Miyerkules, Oktubre 18, 2023

October 18, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Oktubre 18
San Lucas

Tapat na kaibigan at kasama ni San Pablo, binigyan tayo ni San Lucas ng isang Ebanghelyong mayaman sa mga salaysay, manalangin tayo sa Ama sa pamamagitan ng mapagmahal na Tagapagligtas na inihayag sa Ebanghelyo ni San Lucas.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin mong pagpaparangal sa Mabuting Balita ang aming buhay.

Ang Simbahan nawa’y gisingin sa mga kasapi nito ang pagkagutom at pagkauhaw sa Tinapay ng Buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nasa propesyon ng panggagamot at ang mga tumutulong sa kanila nawa’y gabayan ng Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y masiglang makilahok sa gawaing pangmisyon ng Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at may kapansanan nawa’y makatanggap ng pagtataguyod at aliw mula sa kanilang pamilya at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makabahagi sa kagalakan ng mga anghel sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, kasama ng mga panalangin ni San Lucas, inilalapit namin sa iyo ang aming mga pangangailangan. Ipagkaloob mo ang mga ito alang-alang sa iyong Anak, ang mapagmahal na Tagapagligtas na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez October 11, 2021 at 12:28 am

PAGNINILAY: Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagsusugo ng Panginoon sa 72 alagad upang iparangal ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos. Sila’y inatasang manalangin sa Panginoon ng ani na magsugo ng iba pang manggagawa ng anihan, maglakbay na walang dala, magsipunta sa mga nayon at bayan sa Israel, ipahayag ang kapayapaan, gumawa ng mga kababalaghan,t anggapin ang presensiya ng mga tumatanggap sa kanila, at ipagpag ang alikabok sa kanilang mga paa kapag hindi sila natanggap. Ito yung kanilang unang misyon bago pa mang mangyari ang paglalago ng Simbahan sa araw ng Pentekostes nang simulang magturo ang 12 Apostol. At marami ring mga dalubhasang manunulat ang sumunod sa yapak ng 12.

Ipinagdiriwang natin ngayon si San Lucas, isa sa mga Ebanghelista ng Bagong Tipan. Siya’y taga-Syria na isang doktor at pintor. Pinaniniwalaan siya ang unang nagpintura ng imahe ng Birheng Maria. Ang simbolo niya ay isang kapong baka na nangangahulugang “kalakasan”. Ang pokus ng pagsulat ng kanyang Ebanghelyo ay ang planong pangkaligtasan ng Panginoong Diyos na para sa lahat, maging Hudyo man Hentil. Halos kumpleto ang kanyang pagsasalaysay ng buhay ng ating Panginoong Hesukristo mula sa pagbabalita tungkol sa kaligtasan hanggang sa pag-akyat sa langit. Makikita natin ang kalakasan ni San Lucas na ipahayag si Hesus bilang Tapagligtas ng lahat ng tao, at ito ang plano ng Panginoon upang lahat ay mamuhay nang marangal at matapat sa kanyang mga utos.

Kaya tularan natin si San Lucas sa pagbibigay-saksi kay Kristo sa pagtugon sa tawag ng misyon upang marami pang mga tao ay makapagbigay-saksi rin sa kanya.

Reply

JesuMaria October 18, 2021 at 7:24 am

Talastas ng LAHAT ng mga BANSA ang DAKiLANG PAGHAHARi ng PANGINOON!

HUMAYO ka Kapatid TiNATAWAG tayo ng PANGINOON Diyos na HesuKristo MAKi BAHAGi sa kanyang BUHAY na walang HANGAN. iSiNUSUGO tayo bilang mga KATiWALA at LINGKOD sa KANYANG UBASAN

St. Joseph, mama Mary Holy Angels and Saints pray for US that we’ll be GUiDED by the TRUTH of Jesus Christ in our LiVES specially this coming elections.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño October 18, 2021 at 9:16 am

Napakarami ng aanihin subalit kakaunti ang manggagawa.
Tulungan natin ang simbahan ata mga kaparaian sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Paano?
Sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya, maari tayong magpost sa social media ng mga natutunana nating mga Salita ng Diyos ang maging halimbawa tayo nito sa ating kilos at pananalita upang tayo ay tularan at hindi masabing mapag imbabaw, libre lamang ito, kung tayo ay nakakapg share ng mga jokes, kalokohan at minsay kamunduhan pa bakit tayo ay parang nahihiyang ipamahagi ang may kinalaman sa Maykapal. Kung tayo naman ay nakakababad sa pnunuod sa netflix ng maraming oras, ang online mass ay isang araw lang, at araw araw ay may nagaganap na pagdiriwang, maaari mo din itong ishare sa mga kaibigan hindi lang sa Pilipinas kundi sa mga kaibigan saan mang panig ng mundo. Bukod sa internet ay maaari din tayong maglahad ng mga patotoo sa ating mga nakakasalamuha sa buhay lalong lalo na ang mga kaptid at kaibigan nating medyo naliligaw na ng landas. Magpatotoo tayo sa kaligayahang matatamo kapag nagbalik loob sa Panginoon. Mga kapatid, ano man ang iyong sitwasyon ngayon o gaano ka man kasama ngayon ay hindi pa huli ang lahat, umpisahan mong magsisi, himingi ng kapatawaran at umpisahang sikapin na matalikuran na ang makamundong bagay. Samantalahin natin ang parating na okasyon, ang adviento, ihanda natin ang ating mga sarili sa pagsilang ni Hesus.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: