Miyerkules, Pebrero 1, 2023

February 1, 2023

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Tinanggihan si Jesus ng sariling niyang kababayan. May pananalig nating tanggapin siya bilang ating Panginoon at Tagapagligtas.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos ng karunungan at lakas, basbasan Mo kami.

Ang mga namumuno sa Simbahan nawa’y ipahayag ang Salita ng Diyos nang may katapangan at isabuhay ito nang may pananalig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng mga Kristiyano nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos sa mundong hindi naniniwala sa kanya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga misyonero nawa’y magkaroon ng tiyaga at hindi manghina ang kalooban sa paghahasik ng mensahe ng Diyos sa mga pook na hindi bukas sa pagtanggap dito, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at yaong mga nabibigatan sa buhay nawa’y makita ang pag-ibig at pagkalinga ng Diyos sa pamamagitan ng malasakit ng kanilang mga kapamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y magtamasa ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, buksan mo ang aming mga puso sa iyong Salita. Patawarin mo kami sa mga pagkakataong tinanggihan naming makinig sa iyong katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno February 3, 2019 at 4:46 pm

Sinabi sa Unang Pagbasa, huwag siyang alalahanin ang kanyang anak kung babagsak siya ng Panginoon at huwag ding mawawalan ang kanyang pag-asa kapag siya ay pinarusahan dahil niluluwalhati ng Panginoon ang kanyang pagmamahal sa kabila ng itinuturing niyang tunay na anak.

Reply

Reynald Perez February 4, 2019 at 6:11 am

Pagninilay: Ang Unang Pagbasa ay isang paalala kung paanong itinutuwid ng Diyos ang sangkatauhan, kung paanong dinidisiplina ng isang ama ang kanyang mga anak. Ito ay isang panawagan na maging banal katulad ng ating Diyos Ama upang matunghayan natin ang kanyang dakilang kalooban. At kapag naging matapat tayo sa ating pamumuhay, balang araw ay makikita natin siya at makakapiling kailanman sa kanyang kaluwalhatian. Masakit naman ang naransan ni Hesus sa Ebanghelyo nang tanggihan siya ng kanyang mga sariling kababayan sa Nazaret. Tingin nila sa kanya ay isa lamang siyang karpintero at imposibleng maging Tagapagligtas. Hindi nila makikita ang kanyang katauhan bilang propeta na isinugong ipahayag ang mensahe ng Diyos. Kaya sinabi ni Kristo na walang propetang tinatanggap ng kanyang sariling bayan. Makikita dito sa pagbabalik ni Hesus sa kanyang sariling bayan ang pagbabalik sa kanyang pinagmulan bilang tanda ng pagpapakumbaba. Pumasok siya sa sinagoga upang makisabay sa pagsamba at ipahayag ang mensahe ng Diyos. Ngunit hindi siya tinanggap ng kanyang sariling mga kababayan dahil mas pinahahalagahan nila ang kultura ng tsismis kaysa sa kahalagahan ng mensaheng hatid ni Kristo. Kaya nga huwag po tayong maniwala sa lahat nating naririnig ngunit suriin muna kung ito’y katanggap-tanggap ayon sa pamantayan ng Panginoon. Nawa’y tanggapin natin siya bilang tunay na kaligayahan ng ating buhay, at sundin natin ang kanyang kalooban sa pagiging saksi sa kanyang Salita.

Reply

Melba G. De Asis February 7, 2019 at 5:08 pm

Pagkapanganak natin andyan ang ating ina at ama para tayo ay mahalin, gabayan, turuan ng mabuti pero sa oras na may nagawa tayong mabigat na kasalanan tayo ay pinagsasabihan at kung kailangan ay pinapalo tayo para ipaalam sa atin na tayo ay nagkamali. Ang pagdisiplina ng magulang ay tataglayin ng isang anak hanggang sa paglaki at siyang magiging gabay niya sa kaniyang buhay upang makamtan ang tagumpay. Malalaman ng isang anak ang mga kabutihan ng magulang kapag nagtagumpay na siya at mataas na ang kaniyang narating sa buhay.

Sa panahon ngayon may mga pagkakataon na ang boses ng isang mahirap madalas ay ipinagwawalang bahala lang at mas pinakikinggan ang salita pag
mataas na tao ang nagsasalita. Ganito ang nangyari noong panahong nangangaral ang Panginoon sa kaniyang bayan dahil anak lang siya ng karpintero na itinuturing na mababa ang pagkilala ng lipunan. Hindi makapaniwala ang kanyang mga kababayan at nagtataka saan nanggagaling ang kanyang mga salita na ipinangangaral sa kanila at ang katunayan iyon ay nanggagaling mula sa Ama na nagsugo sa Kanya.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: