Podcast: Download (Duration: 7:38 — 5.4MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules
Ipinahayag ni Kristong ating Panginoon ang kanyang mapagligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang mapagpakasakit na Lingkod, ilahad natin sa Amang mahabagin ang ating mga panalangin.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Gawin mo kaming mga tunay na lingkod, O Panginoon
Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging tunay na mga lingkod na kumikilos na mayroong malasakit na tulad nang ipinakita ni Kristo sa kanyang mga tagasunod, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga pinuno ng mga gobyerno, nawa’y gamitin nila ang kanilang katungkulan para sa kabutihan ng kanilang pinamamahalaan at iwasan ang away at kawalang-tiwala, manalangin tayo sa Panginoon.
Ating lahat nawang mapagtanto na ang tagumpay sa mata ng Diyos ay hindi nasusukat sa mga panuntunan ng mundo kundi sa paggalang na ibinibigay natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga maysakit nawa’y kanilang maunawaan na nagiging isang dakilang biyaya ang paghihirap nila kapag iniugnay sa paghihirap ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga tapat na yumao nawa’y makatagpo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.
Makalangit na Ama, tulungan mo kaming maglingkod sa bawat isa katulad ng iyong Anak na ibinigay ang kanyang buhay para sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Huwebes, Mayo 20, 2021
Huwebes, Mayo 27, 2021 »




{ 3 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay isang panalangin ni Sirac sa Diyos ng pagtulong sa bayang Israel na nagdurusa at nagdalamhati dahil sa mga paghihirap dulot ng pagkaalipin sa kanila ng mga mababagsik na lungsod. Maraming iskolar ng Bibliya ay naniniwala na itong mga pagsasakop na nagyari sa Israel & Juda ay dahil sa pagsusuway at pagmamatigas ng tao laban sa Diyos. Subalit naniniwala ang manunulat ang Panginoon ay mahabagin dahil may mga taong matutuwid at may takot sa Diyos na sobrang hirap na hirap na ang pinagdaraanan. Kaya ang pagsamo ng bawat tayo sa Panginoon ay pinaniniwalaan na ang Diyos ay dumidinig sa kanilang mga panalangin, at tumutugon siya sa kanyang oras at ayon sa kanyang grasya. At alam ng tao na mayroong dapat gawin sa buhay na ito upang mas maging mapagpala ang relasyon sa Panginoon.
Ang Ebanghelyo ngayon ay isang paghiling ng magkapatid at mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan kung pwde silang makaupo sa kanan at kaliwa ni Kristo kapag siya’y iluluwalhati na. N’ung tinanong sila ni Hesus kung iinom sila mula sa kalis ng paghihirap at mabibinyag ba sila ng binyag na kanyang ginampanan, ang tugon nila ay isang Oo. Kaya nakita ni Hesus ang kanilang kakayahang gawin ang dalawang bagay na iyon, subalit ang kanilang hinihiling ay hindi basta-basta lang ibibigay sa kanila, kundi para sa mga taong inihanda ang mga pwestong iyon. At nang marinig ng ibang Sampung Apostol, sila’y nagalit sa dalawang magkapatid. Kaya tinipon silang lahat ni Hesus at sinabi na ang mga matataas na pinuno ng mundo ay nagpapamalas ng kanilang awtoridad, ngunit hindi ito ang pamantayan ni Hesus. Kaya sinabi niya sa kanyang mga Apostol na ang sinumang nagnanais na maging una ay magiging huli, at ang sinumang nagnanais na maging dakila ay dapat maging lingkod. At bilang isang huwaran, si Hesus na Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran, kundi maglingkod, at ialay ang buhay upang mailigtas ang lahat.
Ang bawat karanasan ng tao ngayon ay may dahilan kung bakit nangyayari iyon. At ang mahalaga rito ay sa kabila ng matinding paghihirap, patuloy tayong magtiwala sa Diyos dahil siya ang ating makakapitan. At habang ginawa natin iyon, tayo ay maging mabuting tao sa ibang tao, lalung-lalo na kapag tayo ay inaatasang mamuno sa isang grupo, tayo nawa ay magpakumbaba at maglingkod bilang ating pagmamahal sa kanila.
Paano ka mamuno? Ang daming mga naghahangad na mamuno. Lalo na ang mga pulitiko. Nanghihikayat sila upang maluklok. Ngunit ang kapasyahan ay nasa taong bayan. Kaya nga laging mag-isip huwag papadala sa pera at sa mga pangako. Iba ang pamantayan ng ating Panginoon sa liderato. Ang pagiging mapagpakumbaba at ang pagbibigay ng sarili sa misyon. Sino pa kaya ang ganito ngayon? Sana meron pa. Kung ganitong uri ang lederato meron sa pamayanan, magiging masaya ang mga taong namumuno. Hindi siya nabuhay sa ganang sarili, ngunit para sa taong bayan. Kaya nga ikaw ba kapatid, paano ka mamuno?
Humility ang nais ipahawatig ng ating ebanghelyo ngayon, Marami sa atin ang naghahangad ng kapangyarihan, katanyagan, angat sa iba, kinakatakutan, boss o kaya’ y ginagalang sa lipunan. Hindi masama ang mangarap, kung marating mo man ang mga posisyon na nabanggit ay wag maging mapagmataas, sapagkat kung narating mo man yan dahil sa iyong pagsisikap ay hindi rin mangyayari kundi niloob ng Diyos. Kaya nararapat na ikaw ay maglingkod sa mas nakakababa sa iyo bilang ganti sa matinding biyaya na natamo mo. Wag na wag kang mang aapi ng kapwa ng dahil sa tingin mo’y mas nakaka angat ka sa kanila. Dahil sa isang iglap lamang ag kayang bawiin ni Hesus kung ano ang mayroon ka ngayon. Napatunayan ito ngayong pandemya, maraming mayayamang negosyante ang biglang bumagsak ang negosyo na hindi mo akalain. Manatiling mapagkumbaba kahit ikaw ay boss na o kung anuman ang natamo sa buhay. Pakatandaan na ang nagmamakataas ay ibinababa, at ang nagmamakababa ay itinataas… Ng Ama.