Linggo, Setyembre 18, 2022

September 18, 2022

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (K)
Patnubay sa Misa

Inaasahan tayong gamitin natin ang mga kaloob ng Diyos at mga pagkakataon sa buhay nang buong husay at nang may malawak na pananaw. Magpakumbaba tayong manalig at idalangin natin ang tulong ng Diyos sa sabay-sabay nating panalangin:

Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa Santo Papa at ibang mga pinuno ng Simbahan: Nawa huwag silang magsawa sa pangangaral ng katapatan sa pangangalakal, katarungan para sa mga dukha, at pangingibabaw ng mga espirituwal na pagpapahalaga sa kasaganaang materiyal. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong layko at lahat ng nanunungkulan: Nawa gamitin nila ang kanilang katungkulan sa pagtataguyod ng katarungan at kapakanang panlahat, sa halip ng pagsisikap para sa sariling kapakanan. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng pinaghabilinan ng edukasyon ng kabataan: Nawa tupdin nila ang kanilang tungkulin na parang isang misyon at hindi para sa materiyal na pakinabang. Manalangin tayo!

Para sa mga tagapag-ingat sa pananalapi ng bayan: Nawa magsikap sila nang walang pag-iimbot para sa ikagiginhawa ng mga dukha. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Gamitin nawa natin ang lahat ng ating espirituwal at materiyal na kayamanan para sa sarili nating ikababanal. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil sandali.) Manalangin tayo!

Ama, ipagkaloob Mo sa aming pakinabangang mabuti ang mga pagkakataon sa buhay na ito alang-alang sa “piging na walang maliw” na inihanda Mo sa langit para sa amin. Isinasamo namin ito sa ngalan ng Panginoong si Hesus. Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 2 comments… read them below or add one }

Reynald Perez September 15, 2019 at 11:55 pm

Reflection: The Readings for today speak about trustworthiness and dependence/faith in the Lord. In the First Reading (Amos 8:4-7), we hear this shepherd-prophet Amos who comes into the Northern Kingdom (Israel/Samaria) under the reign of King Jeroboam II. He noticed that their livelihood and culture is very rich and prosper, however he denounced their wicked ways against the Lord since the time they have separated from the Southern Kingdom (Judah), who is faithful to the Davidic line and the message of Yahweh. That is why one of themes of his prophecy is social injustice because the rich are belittling the poor. So God will not forget their wicked acts. Therefore, the trust given to them will be taken away. In the Gospel (Luke 16:1-13 or 16:10-13), Jesus tells a parable of this certain steward who wasted the master’s property. So the master plans to discredit him from service. As a result, the steward acknowledges what he has done and fears his livelihood if he’s not anymore at service. So he decided to call the master’s debtors and settle their debts, and the master was pleased with the prudence shown by the shrewd steward.
My brothers and sisters, we do not own our lives on earth, but God does. We exist in this world because we have a purpose, and that is the mission he entrusts us. We are called to be trustworthy in the Lord’s vineyard. Everyday we reap the harvest through our perseverance in religious works and acts of charity towards others. We receive many blessings from those whom we help. But we should also depend on God who is the source of all these blessings. It is not bad to trust in money and worldly cares, but to put this all above God by being greedy is already idolatry and mammon. That is why in the Second Reading (1 Timothy 2:1-8), Saint Paul tells us to trust in God in our work and in all circumstance, even in his Son Jesus Christ, our Mediator. So as we journey down this world, may be trustworthy stewards of God’s creation by not harming others but lifting them up, fulfilling the mission he entrusted us, and putting our faith in him in every daily routine.

Reply

Reynald Perez September 17, 2022 at 2:57 pm

PAGNINILAY: Ang ating mga Pagbasa ngayong Linggo ay nagpapaalala sa atin kung paano dapat tayo magkaroon ng tunay na ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa, sa kabila ng mga umuusbong na karangalan at karangyaan.

Ang Ebanghelyo ay ang Talinghaga tungkol sa Tusong Katiwala. Ito ay ikinuwento ni Hesus sapagkat ang nakapalibot sa kanya ay mga eskriba at Pariseo na nais lang pinatasan siya at ayaw rin maniwala sa kanyang pagsasaksi tungkol sa habag ng Diyos sa mga makasalanang tao, subalit sila pa ang mismong kapit sa mga makamundong karangalan at posisyon. Kaya sinabi ni Hesus itong talinghagang ito upang ipaalala sa atin na ang buhay ay hindi nating pinag-aarian, ni hindi rin nakasentro sa pansariling interes kung ano lang ang gusto natin mangyari. Kung baga ay buhay ay isang regalo ng Diyos na iniatas sa atin upang alagaan natin ito at paunlakan sa mas makabuluhang paraan na pamumuhay at mas lalong pagbunga ng kagandahang-loob. Ito ang nangyari sa tusong katiwala na tinanggal na sa serbisyo, ngunit inasikaso pa rin ang mga may-utang sa kanyang amo, bago pa man ipaalis sa pwesto. At sinabi nga sa huli ay pinuri ng amo ang katiwala hindi dahil sa paglustay ng pera, kundi sa maayos na pakikipagkasundo sa mga taong may utang sa kanya. At sinabi nga ng Panginoon na kaibiganin natin ang makamundong kayamanan, sapagkat hindi man natin ito pinag-aarian lahat, kundi kung anuman ang pinagkatiwalaan ng Diyos sa atin ay mas lalo nating pag-igtingan nang may karunungan at mas higit pa na pananalig sa kanya. Kaya nga sinabi nga ni Hesus na hindi natin maaaring paglingkuran ang Diyos at ang kayamanan, sapagkat ang tunay na pagsisilbi at pagsunod sa Panginoon ay naghuhudyat na kailangan natin ikalas ang anumang bagay na nagpipigil sa atin na sumunod sa kanya.

Mga kapatid, mahirap man isipin na ang lahat ng bagay sa mundo ay lilipas din. Bagamat may kakayahang tayo na iunlad ang ating kayamanan, darating ang araw na mawawala din ito. Ngunit ang hindi kailanman mawawala sa ating karanasan ay ang mismong buhay natin, sapagkat ito ay isang biyaya na palagi nating pinagigisingan tuwing umaga (matapos natin tulugan ito tuwing gabi). Kaya nga ang biyaya ng buhay ay kailanman hindi natin pag-aarian, kundi ito ay ipinagkatiwala ng Diyos upang gawin natin ang tungkulin na gawing makabuluhan ang buhay na ito.

Isang halimbawa ay ang hamon ni Propeta Amos sa Unang Pagbasa, na hindi dapat natin niyuyurakan o inaapi ang mga itinuturing na mahihirap at dukha (pisikal man, emosyonal, o espirituwal), kundi dapat tratuhin natin sila ng tama at tulungan natin sila ng kahit paano na makaahon sa buhay at pakikipagrelasyon sa Panginoon. Sapagkat iyan ang isa sa mga ikinasusuklam na kasalanan, dahil dinig ng Diyos ang panaghoy ng mga mahihirap na palaging pinaghihirapan. Isa namang halimbawa ay ang paanyaya ni San Pablo sa Ikalawang Pagbasa na ang ating mga panalangin at kahilingan ay ialay natin sa Diyos hindi lang para sa ating pansariling kagustuhan, kundi para sa mas ikinabubuti ng ating kapwa, sapagkat iisang Diyos ang tumutugon sa panalangin ng bawat isa. Minsan natin naririnig sa bawat tao na ipagdasal natin sila (pasasalamat man iyan, espeyal na kahilingan, paghilom, o kaya ang paghimalay ng kaluluwa ng kanilang mahal na yumao), at lagi natin silang sinisiguraduhan na matutugon natin ang kanilang mga panalangin. Kaya ito dapat ang ating tama na pag-uugali, na kapag tayo ay nananalangin, lalo na tayo ay nagdiriwang pinakahigit na ayon ng panalangin (Eukaristiya), alalahanin natin na hindi lang tayo nag-iisa na dumadasal, kundi ang buong Sambayanan ng Diyos na nanalangin sa bawat intensyon ng bawat tao.

Marami pang bagay ang maaari nating gawin upang gawin makabuluhan at magbunga ng kabutihan sa buhay na kaloob sa atin ng Panginoon. Ang mahalaga ay patuloy tayo na magtiwala sa kanya sa kabila ng mga karangyaan at makamundong panluluho, at sa gayon ay matutupad natin ang tungkulin na maging tunay na katiwala ng pag-ibig, kagandahang-loob, at katapatan.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: