Podcast: Download (Duration: 8:15 — 5.8MB)
PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Lunes
Inihahayag ng Panginoon ang misteryo ng Kaharian ng Diyos sa mga taong buong pagmamahal na kumakalinga sa mga dukha at nagugutom. Idalangin natin na ang Kaharian ng Diyos ay maging tunay sa ating buhay.
Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Panginoon, loobin Mong mahalin at paglingkuran ka namin sa aming kapwa.
Ang Simbahan nawa’y maging isang tahanan para sa mga naliligaw ng landas, ulila, mahihina, at bigo, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga mayayamang bansa nawa’y taimtim na magsagawa ng mga hakbang upang makatulong sa pag-unlad ng mahihirap na bansa, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga napariwara at mga itinakwil ng lipunan nawa’y maakit sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkakawanggawa, manalangin tayo sa Panginoon.
Sa ating mga tahanan, lugar ng hanapbuhay, at sa pamayanang ating kinabibilangan nawa’y maipalaganap natin ang paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga yumao nawa’y makapasok sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.
Ama, nababatid namin ang iyong walang hanggang pag-ibig para sa lahat ng tao, kaya may pagtitiwalang inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa ngalan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.
Pages: 1 2
« Linggo, Pebrero 18, 2024
Martes, Pebrero 20, 2024 »
{ 7 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Ang Unang Pagbasa ay ang isa sa mga pinakamahalagang alintuntunin ng Kautusan ng Diyos: ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili. Unang ipinasabi ng Diyos kay Moises na ipahayag sa mga Israelita na hindi dapat sila gumawa ng masama sa kapwang tao. Pangalawa niyang ipinagsabi na ipahayag sa kanila na sila dapat ay magmahal, at hindi maglabas ng sama ng loob sa bawat isa. Ang pagmamahal sa kapwa ay kaakibat sa pagmamahal sa Diyos nang binuod ni Hesus ang Sampung Utos. Magkasabay ang dalawang ito sa iisang dakilang utos, na hindi natin masasabing mahal natin ang Diyos kundi hindi natin mahal ang kapwa. Gayundin na hindi natin masasabi na mahal natin ang kapwa, kung hindi natin mahal ang Diyos at ang ating sarili. Pag-ibig ang siyang pagkakikilanlan natin bilang mga Kristiyano.
Ang Ebanghelyo ay isa sa mga napakalakas na talinghaga ni Hesus patungkol sa wakas ng panahon. Narinig natin ang basehan ng ating hantungan pagkatapos ng ating buhay sa daigdig. Sa Eskatolohiya, dalawa ang hukom na darating: (1) ang Partikular na mangyayari matapos ang pagpanaw ng bawat isa; at (2) ang Pangkalatahan na mangyayari sa katapusan ng mundo. Anumang kamatayan at paghuhukom na ating daraanan, iisa lang ang magiging basehan ni Kristo sa kanyang paghahatol sa atin: kung anong pag-ibig ang ipinadama natin dito sa lupa. Mahalaga ang mga panalangin, debosyon, at buhay na pagsamba sa Diyos bilang mga Kristiyanong Katoliko upang mapalapit tayo sa ating pananalig at pananampalataya sa kanya. Subalit ang hahanapin ng Panginoon sa atin ay kung paano natin ginawa sa kanya ang ginawa natin sa ating kapwa. Kaya nga sa ating katesismo, alam nating mayroong 14 Gawain ng Awa: 7 na Korporal (na iilang halimbawa ay binanggit sa Ebanghelyo) & 7 na Espirituwal. Anumang gawin natin sa kapwa at bawat isa, ito rin ang siyang ginagawa natin sa Diyos. Kahit tayo ay gumawa ng kasalanan, pagkukulang man o pagkakasala, nararamdaman din niya ang sakit ng ating dinala sa kanya. Kaya nga habang tayo ay namumuhay, gawin nating makabuluhan ang ating pananampalataya sa Panginoong Diyos at sa kanyang Anak na si Hesukristo, ang Dakilang Hukom, sa pamamagitan ng pagpapadama ng pag-ibig, lalung-lalo na sa pagiging maawain at mapagmalasakit sa mga pisikal at espirituwal na pangangailangan ng ibang tao. Maraming mga Santo ang nakilala ang mukha ng Diyos sa mga abang tao na nakikita nila sa kanilang mga paligid, at sa pamamagitan ng kanilang paglilingkod at pagkakawang-gawa, nakita rito ang kanilang kabanalan sa pamumuhay.
Ngayong Kuwaresma, hilingan natin sa Diyos na ipadama natin ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng pagiging instrumento ng habag at malasakit sa kapwa, hindi lang sa mga taong kilala natin, kundi sa mga taong nakakasalamuha natin sa ating araw-araw na pamumuhay.
Ang Unang Pagbasa ay paalala sa ilang mga kautusan. Huwag kang magsisinungaling o manunumpa ng hindi totoo sa ikapapahamak ng iba, huwag kang magtatanim ng galit at maghiganti. Huwag mandaraya o magnanakaw. Sapagkat ang mga ito ay kalapastanganan sa Diyos at maybkaakibat na parusa.
Ang buod ng ating ebanghelyo ngayon kung ano ang iyong ginagawa sa iyong kapatid ay sya ring ginagawa mo kay Hesus. Magandang pagnilayan natin ito at laging isaisip na ang lahat ng ating magiging pakikitungo sa ating kapwa ay kay Hesus natin ginagawa. Sa ganoong paraan ay maiiwasan nating gumawa ng masama sa kapwa. Kung mahal natin si Hesus ay ipakita mo ito sa mga makaksalamuha sa mundong ito. Walang pipiliin, mahirap man o mayaman, may kapansanan man o wala, kaibigan mo man o kaaway ay nararapat mong ipakita ng pagmamalasakit.
Tayo ay huhusgahan sa pakikitungo natin sa ating kapwa tao dito sa mundo. Kung paano mo gusto ka tratuhin ng ibang tao ay ganun mo sila tratuhin. Kung mahal mo ang Diyos ay mahalin mo ang lahat ng kanyang nilalang. Upang hindi tayo mapunta sa apoy na hindi namamatay at maksama natin si Hesus sa Paraiso.
Maraming salamat Panginoon.Sa Pag-ibig mo sa amin, tulungan mo po kami at patnubayan. Na makakagawa po kami ng mga bagay na naayon sa kalooban mo. Gabayan mo po kami na lalo pang lumalim at tubibay ang aming panamamplataya. Sayo Panginoon at naway hindi. Hadlang ang mga pinagdadadaanan at mga hinaharap na mga alalahanin para di kami maglaan ng oras sayo .itong lahat Pinapanalangin at pinasasalamatan po namin ng buong pusot kaluluwa sa pangalan ni Hesus na iyong anak Amen
PAGNINILAY
Ang ikaanim na istasyon ng krus ay naglalarawan na inaalok ni Veronica kay Hesus ang kanyang belo upang punasan ang kanyang mukha. Kung tatanungin tayo ni Hesus, “Malakas ba ang loob mo para punasan ang duguan kong mukha?” “Nasaan ang iyong mukha?” maaari tanungin natin at sasagutin ni Hesus “sa tahanan, sa trabaho, sa mga lansangan, saanman naroon ang nagdurusa, at doon hinahanap Niya tayo upang punasan ang Kanyang dugo at luha.
Sinabi ng isang mahusay na tao: “Ang halaga ng paggalang na ibinibigay ko sa mga tao ay hindi batay sa kung gaano sila kataas sa kanilang sarili ngunit kung paano nila tinatrato ang mga mas mababa kaysa sa kanila.” Paano natin tinatrato ang mga taong mas mababa kaysa sa atin, ang mga taong hindi kayang sukatin ang ating katayuan, pera, katalinuhan, posisyon? ‘Anumang gawin natin sa pinakahamak (pinakamaliit, hindi mahalaga, pinakamahirap, minorya), ay gawin mo sa akin’, sabi ni Hesus.
Nahihirapan ba tayong talunin ang poot sa ating puso? Nawa’y makita natin ang mukha ni Hesus sa partikular na taong iyon. Nawa’y mapagtanto natin na anuman ang binabalak natin laban sa tao, si Hesus mismo ang ating binabalak labanan. Sa sandaling simulan nating makita si Hesus sa ating mga kaaway, ang ating puso ay magsisimulang matunaw para sa kanila. Hindi na tayo makakaramdam ng pagkamuhi kundi manalangin para sa kanilang kaligtasan. Ang tanging paraan upang mahalin natin ang ating mga kaaway gaya ng itinuro sa atin ni Hesus ay sa pamamagitan ng makita ang mukha ni Hesus sa ating mga kaaway.
Ang ating huling pagsusulit ay ang huling paghatol. Ang mahalaga lang sa araw na iyon ay: Gaano kalaki o gaano kaliit ang ating pagmamahal? Makapangyarihan at madaling unawain, sa gabi ng ating buhay, sa pag-ibig lamang tayo hahatulan.
Panginoong Hesus, tulungan Mo kaming makita Ka sa lahat ng nangangailangan. Amen.
***
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Maliwanag ang paraan ng pagsalbang nakalaan sa sangkatauhan. Walang iba kundi kay Hesukristo. Sa kanya lamang. Hindi sa kung saan tayo nakaramdam o nakakita ng sa tingin natin ay tama. Wala tayong kakayahan makita o maramdaman ang katotohanan maliban na lang kung tayo ay nasa Katotohan. Siya ang Daan, ang Katotohanan, at Buhay. Siya ang Hari ng Kalangitan. At ang mga ginawa natin sa buhay para sa Kanya ang tanging daan sa kaligtasan. Ang pakainin siya sa kanyang kagutuman, ang painumin siya sa kanyang pagkauhaw, ang tanggapin siya na isang dayuhan, ang suutan siya ng damit sa kanyang kahubaran, ang dalawin siya sa kanyang karamdaman, at ang puntahan siya sa bilangguan. At siya ay hindi kung sino man lang kundi ang pinaka aba sa ating lipunan. Mainam manalangin pagkat duon siya ay mapapasaatin. Mainam magsamba at magpapuri, duon lakas, karunungan, at kapangyarihan ay ibibigay sa atin. Ngunit sa kabila ng ating mga kabanalan at kabaitan, ang kaligtasan dala ng ating pananampalataya ay nangangailangan ng mga gawa na hindi lang base sa puro ngawa. Maliwanag ang sinabi ni Hesus. Matuto na tayo. Hanapin natin siya sa labas ng ating marangyang palasyo at pagkatao dahil ito ang katotohanan na magbibigay sa atin ng ating kaligtasan.
Whether in asking about other people, or relating them to their parents, nagkakaroon tayo ng idea kung sino sila just by us knowing kung sino ang magulang nila. Para bang kilala na rin natin sila kung kilala natin ang magulang nila, “Ahh si Virgie yung anak ni Virgilio. E di teacher din siya?” “Ah si Angelo, yung anak ni Jose. Panigurado mabait yan katulad ng ama niya.” Ganito usually ang mga tao lalo na sa Pilipinas, nasa culture natin ito. Kung sino ang magulang ay ganoon din ang anak. at nagkakaroon tayo ng idea kung sino sila sa simula. But it doesn’t work that way all the time. Sa katagalan ng ating pagkakakilala sa iba, nadidistinguish natin kung nagmana nga ba ang anak sa magulang. Ganito rin pagdating sa ating relasyon sa Ama natin sa langit.
Lahat tayo ay tinatawag na maging anak ng Diyos sa pamamagitan ni HesuKristo, para sa lahat ng tumatanggap at nakikiisa kay Hesus. Lahat tayo ay invited na magbalik sa Ama sa pamamagitan ng pagsisisi sa ating mga kasalanan, at kasabay nito ay ang paggawa natin ng mga mabubuting bagay na makakapagparangal sa Kanya. Tunay tayong mga anak Niya kung tayo’y kakikitaan ng mga qualities na makapagsasabi sa mga tao, “Si Gerald ang bait niyan, totoong anak ng Diyos yan”. “Si Vicky, mapagbigay siya, matiisin siya alang-alang sa mga kapatid niya. anak ng Diyos yan.” Ang pinakamagandang kumpirmasyon kung anak tayo ng Diyos ay kapag si Hesus ang nagsabi at nagwelcome sa atin sa langit, “Well done, good and faithful servant! Come and share my joy!”. Ito ang gawin nating target sa kabilang buhay. Ang mapabilang sa mga anak ng Diyos, ang maconfirm ang ating election sa langit. Ang maconfirm na tayo ay miyembro ng kawan ng Panginoong Hesus.
Ang lahat ng ating gawain ay inilatag ng Diyos dito sa lupa. Magpakain sa magugutom. Magbigay sa nangangailangan. Dumalaw sa maysakit. Damitan ang walang damit. Ang sabi ni Hesus sa ating Ebanghelyo, kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay ginawa mo na rin sa akin. (O di ba? Nabubuhay ang Panginoon sa bawat isa sa atin.) Kaya nga minsan kapag may nakita tayong nahihirapan ay para bang may udyok na tulungan natin sila. Ngunit para sa mga taong kahit may udyok na tumulong ay hindi ginawa, may udyok na patawarin ang kapwa pero hindi ginawa, may udyok na bisitahin ang maysakit pero hindi ginawa, aba, nawawalan ka ng chance na ipakita na si Kristo ay buhay sa atin! Mga kapatid kung ang pag-say NO sa udyok ng Espiritu Santo ay ating nagawa, magsisi tayo upang manumbalik ang Espiritu sa atin. Hindi ba’t isa ito sa mga hinihingi natin ng awa sa Diyos during the early part of the mass? Dahil once ma-immune tayo sa mga promptings ng Spirit, magkakaroon tayo ng hardness of heart. At pag nagkaroon tayo ng hardness of heart, posibleng maging blind na tayo sa pagkakasala maging alipin tayo muli ni Satan. Huwag naman sana!
Ngayon ay magkakasama tayo. Magkakahalo ang mabuti sa masama. ngunit Pagbalik ni Hesus ay iseseparate niya ang tupa sa kambing. Iseseparate Niya ang mga taong mabuti sa masama. Magkaroon tayo ng takot sa Panginoon, manumbalik tayo sa Kanya, gumawa ng mabuti sapagkat ito ang goal natin sa lupa–ang maging mabuting anak ng Siyos. Hindi natin alam kung kailan babalik ang Panginoon, hindi rin natin alam kung kailan tayo kukunin ng Panginoon. Pero para sa mga anak ng Diyos na present ang Espiritu Santo sa kanilang kalooban, ang kaharian ng Diyos ay naganap at nagaganap na before their very eyes. Amen.