Huwebes, Mayo 30, 2024

May 30, 2024

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Hilingin natin sa ating Diyos Ama na buksan ang ating mga mata upang makasunod tayo sa kanya nang buong puso.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Guro, buksan mo ang aming mga mata.

Ang ating Simbahan nawa’y maging tanglaw ng liwanag na nagpapahayag ng mensahe ni Kristo sa lahat ng tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Bilang gawain ng kabutihang-loob, nawa’y lagi nating kalingain ang mga itinakwil, tinanggihan, at hindi minamahal sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Katulad ni Bartimeo, tayo nawa’y magkaroon ng matatag na pananalig kay Jesus at sumunod sa kanya sa daan ng buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga nagdurusa nawa’y magkaroon ng lakas ng loob na maiugnay ang kanilang mga dinaranas sa mga paghihirap ni Kristo upang makihati sila sa kanyang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama sa Langit, punuin mo kami ng iyong pag-ibig at pawiin mo ang kadiliman sa aming buhay upang makapamuhay kami sa liwanag ng iyong Anak. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Pages: 1 2

Mga Pagbasa Kahapon
«
Mga Pagbasa Bukas
»

Leave a Comment



Previous post:

Next post: