Podcast: Download (Duration: 5:01 — 3.6MB)
Martes sa Unang Linggo
ng Apatnapung Araw na Paghahanda
Isaias 55, 10-11
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
Mateo 6, 7-15
Subscribe to Awit at Papuri Communications YouTube Channel
Tuesday of the First Week of Lent (Violet)
UNANG PAGBASA
Isaias 55, 10-11
Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias
Sinasabi ng Panginoon:
“Ang ulan at niyebe
paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik,
aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig,
kaya may pagkai’t butil na panghasik.
Ganyan din ang aking mga salita,
magaganap nito ang lahat kong nasa.”
Ang Salita ng Diyos.
SALMONG TUGUNAN
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
Kadakilaan ng Diyos ay ihayag
ang ngalan niya’y purihin ng lahat!
Ang aking dalangi’y dininig ng Diyos,
nawala sa akin ang lahat kong takot.
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
Nagalak ang aping umasa sa kanya,
pagkat di nabigo ang pag-asa nila.
Tumatawag sa Diyos ang walang pag-asa,
sila’y iniligtas sa hirap at dusa.
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
Kinukupkop ng Diyos ang mga matuwid
at ang taghoy nila’y kanyang dinirinig.
Nililipol niya yaong masasama
hanggang sa mapawi sa isip ng madla.
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
Agad dinirinig daing ng matuwid
inililigtas sila sa mga panganib.
Tumutulong siya sa nasisiphayo
ang walang pag-asa’y hindi binibigo.
Mat’wid ay tinutulungan
sa lahat ng kagipitan.
AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
Mateo 4, 4b
Ang tao ay nabubuhay
hindi lamang sa tinapay
kundi sa Salitang mahal
mula sa bibig na banal
ng Ama nating Maykapal
MABUTING BALITA
Mateo 6, 7-15
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Sa pananalangin ninyo’y huwag kayong gagamit ng napakaraming salita gaya ng ginagawa ng mga Hentil. Ang akala nila’y pakikinggan sila ng Diyos dahil sa dami ng kanilang salita. Huwag ninyo silang tutularan. Sapagkat alam na ng inyong Ama ang inyong kinakailangan bago pa ninyo hingin sa kanya. Ganito kayo mananalangin:
‘Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.
Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.
Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!
Sapagkat iyo ang kaharian at ang
kapangyarihan at ang kapurihan,
magpakailanman! Amen.
Sapagkat kung pinatatawad ninyo ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din kayo ng inyong Amang nasa langit. Ngunit kung hindi ninyo pinatatawad ang mga nagkakasala sa inyo, hindi kayo patatawarin ng inyong Ama.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Pages: 1 2
« Lunes, Pebrero 19, 2024
Miyerkules, Pebrero 21, 2024 »
{ 5 comments… read them below or add one }
PAGNINILAY: Isang gawain na ipinapaalala sa atin ngayong Kuwaresma ay ang Panalangin. Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin.
At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication.
Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit.
Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ayon kay Propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay katulad ng pagkakaroon ng mga kasaganaan ng iba’t ibang panahon sa ating klima. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.
Isaias 55, 10-11
Salmo 33, 4-5. 6-7. 16-17. 18-19
Mateo 6, 7-15
Napakaganda po ng panalanging itinuro sa atin ni Hesus. Why not? It is taught by the Lord Jesus Himself, ang Anak ng Diyos, showing us His humility towards the Father. It also reveals what we must really be concerned of as humans—little of our needs and more of the works of the Kingdom, bilang mga anak ng Diyos kay Kristo Hesus. Maaari nating dasalin ito as is or make it a pattern for our own personal prayers. Himayin natin ang nilalaman ng panalanging ito.
It shows us our relationship with God – Our Father in Heaven. Dahil sa ginawang pagliligtas ni Kristo, ibinigay sa atin ang pribilehiyo na maging anak ng Diyos.
It puts the Father in His rightful place – Holy is Your Name.
It reveals the purpose of God – Your Kingdom come.
It teaches us to submit to the will of God – Your will be done.
And His will encompasses all of the — earth as it is in Heaven.
Give us this day our daily bread – It taught us to tell Him our needs, and so we should not worry about tomorrow.
And forgive us our sins – we should ask Him for forgiveness.
As we forgive those who sin against us – In the same way that we ask to be forgiven, we ought to forgive another person who wronged us and seeks forgiveness from us.
Do not bring us to the test – we can ask the Lord to be gentle with us, to not bring us to severe testing that could result in falling into sin.
But deliver us from evil – but even then, we can ask the Lord to save us from all kinds of evil, even from the sin we just committed when our faith failed.
Amen. – Believe in Him to answer your prayer.
The moment we realize the true meaning of this prayer, we will never pray it monotonously ever again. We will pray it with meaning, with power. More so, kung ganito magdasal si Kristo, hindi ba dapat sumunod ang mga tagasunod Niya? Base our prayers from the pattern that Jesus presented us. Pray like Jesus. Amen.
Pagninilay sa Mabuting Balita ni Jess C. Gregorio:
Napaka makapangyarihan ng panalanging itinuro ni Hesus. Sakop lahat ng pangangailangan natin sa napakasimpleng paraan. Sa likod ng mga katagang ginamit niya, pansinin nyo na may pagkasunod-sunod ang mga ito. Para bagang tinuturuan tayo kung ano ang sasabihin sa ating magiging panalangin na personal. Sundan ang pagkakasunod-sunod nito gaya ng ginawa ni Kristo at itaas ang kakaibang pagsamba, pagsuko, hiling, kapatawaran sa ating kasalanan, at paglukob ng Kanyang kapangyarihan sa atin ayon sa ating karanasan at pangangailangan.
I. Papuri (Ama naming nasa langit,
sambahin nawa ang pangalan mo.)
Papurihan natin ang Diyos sa lahat ng naigawad sa atin. Buhay. Pagmamahal. Proteksiyon. Atbp.
II. Pagsuko (Ikaw nawa ang maghari sa amin,
sundin nawa ang iyong kalooban
dito sa lupa tulad ng sa langit.)
Aminin natin na hindi natin puwedeng angkinin ang anumang bagay sa mundo. Na ang lahat na maaarinnating maisip ay galing sa Diyos. Ang Kanyang plano nawa’y mamayani.
III. Paghiling (Bigyan mo kami ng pagkaing kailangan namin sa araw na ito;)
Hilingin nyo ang grasyang kailangan nyo pero para lang sa araw na ito. Ang grasya ay pang araw-araw lang.
IV. Kapatawaran at pagpapatawad (At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin.)
Humingi ng tawad sa lahat ng kasalanang nagawa. Banggitin ang mga pangalan ng mga naka away at patawarin sila.
V. Pagbabasbas ng Banal na Espiritu para magkaroon ng kakaibang kapangyarihan at proteksiyon (At huwag mo kaming iharap sa mahigpit na pagsubok,
kundi ilayo mo kami sa Masama!)
Itaas ang kasalukuyang pagsubok, kahinaan, at pangamba. Hilingin ang kapangyarihan na kailangan gaya ng wisdom, knowledge, healing, prophecy, discernment, praise, love, charity, hope, o ano pa man ang kailangan para mapagtagumpayan ang araw na ito. Ang kapangyarihan ay para lang sa araw na ito. Kung araw-araw nyo hihilingin mga iyan para na rin tayo nagkaroon ng pang matagalang kapangyarihan sa ating mga kamay na dulot ng Banal na Espiritu.
VI. Pagtatapos na Papuri. (Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan, magpakailanman! Amen.)
Pansinin nyo na ang panalangin ni Hesus ay nagsisimula sa papuri at nagtatapos sa papuri. Ito ang kaibahan natin sa mga hentil. Ang sikreto ng epektibong panalangin ay papuri. Hanggang hindi natin natutunan ang magsimula sa papuri at magtapos sa papuri, hindi natin mararamdaman ang ating mga panalangin.
PAGNINILAY: Isang gawain na ipinapaalala sa atin ngayong Kuwaresma ay ang Panalangin. Ang panalangin ay ang ating personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Maraming paraan tayong nagdadasal, kahit mula sa mga “prayer book” o kaya personal. Minsan nagdadasal tayong nag-iisa lamang o kasama ang grupo ng mga tao/buong komunidad. Subalit ang nais ipaalala sa atin ngayong Kuwaresma at sa lahat ng mga pagkakataon ang isang epektibong paraan ng panalangin.
At makikita natin dito sa Ebanghelyo nang ituro sa atin ng ating Panginoong Hesukristo ang Pater Noster, o mas kilala bilang “Ama Namin”. Dati sa kultura ng mga Hudyo, dapat igalang ang pangalan ng Panginoong Diyos ayon sa nasasaad sa Ika-2 Utos. Ngayon nang dumating si Hesus, itinuro niya sa atin na tawagin natin ang Diyos bilang “Ama” sapagkat katulad ng isang tatay na nagsisikap sa isang pamilya, ang ating Panginoon ay tunay na nagbibigay sa atin ng ating mga kahilingan ayon sa kanyang kagustuhan at kalooban. Ang Ama Namin ay isang magandang panalangin upang gawin natin sa ating personal na dasal ang ACTS: Adoration, Contrition, Thanksgiving, and Supplication.
Pinupuri natin ang Diyos dahil sa kanyang dakilang presensiya sa atin, at nagpapasalamat din tayo sa mga biyayang ipinagkalooob niya sa atin at sa ibang tao. Kahit tayo ay nagkasala, tayo ay patuloy na humihingi ng kapatawaran sa kanya at ang grasyang matutong patawarin ang pagkakasala ng ibang tao laban sa atin. At sa huli ay humihiling tayo sa Panginoon ng patuloy na patnubay sa atin at ang ibang tao rin. Ganito ang isang epektibong paraan ng panalangin sa Diyos. Kaya matindi ng babala ni Hesus na huwag nating tularan ang mga pagano na kapag nagdadasal, marami tayong sinasabi at paulit-ulit.
Ang tunay na panalangin ay dapat magmula sa ating mga puso. Sapagkat ang kagandahang-loob ng Panginoong Diyos ayon kay Propeta Isaias sa Unang Pagbasa ay katulad ng pagkakaroon ng mga kasaganaan ng iba’t ibang panahon sa ating klima. Nawa’y manahan ang kanyang salita sa ating buhay.
PAGNINILAY
Forgiveness… the Key to All Graces
Kung pinatawad ninyo unconditionally ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din tayo ng Diyos and everything follows. Isapuso natin na ang pagiging malinis sa harap ng Diyos dahil ito sng susi ng kanyang grasya.
Sambahin ang ngalan ng Diyos na naghahari sa atin at sundin ang kalooban niya dito sa lupa tulad ng sa langit. Ang hilingin lang natin ay ang ating pagkaing kailangan sa araw na ito. At huwag iharap sa mahipit na pagsubok at ilayo sa lahat ng masama.
Ayaw din niya ng walang katuturang salita kung nagdadasal,
dahil bago pa man tayo humingi alam na Niya ang ating pangangailangan.
Tulad ng nasabi ko, kung pinatawad ninyo unconditionally ang mga nagkakasala sa inyo, patatawarin din tayo ng Diyos at lahat ng kahilingan ay kanyag ipagkakaloob ayon sa Kanyang nais.