Sabado, Mayo 15, 2021

May 15, 2021

PANALANGIN NG BAYAN
Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Inaanyayahan tayo ni Jesus na ilapit ang ating mga kahilingan sa Ama sa pamamagitan niya at tinitiyak niya ang ating madaramang kagalakan bilang tugon sa ating mga panalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, gawin mong lubos ang aming kagalakan.

Ang mga pinuno ng Simbahan, sa pamamagitan ng kanilang pangangaral at patnubay nawa’y umakay sa atin sa kaluwalhatian ng ating tahanan sa Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nanunungkulan sa pamahalaan nawa’y pagkalooban ng biyayang makapaglingkod nang may katapatan at dangal, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong naghihirap at may mabibigat na pasanin sa buhay nawa’y makatanggap ng lakas mula sa Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng ginhawa at pagpapalakas ng loob mula sa kanilang mga mahal sa buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal sa buhay na namayapa na, ay maihatid nawa sa kagalakan at kaluwalhatian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, sa tuwina’y dinidinig mo kami at ipinagkakaloob ang lahat ng aming hinihiling sa pamamagitan ng mga kagalingan ng iyong Anak. Manatili nawa sa amin ang iyong Espiritu upang ituro sa amin kung ano ang nararapat naming hilingin sa Diyos at ibuhos ang iyong mga biyaya sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 3 comments… read them below or add one }

Reynald Perez May 6, 2021 at 1:27 pm

PAGNINILAY: Tayo ay nalalapit na sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat ng Panginoon sa Langit. Ito ang tanda na si Hesus ay aakyat na sa langit patungo sa kanyang pinanggalingan, na makasama ang kanyang Ama nating Diyos. Nang siya’y naging tunay na Tao, nagpakumbaba siya sa dakilang kalooban at naging masunurin hanggang sa pagsapit ng kamatayan sa Krus. Ngunit sa kanyang Muling Pagkabuhay, siya’y nabuhay bilang Diyos ng tagumpay.

Kaya matapos ang 40 araw sa pagpapakita sa hindi kumukulang na 500 saksi, nakatakda na ang katapusan ng kanyang misyon dito sa daigdig. At sa kanyang pagbalik sa Ama, siya’y naghahanda rin ng isang tahanan upang tayo’y manahan kapag nakamit na natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Kaya nga sa misteryo ng Simbahan, ang Pag-akyat ni Hesus sa Langit ay tanda kung saan ang Ulo ay naunang umakyat sa kalangitan, tayong napapabilang sa Simbahang sumasagisag sa Mistikong Katawan ni Kristo ay inaanyayahang tumahak sa kanyang landas ng kaluwalhatian.

Kaya ang ating Ebanghelyo ay isang patunay na si Hesus ay ang ating Tagapamagitan patungo sa Diyos Ama. Kaya kung anuman ang hinihiling natin sa kanya, kung tayo man ay mayroong kababang-loob, taospusong pasasalamat, at kabutihan ng pag-uugali, maraming biyaya ang ipagkakaloob sa atin ng Diyos. At ang nais ipagkaloob sa atin ni Hesus ay pagmamahal, dahil siya’y kinalulugdan ng Diyos, at minahal ng Ama ang mundo kaya’t isinugo ang Anak. Kaya kung tayo’y minamahal ng Diyos, ang ating tugon ay mahalin siya at magmahalan. Ito ay ang ating layunin sa buhay na ito habang nanabik tayo sa kaganapan ng Paghahari ng Diyos, at makakamtan natin sa araw na yaon ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan.

Nawa’y palagi po tayong pagpalain ng Panginoon sa kabila ng ating mga pinagdadaanan sa buhay.

Reply

Sherwin D. Yanoria May 15, 2021 at 8:29 am

Ano nga ba ang magandang hilingin sa Diyos? Kadalasan sa panahon natin napakarami nating hinihingi sa Diyos, ang matapos ang pandemya, magkaroon ng trabaho ang paggaling sa sakit at ang magkaroon ng pagkain. Ang lahat ng ito ay panandalian lamng. Ito ay para sa mundong ginagalawan natin. Ngunit ang para sa ating buhay espirituwal ano ang ating hinihiling? Baka Diyos ang humihiling na sana ay magsimba tayo, magdasal ng rosaryo o di kaya’y talikuran na ang kasalanan. Ano ba ang ating pinahahalagahan ang materyal o espirituwal. Naway pahalagahan natin ang mga bagay patungo sa pagmamahal ng Diyos.

Reply

Ferdy Baetiong Parino May 15, 2021 at 11:45 am

Ganoon kabuti si Hesus, hinihintay nya na tayo at humingi sa Ama sa pangalan nya at ipagkakaloob nya. Pero si Hesus ay hindi parang Genie na hihihiling ka lang ng hihiling sapagkat sya mismo ay meron ding hiling sa atin. Yun ay ang mag ibigan. Pag isinapuso mo ang salitang pag ibig, hindi mo namamalayan na nasusunod mo na din ang mga kautusan. Dahil ang sampung utos ng Diyos pag sinuma mo ay pagmamahal sa kapwa lahat ang puno’ dulo kahit saan mo tingnan. Ngayon kung ikaw nman ay makasalan, sapagkat lahat nman tayo ay nagkakasala, may chance ka pa din. Ihingi mo lang kapatawaran ang mga ito pagsisihan at sikapin hindi na muli makagawa na sala sa tao at sa Diyos. Magugulat ka na lamang sa biyayang darating, at wag kalimutang magpasalamat.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: