Podcast: Download (5.5MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (B)
Patnubay sa Misa
Ipinaaalala ng ating Ebanghelyo ngayon na sa pagsasakatuparan ng plano ng Diyos, hindi tayo dapat maging mga tagapanood kundi mga katuwang na nakikibahagi sa pagpapalawig ng Kaharian at gawain ang nararapat upang ito ay maisabuhay nang ganap. Humiling tayo ng biyayang sapat upang maisakatuparan ito:
Panginoon, mapasaamin nawa ang Kaharian Mo!
Para sa Simbahan, na inatasan ni Kristong ipagpatuloy ang kanyang misyong maghasik ng binhi ng Kaharian sa buong mundo: Nawa’y gawin niya ito na tigib ng katapatan at pag-asa. Manalangin tayo!
Para sa Santo Papa at lahat ng pinuno ng mga lokal na sambayanang Kristiyano: Nawa’y higit pa nilang gabayan ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng kanilang masiglang pagpapahayag ng Kaharian at pagsasabuhay nito. Manalangin tayo!
Para sa mga pinunong sibil, sa larangan ng pulitika at kultura: Nawa’y ang kanilang mga balakin at paggawa ay higit na magpaunlad at magpatibay sa mga pinahahalagahan ng Kaharian ng Diyos, tulad ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng ama: Nawa’y pangalagaan nila ang kani-kanilang pamilya tulad ng pangangalaga sa atin ng Diyos Ama, at pagpalain nawa sila ng pag-ibig, kapayapaan, at kagalakan. Manalangin tayo!
Para sa ating parokya, mga BEC, at mga komunidad na karismatiko: Nawa’y maging tanda at tagapagdala sila ng kapangyarihan at kabanalan ng Kaharian ng Diyos sa lahat ng mga kasapi ng ating lipunan. Manalangin tayo!
Para sa lahat ng mga migranteng umiiwas sa gutom at giyera na napipilitang mangibang-bayan sa kabila ng panganib at karahasan: Makatagpo nawa sila ng pagtanggap at pagkalinga sa mga bayang
magbubukas ng pintuan sa kanila. Manalangin tayo!
Panginoong Diyos, Ikaw ang pasimula, ang tagapagtaguyod, ang lubos na katuparan ng kagandahan ng iyong Kaharian. Kami’y nagpapasalamat na kami’y Iyong tinawag upang maging katuwang sa pagpapalaganap ng Iyong mapagligtas na panukala. Pagkalooban mo kami ng pananampalataya, kababaang-loob, at tiyagang kinakailangan namin upang aming matupad ang dakilang misyong ito. Sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen!
Pages: 1 2
« Sabado, Hunyo 15, 2024
Linggo, Hunyo 23, 2024 »




{ 6 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Matapos natin ipagdiwang ang mga misteryo ng pananampalataya sa mga pagdiriwang ng Banal na Santatlo, Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng Panginoon, at ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, muling bumabalik tayo sa Karaniwang Panahon para sa mga araw ng Linggo. At ito ay isang napakahabang paglalakbay hanggang Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ni Hesukristo, na siyang hudyat ng katapusan ng Taong Panliturhiya ng Simbahan. Bagamat karaniwan lang ang pag-alala sa Ministeryong Pampubliko ni Kristo, ekstraordinaryo naman ang pag-ibig ng Diyos na nakikita sa mga pangangaral at kababalaghan ni Kristo.
Ang mga Pagbasa ngayon ay nagpapahayag sa Diyos na nagbibigay ng mga kabutihang-loob at kagandahang-loob sa atin batay sa kanyang oras at ayon sa kanyang kalooban, At ang ginamit ng mga larawan sa mga Pagbasa ay pagtatanim, na ang Diyos ay nagtatanim upang umusbong ang mga halaman/puno. Ganito ang narinig natin sa Unang Pagbasa & Ebanghelyo, nang ang isang butil itinanim ay nagkakaroon ng oras at panahon para tumubo, nang sa gayon ay magiging pugad-tirahan ang mga ito para sa mga ibon. Kaya sinasabi ni Salmista na ganito ang mga matutuwid na uusbong katulad ng luntiang sedro ng Libano, dahil sila ay itinanim sa puso ng Panginoon. Kaya ang ating pagiging matuwid at kalugud-lugod sa Diyos ay nangangahulugang tayo rin ay may partisipasyon sa plano ng Diyos. Tayo ay inaanyayahang maging mapaghintay, magtiwala, at patuloy na mamunga para sa ikauunlad ng pagkatao ng bawat isa sa Panginoon.
Minsan may mga bagay na gusto natin, pero parang ang tagal ng ating pagtitiis at paghihintay dahil na sa dagok ng hirap ng ating sitwasyon sa buhay. Subalit ang Diyos ay hindi kailanma’y napapagod na itugon ang kahilingan ng bawat isa, kahit ito ma’y tumagal sa habang panahon. At malay natin, ang kanyang binibigay ay mas higit pa kaysa sa ating hinihiling. Kaya sinasabi ni San Pablo na mamuhay tayo sa pananampalataya, at hindi lang sa mga materyal na bagay na nakikita at nahahawakan. Tayo ay inaanyayahang maging malakas ang ating kalooban na maging tapat sa Panginoon, nang sa gayon ay matatagpuan niya tayong handa sa huling araw para makamtan natin ang kaligayan ng buhay na walang hanggan. Kaya kung tayo’y patuloy na naghihirap ngunit nagsusumikap, magtiwala tayo sa panahon ng Diyos, maghintay katulad ng pagiging mapaghintay niya sa atin, at patuloy na umusbong at umunlad sa pananampalataya, upang magbunga ang kagandahang-loob sa ating buhay-Kristiyano.
ano ang pagkakatulad ng Reading 1 at Gospel? anu ano ang mga bagay na magkakaugnay? Ano ang mga aral o turo ang tinutukoy sa mga pagbasa?
Subukan kong sagutin ito. Ang pagkakatulad nila ay sa paraang inahalintulad ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatanim o ng halaman.Para bang ipinahihiwatig dito na ang lahat ay kayang gawin ng Panginoon at Siya nga itong ginawa sa kanila!… at kulang man ang ginagawa ng tao ay gagawa pa rin ang Diyos upang maisajatuparan ang kanyang plano sa tao
Nagustuhan ko ang salitang Participasyon. Totoong masarap pakinggan na lahat na ay ginagawa ng Panginoon para sa tao. Kung hindi kikilos ang Dios ay hindi rin tayo uunlad sa totoo at tunay na kabutihan. Salamat po sa inyong pagpapahayag, Gng Reynald, mataimtim kong hihintayin ang aking mga mithiin na may patitimpi at tiyaga sa aking pangaraw-araw na dEsisyon ayon sa kalooban ng Diyos.
Kalugod-lugod ba tayo sa Diyos? Hindi natin madadaya ang ating sarili. Ngayon pa lamang ay alam na natin kung kalugod-lugod tayo o hindi. Ito ang magandang pagtuunan ng pansin. Kung paano tayo magiging kalugod-lugod at ng makapasok tayo sa kaharian ng Diyos? Pili ng Diyos ang pinagpapaliwanagan Niya tungkol sa kaharian ng Diyos. Ilan dito ay ang mga Apostoles. Kaya nga napaka palad nila kung sa lupa pa lamang ay napili na sila. Huwag sana tayong bibitaw sa pananalig natin sa Diyos. Nawa’y maipakita natin na tayo ay karapat-dapat na makapasok sa Kanyang kaharian.
Sinabi ng Panginoon na “Mapapababa ko ang mataas na kahoy at mapapataas ko ang mababang punongkahoy, Mapapsariwa ko ang tuyong kahoy at mapapatuyo ko ang sariwang kahoy.
Mga kapatid, Humility, manatili tayong mapagkumbaba, iwasan nating maging mayabang at mapagmalaki sa buhay. Sapagkat sa isang iglap ay kaya ng Panginoon bawiin kung anu mang merong ka maging yaman, aria arian, katanyagan, mataas na posisyon sa lipunan o sa isang kompanya. Ngayong panahon ng pandemya marami ang nagpatotoo nito, dating napakalakas ng negosyo ngayon ay nagsara na, nawalan ng trabaho at iba pa. Kung ikaw nman ay salat sa buhay wag mawalan ng pag -asa at kumapit lamang kay Hesus sa pamamagitan ng pnalangin at patuloy ma paggawa mg kabutihan at mananariwa ka katulad ng pangako ng Panginoon basta manalig ka lamang at wag ng mangamba.
Sa ebanghelyo nman ay ang Salita ng Diyos ng buhay ay hinalintulad sa isang binhi. Kung ano ang tinanim ay syang aanihin. Ano ba ang itinatanim natin ngayon sa puso natin? Galit sa kapatid, inggit sa kapitbahay, poot sa gobyerno, reklamo sa iba’t ibang bagay? Kasakiman, pagnanasa sa hindi mo asawa at pag aari? Matakot tayo sa Diyos dahil walang magandang kahahantungan ang iyong mga itinanim. ipunla mo sa puso’t isipan ang Salita ng Diyos at ang sampung utos, hindi ka maliligaw kapatid, …at mananariwa ka.