Linggo, Nobyembre 14, 2021

November 14, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Patnubay sa Misa
Ika-33 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)

Ipinaaalaala sa atin ngayon ng ating pananampalatayang tayo’y papalapit na sa “bagong langit at bagong mundo” na pagpapasiyahan ng ating asal sa buhay na ito. Sa harap ng ating mga pagkukulang, idalangin natin sa Panginoon ang kailangan nating tulong para tayo maging lalong tapat. Manalangin tayo:

Mahabaging Panginoon, dinggin Mo kami!

Para sa buong pamayanan ng mga mananampalataya at mga namumuno rito: Nawa patuloy silang maging saksi sa tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan. Manalangin tayo!

Para sa ating mga pinunong pulitikal at pambayan: Nawa ay huwag nilang kalimutan na dapat nilang panagutan ang anumang sama na kanilang ginawa at ang mabuting di nila nagawa. Manalangin tayo!

Para sa mga labis na nahuhu- maling sa interes na materiyal: Nawa kailanma’y huwag nilang makaligtaan ang mga katunayang naghihintay sa lahat ng tao sa wakas ng panahon. Manalangin tayo!

Para sa mga pinanghihinaan ng loob dahil sa marami nilang pagkabigo sa kanilang buhay at sa kasaysayan: Nawa makahango sila ng ginhawa at inspirasyon sa katiyakan ng matagumpay na pagbabalik ni Kristo. Manalangin tayo!

Para sa mga kapwa nating nasa bingit ng kamatayan: Nawa salubungin nila ang Panginoon nang may matatag na pag-asa sa Kanyang mahabaging pag-ibig at sa tulong ng ating pamamagitan. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat at sa ating mga mahal sa buhay: Nawa huwag tayong mabahala sa mga bali-balita tungkol sa nalalapit na katapusan ng mundo, bagkus maging handa sa pagsalubong sa Panginoon sa pamamagitan ng pamumuhay na tapat sa Kanya. Manalangin tayo!

Tahimik nating ipanalangin ang ating mga pansariling kahilingan. (Tumigil saglit.) Manalangin tayo!

Panginoong Diyos, darating ang Iyong Anak na si Hesus upang hatulan ang mga nabubuhay at mga yumao. Itulot Mong mabuhay kami sa Iyong pagpapala ngayon, upang sa Araw ng Paghuhukom, mapatuloy kami para mabuhay sa Iyong presensiya magpakailanman.

Amen!

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Melba G. De Asis November 18, 2018 at 11:46 am

Ang lahat ng bagay ay mawawala pati ang langit at lupa ngunit ang salita ng Panginoon ay mananatili at matutupad ayon sa nasusullat. Ang Kanyang mga salita at iniuutos sa atin na inihayag sa Bibliya ay sapat na para maging gabay natin sa ating buhay at dapat sundin para kamtan natin ang pangakong buhay na walang hanggan ipagkakaloob ng Panginoon.

Panginoon nawa’y tulungan mo akong maging matatag sa pagtupad ng Iyong mga utos, palaging maging masunurin at tapat sa Iyo at gumawa ng mga bagay na ikalulugod Mo sa lahat ng panahon ng aking buhay dito sa lupa. Nawa’y patawarin Mo po ako sa mga naging pagkakasala ko sa aking kapwa lalu na sa aking mga Magulang. At salamat po Panginoon na sa kabila ng aking mga pagkakasala ay patuloy Mo pa rin akong minamahsl at pinagkakalooban ng Iyong pagpapatawad. Ikaw na po Panginoon ang bahala sa aming mga pangangailangan sa araw araw at nawa’y ipagkaloob mo po sa akin at sa buo kong pamilya pati na ng lahat ng may karamdaman ang lubos na kagalingan sa taglay naming mga karamdaman, sa sakit ng aming kaluluwa, at katawan. Buo ang aking pananalig at inaangkin ko na po ang aming kagalingan ng may pasasalamat sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Hesus Maria ipanalangin nyo po kami. Amen.

Reply

Reynald Perez November 7, 2021 at 4:47 pm

PAGNINILAY: Ngayong Linggo ay isang tanda na patapos na ang Taong Panliturhiya ng Simbahan. Sa susunod na Linggo ay ating ipagdiwang ang Kapistahan ng Pagkahari ni Kristo sa Sanlibutan. Kaya ang bilang na “33” ay mahalaga sapagkat ito ang edad ni Hesus nang namatay siya sa Krus at muling nabuhay. Sabi nga sa Ikalawang Pagbasa na ang Pagkamatay niya sa Banal na Krus ay ang pinakaperpekto sa lahat ng mga handog na hindi na kailangan pang mag-alay ng mga pisikal na handog. Kaya nga si Kristo ay ang ating Dakilang Saserdoteng namamagitan sa atin patungo sa Amang Diyos na nasa langit.

Kaya ang Ebanghelyo ay nagsasaad na tayo ay may hangganan sa mundong ito. Ang tawag ng mga dalubhasa tungkol sa katapusan ay “Eschatology”, isang disiplina ng Teolohiya kung saan pinag-aaralan ang mga huling kagapan ng buhay dito sa daigdig. Kaya dito pumapasok ang mga konsepto ng Kamatayan, Pagkabuhay, Paghuhukom, Kalangitan, Impiyerno, at Purgatoryo. At sinasabi ni Hesus sa Ebanghelyo na ang katapusan ay katulad ng mga nahuhulog na dahon ng puno ng igos bilang tanda ng papalapit ang tag-araw. Kaya nga itong pagdilim ng araw, hindi pagliwanag ng buwan, pagbagsak ng mga bituin, at pagyanig ng mga kapangyarihan, ay hindi dapat maghasik ng takot sa damdamin ng tao. Ni hindi man natin dapat iniisip na ang mga kalamidad katulad ng lindol at bagyo ay tanda na raw ng katapusan ng mundo.

Ang pinakahalaga sa ating mga buhay ay ang ating pananampalataya sa Panginoon. Katulad ng mga taga-Israel na binihag ni Antioquio Efifanes sa Unang Pagbasa, tayo ay pinapalakas-loob sa tagumpay ng Diyos laban sa mga kasamaan ng mundo at takot na napapalibot sa puso’t isipan ng bawat tao. At sa hantungan ng ating buhay ay hindi lang kamatayan, kundi mayroon pagkabuhay tungo sa walang hanggan. At itong walang hanggan ay kailangan patungo sa itaas dahil sa ating kabutihan, hindi patungo sa ibaba dahil sa mga masasamang gawain. Kaya sa Parousia/Ikalawang Pagdating ni Kristo, titipunin niya ang lahat ng mga kalat-kalat na indibidwal upang ihatol ayon sa pagmamahal na ipinakita ng bawat isa.

Kaya sa ating buhay-pananampalataya, nawa magkaroon tayo ng pananampalataya at pag-asa sa paghahangad ng kaligayahan ng walang hanggan kapiling ang Diyos sa pamamagitan ng pagmamahal sa kanya at sa ating kapwa na gaya ng ating sarili.

Reply

Ferdy Baetiong Pariño November 14, 2021 at 12:16 pm

Ano ang hamon at aral ng ebanghelyo ngayon?
Kailan dapat magbago? Maliligtas pa ba ang makasalanan? Ano ang dapt gawin?

Hindi pa huli ang lahat kapatid, simulan mo ngayon, anong kadiliman ka man naroroon, magsisis ka, pagsisihan ang nagawa mong kasalana simula sa maliit at sa malala. Ihingi mo ito ng kapatawaran, maawain si Hesus at mapagpatawad. Pagkatapos ay sikaping matalikuran na ang pagawa ng kasamaan.

Tatanggapin tayo ni Hesus, kinalulugdan nya ang taong nagbabalik loob sa kanya lalo na ang mga taong makasalanan at nagnanais magpakabanal. Tandaan mo na iniwan ng mabuting pastol ang 99 na tupa upang hanapin ang isang nawawala at naliligaw ng landas. At kapag natagpuan nya ay nagdidiwang sya. Ganuon din si Hesus sa atin. Kay ngayon na kapatid, umpisahan mong magkaroon ng relasyon sa Panginoon.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: