Huwebes, Pebrero 9, 2023

February 9, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Binuwag ni Jesu-Kristo ang pader na naghihiwalay sa mga Judio at Hentil. Bilang isang sambayanan ng iisa, bago at walang hanggang Tipan, manalangin tayo sa Amang nagbubuklod sa atin.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng lahat ng bansa, pakinggan Mo kami.

Ang Simbahan sa buong daigdig nawa’y maging daluyan ng awa, kapayapaan, at pag-ibig ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang komunidad ng mananampalataya nawa’y hindi tayo magkahati-hati dahil lamang sa mga simple o walang kuwentang dahilan ng away at hindi pagkakaunawaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga inang nagiging balisa at nag-aalala tungkol sa kalusugan ng kanilang mga anak nawa’y huwag makalimot na tumawag kay Jesus para sa tulong at ginhawang kinakailangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga naghihingalo nawa’y makatagpo ng kagihawahan sa Diyos ng pag-ibig at awa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao na sa buhay na ito nawa’y magbunying walang hanggan sa tahanan ng Diyos Ama sa kalangitan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Diyos, aming kanlungan at lakas, nais mo na kami ay maging iisang sambayanan. Maging bukas nawa ang aming kalooban sa pangangailangan ng iba at huwag silang ihiwalay mula sa aming pagsasamahan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez February 11, 2019 at 11:51 am

Pagninilay: Nakatagpo ni Hesus ang babaeng taga Phoenicia, isang Griyego, na humihiling ng pabor na ipalayas ang demonyong sumasanib sa kanyang anak. Sinabi ni Hesus sa kanya na hindi tama na itapon ang pagkain ng mga bata at ibigay sa mga aso. Ngunit sinabi ng babae na kahit ang mga mumog na natapon sa paanan ng mesa ay kinakain ng mga tao. Natuwa ang Panginoon sa napakalaking pananampalataya ng babae at gumaling ang anak ito. Sa pagsubok nito ng pananampalataya, makikita rito ang isang hadlang sa pagitan ng mga Hudyo at Hentil. Para sa mga Hudyo, sila lamang ang piniling bayan ng Diyos, at ang Hentil ay tinuturing nila bilang mga pagano at walang pag-asa. Makikita natin sa Unang Pagbasa na ang Diyos ay puno ng awa sa tao. Kaya nang nilikha niya ang mundo, hindi niya hinangad na mag-isa lamang ang lalaki. Kaya ginawa niya ito ng kasama, at mula sa dibdib nito ay ginawa niya ang isang “babae”. At ito’y mahalaga sapagkat ipinagtibay ng Panginoon ang pagsasama ng 2 katauhan tungo sa iisang laman sa pamamagitan ng Sakramento ng Kasal. Ito’y patunay lamang sa 2 Pagbasa na ang Panginoon ay mahabagin at maawain. At kailangan nating makita at maisabuhay ang kanyang dakilang pagmamahal sa atin at sa ibang tao. Manalig lamang tayo sa kanya at patuloy na gumawa ng mga mabubuting bagay.

Reply

SAINTSPOT February 9, 2023 at 4:41 am

PLEASE SHARE & SUBSCRIBE
“SAINTSPOT” on Youtube at https://youtube.com/watch?v=ukKGHWyc1gY&si=EnSIkaIECMiOmarE

GOSPEL REFLECTION:
…Nabalitaan ng isang inang may maliit na anak na babaing inaalihan ng masamang espiritu. Pumunta siya agad kay Hesus at nagpatirapa sa kanyang harapan. Ang babaing ito’y Hentil – tubo sa Sirofenica. Hiniling niya kay Hesus na palayasin ang demonyo na nasa kanyang anak.

Makapangyarihan ang pagmamahal ng magulang. At malinaw na mahal ng babae sa kwentong ito ang kanyang anak na babae. Ang pag-ibig na iyon ang nagtulak sa inang ito na hanapin si Hesus sa pag-asang palalayain siya.

Tugon ni Hesus sa kanya, “hindi marapat na kunin ang pagkain ng mga bata at itapon sa mga aso.” Ang mag-ina ay mga Hentil at tinukoy ni Hesus silang “mga aso.” Ganito ang sinabi ni Jesus sa babaeng ito dahil nakikita Niya ang malalim na pananampalataya nito, at nais Niyang bigyan siya ng pagkakataong ipakita ang pananampalatayang iyon para makita ng lahat at maging huwaran.

Napakaganda ang naging tugon ng babae kay Jesus? sabi niya, “Tunay nga po Panginoon, ngunit ang mga tuta mang nasa ilalim ng hapag ay naninimot ng mga mumong nalalaglag ng mga anak..” Dahil sa pananampalatayang ito, humanga si Hesus at pinalaya ang kanyang anak.

Pag-isipan ngayon, ang maganda at perpektong halimbawa ng babaeng ito na may malalim na pananampalataya. Ganito ba tayo lumalapit sa Diyos? may kababaang-loob, puno ng pag-asa at pagmamahal? Kaya’t ipagdasal mo na magaya mo rin ang kanyang kabutihan upang mabahaginan ka sa mga biyayang natanggap nila ng kanyang anak.

Aking mahabaging Panginoon, ako ay nagtitiwala sa Iyong pag-ibig na walang katulad. Mangyari tulungan mo akong lumaya sa aking mga mabibigat na pasanin at magkaroon ng kababaang-loob at pananampalataya sayo upang ako’y maging inspirasyon para sa iba. Hesus, nagtitiwala ako sa Iyo.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: