Kaharian at mag salba ng mga kaluluwang nawawala sa tamang landas. Gusto mo ba magkaroon ng ganitong kapangyarihan? Ang Charisma at powers ni Hesukristo?

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: