Miyerkules, Hunyo 26, 2024

June 26, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Nagdulot sa atin ng panibagong buhay ang Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Jesus. Sa pamamagitan ng ating mga panalangin, tayong mga makabagong propeta nawa’y makapagdulot ng mabubuting bunga sa Simbahan at sanlibutan.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin Mo kami ng iyong kabutihan.

Ang Simbahan nawa’y umakay sa mga Kristiyanong mananampalataya sa daan na naghahatid sa pinahahalagahang pag-ibig, katarungan, at katotohanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga dukha nawa’y huwag mapagsamantalahan o mailigaw ng mga huwad at mapaghangad na pinuno, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang galit ng mga taong nabiktima ng kawalan ng katarungan nawa’y maghilom at matuto silang muli na magtiwala at makipagkaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at naghihingalo nawa’y tumanggap ng lakas mula kay Jesus na dumating upang tulungan ang may karamdaman at mahihina, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y ganap na tumanggap ng gantimpala sa kanilang mga pagsusumikap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, ikaw ang aming sandigan sa mga oras ng pangangailangan. Buksan mo ang aming mga puso sa iyong biyaya at akayin kami sa iyong Kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

{ 4 comments… read them below or add one }

Reynald David Perez June 22, 2022 at 4:14 am

PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang salaysay ng paghahari ng Haring Josias sa Juda. Isa siya sa mga matuwid na hari na gumalang at kumilala sa Panginoon. Ang punong pari n’ung panunungkulan niya na si Helcias ay natagpuan ang isang librong na nilalaman angf Kautusan ng Panginoong Diyos. Kaya tinipon ng hari ang lahat ng mga matatanda, mga pari, at mga naninirahan sa Juda at Jerusalem, at ipinabasa ang lahat ng nilalaman ng aklat ng Torah upang ang lahat ng iniuutos ng Diyos ay masundan nila. Dito gumawa ang hari ng tipan sa pagitan ng Panginoon at ang kanyang bayang hinirang.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang palapit na pagtatapos ng Pangangaral ni Hesus sa Bundok ayon sa pagsasalaysay ni San Mateo. Dito nagbabala ang Panginoon na mag-ingat laban sa mga huwad na propeta, ang parang mga nagkukunwaring tupa, ngunit asong-gubat ang tunay na pagkatao. Ang tanda sa pagkilala kung paano maihahambing ang tunay sa huwad ay sa pamamagitan ng mga bunga. At narinig din natin kay Hesus ang simbolo ng mga punong nagbubunga ng mabubuti at masasama. Dito natin matutunghayan kung ang tao nga na nagsasabing propeta o tagapagdala ng mensahe ng Diyos ay totoo o huwad. Ang puso ang siyang makakapagsabi kung sino ang dapat nating panindigang nagsasabing totoong saksi sa Panginooon at sa kanyang Mabuting Balita. At tayo rin ay inaanyayahang maging mga mabubuting saksi at magbunga sa ating pagpapadama ng mga magagandang aral, upang tayo ay maging mabubuting ehemplo sa iba.

Reply

ruel arcega June 22, 2022 at 8:03 am

Sa ebanghelo ay higit natin bigyan pansin ang sinabi ni Hesus nasa versiculo 15 kabanata 7 na huwag maging bulaang propeta dahil ang ito’y mabibigay na masamang bunga. Kaya’t ang nais ni Hesus para sa kanyang mga alagad ay maging totoong propeta, totoong taga sunod dahil kapag tayo ay tunay na naka ugat kay Hesus ay 100 percent na tayo ay makakapagbunga ng sagana. Ang hindi nakikipag unayan kay Hesus at nagiging totoo hindi magbubunga nang sagana at mabuti. Ito’y puputulin at itatapon. Kaya;t nais ni Hesus na ang ating patuloy na pakikipag-unayan sa kanya ay napakahalaga para tayo ay makapagbigay ng bunga ng mabuti sa iba at hindi tayo itapon at putlin.

Reply

Group of Believer Poblite June 26, 2024 at 6:31 am

MAGNILAY: Hindi lahat ng nagpapahayag ng salita ng Diyos ay propeta na nga. Kung wala kang naman seryosong plano at intensyon na isabuhay ito isa ka lang bulaang propeta. Ginagamit mo lang ang salita ng Diyos para magpasikat, magpabilib, magpapogi at kumita pero wala ang tunay na malasakit ng isang pastol na ang hangad ay lumusog ang kanyang mga tupa sa karunungan ng Diyos. Inaakala mo na habambuhay kang makalulusot pero hindi. Hindi maitatago ang masamang motibo. Lalabas at lalabas ito sa bunga. At hinding-hindi mamumunga ng mabuti ang masamang puno. Isang palatandaan ng bulaang propeta ay dahil sa iyo nalayo ang marami sa Diyos imbes na nailapit.

MANALANGIN: Panginoon, huwag mong ipahintulot na maging dahilan ako upang lumayo ang marami sa iyo.

GAWIN: Huwag mong lokohin ang sarili mo at ang iba na propeta ka ng salita ng Diyos.

Reply

Marz June 26, 2024 at 1:50 pm

Pride is expensive to sustain and can destroy a person.
Let go of your pride.
If you can’t find God in everyday things, don’t expect to find Him anyplace.
Be modest in everything you do. Not all works in the church are of God. Not all charitable acts are divine.
If you think of God in your work, it is God’s work.
Find God in the solitude. The instant you think about yourself, you lose touch with God.
Do everyday tasks while seeking God in extraordinary ways.

Reply

Leave a Comment



Previous post:

Next post: