Podcast: Download (Duration: 7:23 — 9.1MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes
Ipinahayag ng Panginoon ang kanyang mapagligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang mapagpakasakit na Lingkod, dalhin natin ang ating mga petisyon sa Ama ng lahat ng habag.
Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Mahabaging Diyos, basbasan Mo ang Iyong mga anak.
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng maliwanag na pananaw ng mapagtimping katatagan sa mga kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang kapayapaan at pagkakaisa nawa’y maghari sa lahat ng mga bansa at sa lahat ng tao sa mundo, manalangin tayo sa Panginoon.
Atin nawang mapagtanto na hindi matatagpuan sa kapangyarihan at pagiging kagalang-galang ang tuany na kadakilaan kundi makikita lamang ito sa paglilingkod sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y maiugat ang kanilang pagdurusa sa mga paghihirap ni Jesus sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga nauna na sa ating mga yumao nawa’y tumanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng katapangan upang tanggapin ang mga paghihirap na dumaraan sa aming buhay. Akayin mo kami sa kaganapan ng kaligayahan sa iyong presensya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Lunes, Pebrero 20, 2023
Miyerkules, Pebrero 22, 2023 »
{ 6 comments… read them below or add one }
Pagninilay: Tayong lahat ay mga anak ng ating Kataas-taasang Diyos. Kaya tayo ay tinatawag na maging matapat sa kanyang dakilang kalooban. Ang Unang Pagbasa ay isang paanyaya ni Sirac na tayo’y magtiwala sa Diyos sa lahat ng pagkakataon. Maging sa hirap man o ginhawa, dapat patuloy tayong manalig sa Panginoon habang tayo’y lumalakbay sa daan ng mundong ito. At si Hesus sa Ebanghelyo ay nag-anyaya sa atin kung paano dapat tayong mamuhay. Ito ay isang tugon sa mga argumento ng mga alagad sa isa’t isa kung sino raw ang pinakadakila. Sabi ni Hesus na upang tayo’y maging dakila sa Kaharian ng Diyos, dapat nating tularan ang isang bata, kaya ito’y pinatayo niya sa gitna ng tao. Ang bata na dating itinuturing ng lipunan na mahina ay may kahalagahan pala. Alam po natin na ang isang bata ay susunod sa utos ng kanyang magulang o higit pa dito sa isang utos na ikabubuti hindi lang ng kanyang sarili, kundi para na rin sa ibang tao. Dito makikita natin ang naging buhay ni Kristo nang bagamat siya ay Diyos ay nagkatawang-tao at naging bata sa ilalim ng isang Banal na pamilya, at siya’y nakapiling nina Birheng Maria at San Jose. Kaya ang pagiging “bata” ayon kay Hesus ay isang taong may kababang-loob at pagiging masunurin sa Diyos. Makikita natin sa unang bahagi ng sipi kung paano ipinaalam niya sa ikalawang pagkakataon tungkol sa kanyang Misteryong Paskwal. Ang pag-aalay ni Hesus sa Krus at ang Muling Pagkabuhay ay tanda na handa siyang sumunod sa kalooban ng Ama upang tayo ay matubos mula sa ating mga kasalanan. Kaya ipinakita sa atin na ang tanging paraan upang makamit natin ang kaluwalhatian at buhay na walang hanggan, kailangan nating manalig sa Panginoon at maging mga “childlike” sa kababang-loob at pagkamasunurin.
Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay. Maaaring isang paraan ito ng Panginoon hindi para tayo ay parusahan kundi para tayo ay patatagin sa lahat ng laban sa buhay. Ang patuloy na pagtitiwala sa Panginoon kahit may mga pagsubok na dumarating sa buhay ay siya nating sandigan at pagkukunan ng lakas para maging matatag pa rin at patuloy na umasa na ang lahat ng problema ay may solusyon at papawiin ito ng Panginoon, patuloy tayong umasa at manalig sa Kanyang kapangyarihan. Siya nawa ang manahan sa ating puso at isip at nawa’y gabayan niya tayo sa lahat ng sandali. Manatili nawa sa atin ang puso tulad ng sa isang bata, ang pagiging masunurin, mapagmahal at masayahin. Siya nawa, Amen..
Please SHARE & SUBSCRIBE
https://youtube.com/watch?v=cwLX6qV58Mc&si=EnSIkaIECMiOmarE
Bagama’t mahalaga ang laman ng itinuro ni Jesus sa Kanyang mga disipulo, napakahalaga na Makita natin na ninais ni Jesus na masarili ang kanyang mga alagad para turuan.
Sa maraming paraan, ganoon din ang ginagawa ng ating Panginoon sa atin. Patuloy tayong tinatawag ni Hesus sa iba’t ibang anyo para tayo ay kanyang masarili at mapag-isa upang mapakinggan natin ang lahat ng nais Niyang ituro sa atin. Sadyang napakaingay ng mundo kayat malimit mahirap gawin ang mapag-isa na kasama ang Diyos.
Ilang oras ba ang iyong inilalaan sa pag-iisa sa piling ng ating Panginoon para sa pananalangin, sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan at sa tahimik na pagmumuni-muni palayo sa iba pang mga abala?
Pagnilayan, ngayon, nais ng ating Panginoon na dalhin ka sa katahimikan at pag-iisa paminsan-minsan. Gusto niyang makasama kang mag-isa. Lalo na sa pangako mong paglingkuran siya. Kaya’t hanapin mo at maglaan ng panahon na mapag-isa upang ikaw ay magabayan para mapalalim ang iyong pananampalataya at lumago ito.
Panginoon, napakarami Niyong gustong sabihin, ituro at ihahayag sa akin. Habang pinipili kong sundin Ka at ialay ang buong buhay ko sa Iyo, dalangin ko na patuloy Mo akong ihatid sa higit na katahimikan at pag-iisa upang matanggap ko mula sa Iyo ang malalim, malinaw at direktang mga mensahe na kailangan kong marinig, maunawaan at paniwalaan. . Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.
Bakit po ang mga pagninilay sa mga readings ay ung mga dati pang pagninilay? Hindi po ba puwedeng iangkop o i-applysa mga nsngyayari sa ngayon ang mga pagninilay para mas lalong tumalab sa tao?
Ang mga pagninilay ay kusa at boluntaryong ipino-post ng mga mambabasa ng website na ito. Nasa pagpapasya po ng bawat mambabasa o user kung magbabahagi ng kanilang pagninilay dito. Kaya naman po, lubos ang pagpapasalamat namin sa mga walang-sawang nagbabahagi ng kanilang pagninilay. Malaki ang kanilang naitutulong sa mga naghahangad na pag-aralan at isabuhay ang Salita ng Diyos.
Inaanyayahan rin po namin kayong magbahagi ng inyong pagninilay. Maraming salamat po at God bless.
sa unang pagbasa alam ng ating Panginoon ang maaari nating pagdaanan sa ating paglalakbay sa mundong ito. kaya ganon na lamang lamang ang itinuturo Niyang pagsumakitan nating makasunod sa kalooban Niya.
marami tayong pagdaraanan na kapighatian, pagtitiis, pagkabigo, persecution, panghihina sa ating physical at spiritual na buhay, kalungkutan, kakulangan, kasalatan sa buhay. etc.
at ang lahat ng ito ay higit pang pinagdaanan ni Jesus at napagtagumpayan Niya ito dahil alam Niya ang higit na pinakamahalaga ang makapiling Niya ang Ama sa Buhay na walang hanggan.
itinutuon ng Panginoon ang ating pusot isipan sa higit na mahalaga ang makapiling Niya tayo sa piling Niya pagdating ng takdang panahon.
wala ng hihigit pa ang hangarin natin na makapiling natin Siya eternally para hindi tayo maigupo ng mga nararanasan natin dito sa mundong ito.
kaya naman hilingin natin sa Ama na bigyan Niya tayo ng pusong katulad ng puso ni Jesus na lubos na nagmamahal sa Ama. kung kayat nasusunod Niya ang Ama ng may pagtitiis.
isang magandang halimbawa ay ang kwento ng pag ibig ni David sa ating Diyos. kung paano niya inakap ang batas ,tuntunin, ng Ama mula pagkabata.
ang lubos na pang-unawa sa unfathomable love of God to us ang siyang gabay natin upang tayo ay isang mananagumpay sa mundong ito
ito rin ang sandata natin sa buhay.
kung kayat sa Ebangelio sinasabi ng ating Panginoon isantabi natin ang ating mga pansariling motibo o interest kundi ang pagtuunan natin ay ang ma please natin ang Banal na Santatlo sa puso, isipan, sa bibig, sa gawa bilang mga anak Niya .
ikanga sa Banal Kasulatan, maglalaho ang lahat ngunit ang Pag-ibig ay hindi mawawalan ng bisa kailanman.
Love is the the greatest law of God.