Lunes, Pebrero 20, 2023

February 20, 2023

Lunes ng Ika-7 ng Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 1, 1-10
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Marcos 9, 14-29


Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel

Monday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 1, 1-10

Ang simula ng aklat ni Sirak

Mula sa Panginoon ang lahat ng karunungan
at iyon ay taglay niya magpakailanman.
Sino ang makabibilang ng butil ng buhangin sa dagat,
O ng patak ng ulan, o ng mga araw,
sa panahong walang pasimula at walang katapusan?
Sino ang makasusukat sa taas ng langit, o sa lawak ng lupa?
Sino ang makaaarok sa kalaliman ng dagat
at sino ang makasasaliksik sa Karunungan?
Bago pa likhain ang alinmang nilalang,
nalikha na ang Karunungan,
at ang tunay na pagkaunawa,
bago pa nagsimula ang mga panahon.
Ang Karunungan ay nagmula sa salita ng Diyos
sa kataas-taasang langit,
at ang kanyang mga aral ay batas na walang hanggan.
Kanino ipinahayag ang simula ng Karunungan,
at sinong nakatatalastas ng kanyang pamamaraan?
Kanino ipinagkaloob ang makakilala sa Karunungan,
at sinong nakauunawa ng kanyang masaganang mga karanasan?
Iisa lamang ang talagang marunong;
dapat tayong gumalang na may paghanga
sa harap ng kanyang luklukan.
Ang Panginoon ang maylikha ng Karunungan,
kinilala niya ang kahalagahan nito
sa lahat ng kanyang nilalang.
Binahaginan niya ng Karunungan ang lahat ng tao,
ngunit higit na masagana ang bigay niya
sa mga umiibig sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 92, 1ab. 1k-2. 5

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Panginoo’y naghahari, na ang suot sa katawan
ay damit na maharlika at batbat ng kalakasan.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Ang sandigan ng daigdig, matatag ang pinatungan
kahit ano ang gawin pa’y hindi ito magagalaw.
Ang trono mo ay matatag simula pa noong una.
Bago pa ang ano pa man, likas ika’y naroon na.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

Walang hanggan, Panginoon, ang lahat ng tuntunin mo,
sadyang banal at matatag ang sambahang iyong templo.

Panginoo’y naghari na!
Ang damit n’ya’y maharlika.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 9, 14-29

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, habang bumababa si Hesus sa bundok, kasama sina Pedro, Santiago at Juan, ay nakita nila ang napakaraming taong nakapaligid sa mga alagad na naiwan, at ang mga eskriba na nakikipagtalo sa mga ito. Nagulat ang mga tao nang makita nila si Hesus. Sila’y patakbong lumapit sa kanya, at binati siya. Tinanong ni Hesus ang kanyang mga alagad, “Ano ba ang pinagtatalunan ninyo at ng mga taong iyon?” Sumagot ang isa mula sa karamihan, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang aking anak na lalaki, sapagkat siya’y inaalihan ng masamang espiritu, at hindi makapagsalita. Tuwing aalihan siya nito, siya’y inilulugmok; bumubula ang kanyang bibig at nagngangalit ang kanyang ngipin, at siya’y naninigas. Hiniling ko po sa inyong mga alagad na palayasin ang espiritu, ngunit hindi nila napalayas ito!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Lahing walang pananampalataya! Hanggang kailan ako dapat manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” At dinala nga nila ito sa kanya. Nang si Hesus ay makita ng espiritu, biglang pinapangisay nito ang bata, anupa’t napalugmok ito sa kanya, at gumugulong-gulong na bumubula ang bibig. “Kailan pa siya inalihan ng masamang espiritu?” tanong ni Hesus sa ama. “Mula pa po sa kanyang pagkabata!” tugon niya. “Madalas siyang ihagis nito sa apoy at sa tubig upang patayin. Kaya kung may magagawa kayo, mahabag po kayo sa amin at tulungan ninyo kami.” “Kung may magagawa!” ulit ni Hesus. “Mapangyayari ang lahat sa may pananalig.” Kaagad sumagot nang malakas ang ama ng bata, “Nananalig po ako! Tulungan ninyo ako bagamat ako’y nagkulang.”

Nang makita ni Hesus na dumaragsa ang mga tao, pinagsabihan niya ang masamang espiritu, “Ikaw, espiritung nagpapapipi at nagpapabingi – iniuutos ko sa iyo: lumabas ka sa bata! At huwag ka nang papasok sa kanya!” Nagsisigaw ang masamang espiritu, pinapangisay ang bata, at saka lumabas. Naging mistulang bangkay ang bata, kaya’t ang sabi ng marami. “Patay na!” Subalit siya’y hinawakan ni Hesus sa kamay at ibinangon. At tumindig ang bata.

Nang pumasok na si Hesus sa bahay, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alagad, “Bakit po hindi namin napalayas ang espiritu?” Sumagot si Hesus, “Ang ganitong uri ng espiritu ay hindi mapalalayas kundi sa pamamagitan ng panalangin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 7 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 24, 2019 at 9:22 pm

Reflection: The First Reading comes from a wise man named “Jesus Ben Sirach,” which refers to Sirach himself. This book is also known as “Ecclesiasticus”. You can only find this Biblical book in Catholic version of the Scriptures, since deuterocanonicals are also acceptable in the Church’s canonicity of the Bible. Sirach’s purpose of writing has always been centered on the love for the Law of God. This shows the call of each individual to faithfulness to the Lord and also towards one another. The wise man begins his account by affirming all creation to exist because of the one God who has made them. It is he who has made the due seasons of the earth fruitful and abundant for us to enjoy them. And it is in his Word where we can discern his divine wisdom. And truly this Word and wisdom is a reference to our Lord Jesus Christ, the Son of the Father, who is the fulfillment of the loving plan of salvation. The Gospel Reading gives us a picture of how the power of God is present in Jesus. We see here a faithless father who has been doubting and searching for a cure for his son being tormented by a demon. He also narrated to Jesus how the boy would attempt to go to drown in the lake and even to cast in the fire. Earlier the father has brought his son to the disciples, however they have not cured him. Even with all the worry and fear of the man, Jesus eases his emotions by assuring him that nothing is impossible to one who has faith. At this he humbles himself before the Lord to help his unbelief. And at the moment, Jesus has driven out the evil spirit from the boy, and the family has rejoiced for this spectacular occasion. This great miracle shows how faith is regarded as the “fear of the Lord”. Truly nothing is impossible for God to do for us what we need based on his time if we truly believe. And if we are truly faithful to him, thus we are also called to manifest this faith through our relationship with other people.

Reply

Leo Aler Mabansag February 20, 2023 at 2:41 pm

It is frigthening to confront the evil spirit in possession of a person especially if one himself is a habitual sinner! So, it a must for us, believers to really walk our faith and surrender ourselves in prayer to the power of God and not depend solely on our faith. We may still have lots of inadequacies with our faith and especially with our prayer life. A man is easily led to prayer when his faith is truly focus to God alone. Thank you po for the sharing.

Reply

Melba G. De Asis February 25, 2019 at 7:15 am

Walang imposible sa Diyos basta manalig tayo at manalangin na tayo ay pagalingin ng Panginoon.

Panginoon linisin Mo po ako at patawarin sa lahat ng ak8ngnpagkakasala at mga kanaan. Ako’y lubos na naniniwals at nanalig na ikaw ang makapagpapagaling sa lahat ng taglay kong karamdaman. Itinataas ko din po Panginoon ang lahat ng may mga karamdaman lalung lalo na ang aking kapatid na matagal ng pinahihirapan ng karamdamang hindi namin malaman kung saan nagmula, pati na ng lahat ng pinapahirapan ng mga karamdaman. Ang lahat nf ito’y itinataas ko po sa Inyo sa pamamagitan ni Jesus na maghahari magpasawalang hanggan.. For all this Lord, I praise you and I thank you. Amen

Reply

Edgar E. February 25, 2019 at 10:47 am

Ama sa Langit, maraming maraming salamat po sa lahat po, na inyong ibinibigay. Ama, gabayan nyo po ako, sa aking magagawang tulong sa aking kapwa, palagi nyo po akong papaalalahanan kung ako po ay napapalayo sa inyong Salita. Gawin nyo po akong instrumento para po mapabuti ang aking kapwa, hinihiling ko po eto sa pangalan po ng Panginoong Hesukristo, kasama po ng Espiritu Santo, Amen.

Reply

Reynald David Perez February 19, 2023 at 10:11 pm

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa natin ngayon ay mula sa Aklat ni Sirac, na mas kilala bilang “Jesus Ben Sirac”. Sinisimulan niya ang kanyang panunulat sa pagpaparangal sa dakilang Karunungan ng Diyos na nagmula pa simula’t sapul kasama ng Diyos. Ang Karunungang ito ang siyang nakatataho sa isip at loobin ng bawat tao. Kaya nga itong Karunungan ang siyang magpapahayag sa bawat tao ang mga bagay na maka-Diyos at ang pagpapasya ng tao kung paanong maging matapat at masunurin sa dakilang kalooban nito. Kaya nga ang ating Panginoong Hesukristo ay ang Karunungan ng Diyos dahil sa pamamagitan niya, matutunghayan natin ang anumang niloloob ng Diyos Ama para sa bawat tao.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang kasunod na kaganapan matapos ang Pagbabagong-Anyo ni Hesus sa Bundok ng Tabor. Natunghayan natin ang isang amang nagmamakaawa kay Hesus na pagalingin ang kanyang anak na lalaki na linililuhan ng masamang espiritu, na madalas ang batang ito ay nagpapakatirapa sa tubig ng ilog at lumalapit sa nagliliyab na apoy. At nakita rin natin ang sitwasyon kung paano na niyang dinala ang anak sa mga alagad ni Hesus, ngunit hindi kayang palayasin ang espiritu. Subalit tinapatan siya ng Panginoon sa hamon ng hanggang kailan ang isang henerasyong mag-aalinlangan sa kapangyarihan at habag niya. Ngunit dahil mahal ng ama ang kanyang anak, patuloy siyang nagmamakaawa, at ngayon ay humiling kay Hesus na tulungan niyang malampasan ang kanyang pag-aalinlangan. Dahil sa hiling nito, pinalayas ni Hesus ang demonyo mula sa anak ng lalaki, at naiwasto na ang paggalaw ng bata. At makikita rin kung paanong nagtaka ang mga alagad kung bakit ‘di nila kayang palayasin ang demonyo, na ang tugon naman ng Panginoon ay ang ganyang gawain ay nangyayari sa pamamagitan ng panalangin.

Ang ating Panginoong Hesukristo ay tunay na Diyos at tunay na tao. Nagpakababa siya sa ating abang katauhan (maliban sa pagkakasala) upang maging kaisa natin sa pamumuhay bilang tao, subalit hindi lang hanggang karaniwang tao ang pamumuhay, kundi ikabuhay natin ang kanyang pagka-Diyos sa ating pananampalataya bilang mga Kristiyano. Ang kanyang pagdanas ng pagdurusa bilang tao ang siyang naging daan tungo sa kaluwalhatian dahil sa kanyang pagtitiwala, katapatan, at pagiging masunurin sa Diyos Ama. Mayroon tayong mga pagkakataong mahirap maging alagad ni Kristo sapagkat dumadaan tayo sa mga matinding paghihirap, na minsa’y sumusuko na lang tayo na para bagang wala na tayong pag-asang umahon. Ngunit kung tayo nga ay may tunay na pananampalataya sa Panginoon na gagabayan niya tayong malampasan ang bawat pagsubok ng buhay, magagawa natin ang bawat paghakbang sa landas ni Kristo mula sa pagdurusa ng Kalbaryo patungo sa pagkabuhay mula sa libingan.

Reply

LEGS February 20, 2023 at 5:28 am

Dahil sa kasalanan ang tao ay magdurusa at hindi makakabalik sa piling ng Diyos. Magbago na tayong lahat habang may buhay pa.

Reply

Rosalinda m. Jubilado February 21, 2023 at 1:28 am

bakit hindi napalayas ng mga apostol ang demonyo…
dahil kulang tayo sa karunungan tungkol sa ating Panginoon.
ang Salita ng Diyos ay Karunungan ng Diyos.
sa unang pagbasa kung lilimiin natin ang bawat salita ay pakilala tungkol sa Diyos
na hindi dapat tayo magduda sa Kanya sapagkat Siya ay Diyos na di pa nilalang ang lahat ng bagay.
Siya ay Diyos na nakatataros ng lahat ng nilalaman ng ating puso , isipan, pakiramdam etc.
kung kaya ang nais ng ating Diyos Ama ay mabuo sa ating puso ang lubos na pananalig, pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya, sa Kanyang mga Salita na walang space ng pagdududa at takot.
because what you know about God is your prayer to Him.

ang anak ko ay nahulog from the second floor 2 year old siya noon.
habang lumalaki siya ay nariringgan ko ng complain ng pananakit ng ulo.
until one day nasa early twenties siya nag complain ng severe headache.
parang dinidrill daw sa sakit.
ang reaction ng ina ..worried, takot, etc.
but because of the knowledge about God that all healiings come from Him..
i talked to God from the heart. heart to heart talked with God.
sabi ng puso ko sa Kanya…
noong wala akong pera pampa doctor, Ikaw ang una naming hinihingan ng tulong kagalingan physical at tinutugon mo kami
ngayon may pera akong pampadoctor
pwede ko dalhin agad sa doctor.
but where isy faith in you if i do so.
mas gusto ko pa walang pera kesa may pera pero maubos sa hospital bills.
gusto ko Ikaw ang magpagaling sa anak ko Lord.
i dont want to bring him to the hospital.
then God remind me what He said to Jairo.. Do not fear, just believe..
then i heard a voice telling me to blow 3x on my son’s head.
then i told to my son…. you are healed.
my son received instant healing that very moment.
bilang utang na loob sa ating Panginoon lets us thank Him in prayer for 9 consecutive saturdays.sabi ko sa anak ko.
All the glory, honor and praises be to God.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: