Biyernes, Oktubre 27, 2023

October 27, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-29 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sinasabi ng Panginoon na maging handa tayo sa araw ng kanyang pagbabalik. Dumulog tayo sa Ama habang nananalangin, naghahanda, at naghihintay sa pagdating ng Panginoon.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ihanda mo kami sa iyong paghahari, Panginoon.

Ang Simbahan nawa’y tumugon sa panawagan sa pagbabago at pagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may mabuting kalooban nawa’y sama-samang kumilos upang bigyang tuldok ang giyera at suklam, paniniil at kawalang katarungan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y mas higit na maging mulat sa presensya ni Kristo sa gitna ng mahihirap at nagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyan ng lakas at pag-asa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga kaibigan at kamag-anak na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang kaligayahan sa piling ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, pakinggan mo ang aming mga panalangin. Buksan mo ang aming mga mata sa iyong presensya. Gawin mo kaming malapit sa iyo araw-araw. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 21, 2021 at 7:09 pm

PAGNINILAY: Unti-unti tayong nalalapit sa pagtatapos ng taong panliturhiya ng Simbahan. Sa loob ng 6 na Linggo, papasok muli tayo sa Panahon ng Adbiyento, na kung saan paghahandaan natin ang tatlong pagdating ni Kristo: (1) Ang kanyang Pagkakatawang-tao na ating ginugunita tuwing Pasko ng Pagsilang, (2) Ang kanyang Muling Pagpaparito sa katapusan ng panahon, at (3) Ang kanyang Pamalagiang pagdating sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga Sakramento.

Kaya ang Ebanghelyo natin ngayon ay isang paalala tungkol hindi lang sa kinabukasan, kundi mas tungkol sa kasalukuyan. Binabala ni Hesus ang pagiging masyadong mapagmataas, na parang titignan nalang sa mga kaganapan ng kalikasan. Bagkus, ang mensahe ni Kristo ay tingnan din natin ang mga tanda ng kasalukuyang panahon. Hindi palaging aasa ang ating buhay sa Diyos, pero hindi ito nangangahulugang dapat mawalan tayo ng pananampalataya sa kanya. Mayroong tanyag na kasabihan: “Nasa Diyos ang awa! Nasa tao ang gawa!” Kaya sinabi ng Panginoon na makipag-ayos tayo sa mga taong katunggali natin. Ang bawat sinasakdal ay hindi lang hinahantulan ng pisikal na pagkakulong sa bilangguan, kundi ang espirituwal na pagkabilanggo sa kanilang di pakikipagkasundo at pagwawasto ng mga nasirang relasyon. Ginamit itong halimbawa ni Hesus upang tayo’y hindi mawalan ng atensyon sa ating kasalukuyang kalagayan ngayon, at tumugon tayo nang nararapat ayon sa kanyang dakilang kalooban.

Kaya ipinapaalala sa atin ni San Pablo sa Unang Pagbasa na ating pisikal na katawan ay nakasakop sa kasalanan dahil sa tukso ng mundo. Ngunit ang tanging hakbang natin upang labanan ang kasamaan ay kabutihan sa pamamagitan ng ating pagtitiwala sa Panginoon at pagiging matapat sa kanya at sa kanyang kalooban, sapagkat siya lamang ang pumupuno ng ating pangangailangan nang mga pagpapala na hindi kailanma’y lilipas. Minsan nananaig pa ang ating pagnanasa sa mga bagay na hindi ikinalulugod ng Diyos. At aminado rin si San Pablo na may mga pagkakataong pinipili niyang gumawa ng masama na hindi dapat, at talikdan ang mabuti na dapat naman talagang gawin. Subalit tiwala pa rin siya na ang tao ay dapat mamuhay para sa Panginoon.

Tanging ang Panginoon ay magbibigay sa atin ng biyaya ng buhay na walang hanggan. Kung tayo ay magiging tapat sa kanya at magpapadala ng pag-ibig sa ating paligid, makakamit natin ang kaligayahan ng walang hangganan sa kalangitan, kasama niya sa ating piling.

Reply

Cora Galang Orense October 22, 2021 at 7:17 am

Sa atin pong pagbasa ngayong araw Oct 22,2021. Inaamin po ni apostol San Pablo, ang kanyang kahinaan na isabuhay ang Tama,bagkos ayon nga sa kanya ay mas nagagawa nya ang Di nais Ng isip at puso nya,meaning mas nangingibabaw ang tawag Ng laman o ang pag gawa Ng masama kahit alam nyang Di Ito tama. Aminin man po natin o sa hindi MGA kapatid , na tayong lahat ay dumadaan sa ganitong pagsubok sa araw araw.At aminin nating Di madali ang makasunod sa kalooban Ng Diyos,Yun nga Lang pong makipagbati Tayo sa ating MGA kaaway ay napakahirap na para sa atin Yun pa po kanyang isuko natin ang ating sarili,meaning Yung wag na natin isipin pa Kung sino ang Nauna na gumawa Ng Mali kundi isipin na Lang natin ang Tama. Madalas po KC kahit àlam natin na Mali ang ating ginagawa pilit pa Rin po natin itong ipinag lalaban para maging Tama Yun bang nagmamarunong Tayo kahit àlam natin na Mali Naman po talaga.Alam nyo po MGA brothers and sisters, aaminin Kong Di Rin ako naiiba sa sinabing iyon ni apostol Pablo, araw araw po ay struggle ko Ito sa buhay, Kaya nga po humantong pa ako sa paghingi Ng tulong sa aking anak na samahan nya ako sa panalangin ko na Kayanin at mapaglabanan ang nangyayaring iyon sa buhay ko.mahabang panahon din po ang nasayang sa akin para magawa ko Ito Di lamang sa sarili Kong pagnanais, Di lamang sa panalangin Ng aking anak kundi sa biyaya Ng Diyos na nabubuhay sa puso ko.Mga kapatid Di pa po huli ang lahat sa atin,hilingin po natin sa Panginoon ang awa na mabago nya Tayo, napakasarap po na mabuhay na àlam natin kasama natin ang Diyos, na nandian sya lagi upang tayo’y tulungang makatayong muli sa ating pagkakasala, naandyan sya upang Tayo ay gabayan sapagkat sya Lang po at wala Ng IBA ang lubos na sa atin ay nagmamahal.Alam nyo po MGA kapatid habang ginagawa ko Ito ay Di ko napigilan ang sarili Kong maiyak sapagkat sa puso ko ay naguumapaw ang pasasalamat sa Diyos, na Una sa lahat ay nagpatawad at ngayon ay lubos na sa akin ay nagmamahal.lagi po natin syang maaasahan MGA kapatid ,tumawag Lang po Tayo sa kanya at lagi syang naandyan upang tayo’y pakinggan. Good morning po muli MGA kapatid and have a nice day ahead of us .God bless po everyone and keep safe.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 22, 2021 at 9:06 am

Ano ang hamon at aral sa atin ng ebnghelyo ngayon?
Napakadami ngayon na matatawag na “andaming alam”. Matanda o bata ay andaming alam. Lalo na ngayon sa social media na tila akala mo ay mga eksperto sa ibat ibang larangan. Kung makabatikos ng kapwa ay tila walang kapintasan. Kung magbigay ng mg impormasyon ay mga sariling opinyon lamang at wala nmang katotohanan. Andaming alam pero hindi alam sumunod sa sampung utos lamang ng Diyos, sampu lamang ngunit hirap na hirap tuparin. Andaming alam ngunit hindi alam magpatawad ng kapatid. Andaming alam ngunit hindi alam ang tumulong sa walang walang at pinakmababa sa lipunan. Andaming alam ngunit hindi minamahal ang asawa. Andaming alam pero hindi alam na masama ang magnasa sa laman ng hindi mo pag aari. Andaming alam pero hindi alam na dapat mahalin ang Diyos ng higit sa lahat. Andaming alam pero hindi alam mahalin ang kapwa.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: